Gusto ko lang ishare ang experince ko para maging aware ang lahat na hndi maganda ang katangian na meron ako
Hndi ito katulad ng 3RD EYE na katulad ng iba. Ang akin siguro ay ang E.S.P ung katulad sa FINAL DESTINATION looks cool dba? Pero hndi sino ba naman may gusto na ma prepredict mo ung next mamatay sa family mo o ung mga taong nakapalibot sayo.
Nag simula siguro to nung grade 6 pa lang ako nag kakayan kme na mag kakaibigan na maligo sa ilog. Hndi ko naman tlga trip sumama pero syempre mga tropa mapilit kaya sumama na rin ako. Habang nasa kasagsagan kme ng pag lalakad parang bigla akong nanghina at nahilo malakas kabog ng dibdib ko syempre bata pa ako nun kaya pina sintabi ko na lang pero sa sarili ko parang may kakaiba.hangang sa nakarating na kame sa ilog at nag si pag ligo na kme hndi naman ako marunong lumangoy nung time na un kaya sa mababaw lang ako pero ung mga kaibigan ko sige ang talon sa mataas na bato. Habang tinitingnan ko sila parang may humihikayat din saken na tumalon sa mataas na bato parang may bumubulong sa tenga ko. Hangang sa eto na nga pag talon ko hndi ko inaakala na malalim at nalunod ako akala ko mamatay nako salamat sa mga kaibigan kong nag sagip saken.
2010 3rd year naman ako nung nasundan ito parang kakaibang kaba at paulit ulit na pumapasok sa isip ko na what if mamatay ang lolo ko? At ayun na nga wala pang 1 week bago ko maisip un na istroke ung lolo ko at kalaunan ay namatay na .nasundan naman ng tatay ko 2015 inatake ng heart attack habang nag papatrol sa subdivision ang pinag tataka naman namin is wala nung bago pa sya mamatay nag pa over all examine sya wala sa findings na may sakit sya sa puso kaya malaking tanong samin yun.then nasundan uli nung 2016 lolo ng gf ko.
Naiinis ako sa sarili baket meron akong gantong katangian ung mga iniisip mo mag kaka totoo
Hangang sa natanggap ko na lang kung anong meron ako pag nakakaramdam ako ng matinding kaba at pag kahilo alam ko ng may panganib na paparating para bang WARNING sign.
At ngayun iniiwasa ko na rin mag isip ng mga next na mamatay pero minsan di paren maiwasan na may pumapasok sa isip ko
Minsan pa nga habang natutulog ako tila may tumatawa sa kanang tenga ko boses demonyo na sinasabi sumama kna saken dahil hndi mo ako kaya nilalabanan ko na lang ito at sinasabi kong hnding hndi ako sasama sayo
Hangang sa ngayun sa twing may gumugulo sa isip ko at may bumubulong saken demonyo kaya ko na itong controlin ..
Hndi biro ang ganitong katangian kaya wag nyo na pangarapin ang ganitong katangian.Vote!!!
BINABASA MO ANG
Horror Stories
Kinh dịAng mga kwento ay batay sa mga tao na naka experience ng nakakatakot na pangyayari sa kanilang buhay