CHAPTER ONE

26.8K 304 2
                                    

Tinanaw ni Emily ang paligid. Lumingon siya sa kanan niya kasunod ay sa kaliwa. May nakita siyang isang lalaking tumatakbo.

"Maaga pa kasi." Aniya na tila tinugon ang kanyang sarili sa tanong kung bakit madalang pa ang tao.

Nagbuga siya ng hangin saka isinara ang gate, tuluyang bumaba sa gutter at nilakad ang kalsada. Alas-singko pa lang ng umaga. Hind siya dinalaw ng malalim na tulong nang nakaraang gabi. Sa katunayan ay ilang buwan na siyang ganoon. Laging abala sa pag-iisip na may kasamang pag-aalala. Kaya tulad ng nakaraang mga araw, tumatakbo na lang siya upang huminahon ang sarili.

Sadyang maagang nagigising sa araw-araw si Emily. Hindi siya nasanay na mababad nang matagal sa higaan. Marahil dahil sa kanyang sakit na hindi alam kung kailan siya aatakihin.

May problema na ang puso ni Emily nang ipinanganak siya. Coronary heart desease. Kaya nangailangan ng operasyon ang puso niya. Naging matagumpay ang operasyon. Ngunit nang umedad siya ng kinse ay na-diagnose siya sa sakit ng Bradycardia o ang pagbagal ng tibok ng puso. Nalaman ang tungkol sa sakit niya nang mawalan siya nang malay at ilang araw na nanghina. Ilang araw siyang natigil sa ospital. Isa iyon sa mabigat at masakit na mga araw sa buhay ni Emily dahil iyon din ang mga araw na nakaburol ang kanyang ina.

Biglaan ang pagpanaw ng ina ni Emily dahil sa Aneurysm. At nagulat na lang siya nang biglang dumating ang Uncle Raoul niya sa eskwelahan at sinusundo siya. Kailangan daw siya ng mommy niya. Kasunod na niyon ay ang balitang wala na ang kanyang ina.

Hindi nagin madali para kay Emily na tanggapin ang nangyari. Ang kanyang ina lamang kasi ang kinalakihan niyang magulang. Hindi niya nakilala ang kanyang ama. Ang sabi lamang sa kanya ay iniwan sila ng kanyang ama nang malaman nitong nagdadalang-tao sa kanya ang kanyang ina. At tila alikabok ang kanyang ama na bigla na lamang nawala.

Ang nakatatandang kapatid na ng kanyang ina, si Dr. Raoul Almoguera, ang kumupkop sa kanya nang maulila siya. Ang pamilya Almoguera na ang naging pamilya niya at ang kambal na sina Maverick at Mayton na ang naging mga kapatid niya. Naging mabait pa rin ang kapalaran sa kanya. She grew up with a complete loving family. May mga taong itinuring pa rin siya siyang pamilya.

Nagtapos sa kursong BS Accountancy si Emily. Saka nag-review upang maging Certified Public Accountant o CPA. Pareho sila ni Maverick ng kursong tinapos. Samantalang chemist naman ang naging propesyon ni Mayton. Katulad ng ina ng mga ito.

She never bothered herself looking for his father. Wala na rin namang dahilan upang gawin iyon. Nagkaroon siya ng pagkakataong mabuhay nang masaya at sinamantala lamang niya iyo.

Mabilis na natapos ni Emily ang apat na laps sa paligid ng subdivision. Inabot din siya ng kwarenta minutos sa pagtakbo. It was her normal routine. Pinalalakas niya ang kanyang katawan upang lumakas din ang kanyang puso. Hindi naman bawal ang pag-e-ehersisyo sa kanya. It was just a matter of control.

Pawisan na siya nang bumalik siya sa bahay. Maliwanag na maliwanag na ang paligid hudyat na mag-a-alas siete na. Kailangan na niyang maghanda para pumasok sa kanyang trabaho.

Nagderetso siya sa main kitchen. Ngunit naroon na ang kanyang pinsan na si Mayton at naghahanda ng almusal katulong si Manang Natti. Ang over-all house assitant nila sa loob ng labing-limang taon. Nang kuhanin siya ni Uncle Raoul ay ito na ang namamahala ng pangangalaga sa pamilya Almoguera.

"Aga ah." Sabi niya kay Mayton habang papalapit sa refrigerator. Kaagad niyang binuksan iyon at kinuha ang kanyang ion supply drink.

Nagtatrabaho sa isang malaking medicine manufacturer si Mayton. Kasama nito sa kumpanya ang kanyang Auntie Dianne. Pag-aari ng mga Almoguera ang kalahati ng naturang kumpanya. Ngunit kahit na ganoon, hindi lumaking marangya ang pinsan niya. Ganoon din ang kambal nito na si Maverick. Head ng Finance department si Maverick ng kumpanyang pinagtatrbahuhan niya kung saan isa siya sa finance executive, ang GlobalMan Corporation. Ang namamayagpag na outsourcing company sa bansa. Silent partner naman ang kanyang Uncle Raoul sa naturang kumpanya.

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon