Isang modernong headquarter ang inuwian nina Emily matapos manggaling sa Rizal. Kasama nilang bumalik sina Rio, Brian at Max. Si Inspector Maru Esteban naman na ipinakilala sa kanya ni Neb ay nagpaiwan sa facility upang asikasuhin ang pag-te-terminate sa buong lugar.
Sinalubong sila ni Nitos. Kaagad itong ngumiti nang makita siya.
"Good to see you, Emily." Sabi nito sa kanya sabay abot sa kanyang kamay na inabot nito kahit nakabalot iyon sa blanket. Inilagay iyon sa kanya ni Neb nang nasa sasakyan sila pauwi.
"Salamat." Nasisiyahan niyang sagot. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Neb sa kanyang balikat. Tiningnan naman ni Nitos si Neb sa tabi niya.
"I'm sorry to blow your...celebration but I need to talk to you about something." Ani Nitos.
"Tungkol ba 'to sa cellar?" Siya na ang nagkusang magtanong.
"Elly-" Ani Neb na balak siyang pigilan ngunit iniangat niya ang kanyang kamay.
Kumalas siya sa kanyang asawa. Hinarap niya si Nitos. "Kailangang buksan ng cellar. Do you have the place that could evacuate the virus?"
"Yeah, meron." Sagot ni Nitos. "Kaya nga gusto kang makausap ng mga doctor para kung...sakali...i-process-"
"Nitos, hindi ba 'yan makakapaghintay?" Singit ni Neb. "Pwede bang magpahinga muna s'ya?"
"Pwede naman. Pwede." Nakakaintinding sagot ni Nitos. "Sige, sige. Iwan ko muna kayo. Kailangan mong magpahinga."
"Wag na." Aniya.
"Emily!" Hindi natuwang tawag sa kanya ng kanyang asawa. Napalingon siya dito. "Kararating mo lang."
"Hindi na 'to pwedeng maghintay." Agap niya.
"Come on." Ani Neb sabay wasiwas ng kamay sa hangin.
"Ahm, tawagin n'yo lang ako kapag may kailangan-"
"Hindi na." Pigil niya kay Nitos.
"No. Nitos. Go." Sabi naman ni Neb. Akmang tutuloy si Nitos nang muli niyang pigilan. Tiningnan naman siya nang masama ng kanyang asawa.
"Alright. Aalis na muna ako." Si Nitos. "Mag-usap kayo. Okay?"
"Kailangan na nating gawin 'to, Nitos." Hindi na niya napigilang maging desperado ang tinig. "I don't feel good."
"Elly." Kaagad siyang hinawakan ni Neb. "Ano bang sinasabi mo?"
Muling lumapit si Nitos sa kanila. "Anong ibig mong sabihin."
Mabilis na nangilid ang luha niya. "H-Hindi ko alam pero parang kailangan nang tanggalin ng pacemaker ko. Sumasakit ang dibdib ko.-"
"Ano?" Gulat at biglang nataranta si Neb. "Nitos, tawagin mo si Uncle Raoul. Go!"
"Okay. Okay!" Nataranta na rin si Nitos.
"Come here, sweetheart." Sabi ni Neb at inalalayan siya paupo sa isang couch. "Nahihirapan ka bang huminga?"
"Medyo." Sagot niya sabay hugot ng hininga. "Parang pinipigil ng pacemaker ang paghinga ko."
"Kelan pa 'to?" Muling tanong ni Neb sabay abot sa kanyang mga kamay at dinala iyon sa mga labi nito. Kitang-kita ang pag-aalala kay Neb. Ngumiti naman siya upang pawiin ang pag-aalalang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/129040822-288-k900725.jpg)
BINABASA MO ANG
THE GOOD WIFE (Published under PHR)
RomansaThis story was just an experiment. Gusto ko kasi na sumubok magsulat ng action romance. It was a first time for me then. Ang sabi ko subok lang naman. Pero ang hindi inakala ay ang hirap ng pagsulat para sa genre na pinili ko. Intense research at ka...