Kaagad nang iniwan ni Neb si Arkin nang masigurong hindi na ito kumikilos. Kailangan pa niyang hanapin si Emily. Bitbit ang gamit na baril ni Arkin ay lumabas siya. He search the area on rush. Nauubos na ang oras niya. Hindi na siya sigurado kung naroon pa ang kanyang asawa o naitakas na ni Wesly.
"Elly, nasaan ka na?" Sambit niya habang binubuksan ang bawat pintong natatapatan. Wala siyang pakialam kahit pa dumudugo ang balikat niya. Puno na rin siya ng pawis. Frustration kept pouring in.
"Neb, we're back online." May gulat siyang napahawak sa kanyang earpiece nang marinig ang tinig ni Rio. "Eyes on Wesley. Pero hindi n'ya kasama si Emily."
"What?" Bigla namang nataranta niyang tanong. Lumigon-lingon siya sa paligid. "Damn it. Nasaan s'ya?"
"Malaki ang building, Neb. Maaaring nasa ibang floor lang s'ya. Baka kasama n'ya si Arkin." Ani Rio.
"Arkin's dead."
Saglit na hindi tumugon si Rio. Alam niyang naintindihan na nito ang sinabi niya.
"Dumating na ang assault team ng House, Neb. They are tasked to blow the facility. Kailangan na nating mahanap si Elly."
"Nitos, any sign of my wife." Aniya sa kaibigan.
"Sorry mga dude. Na-block ako for a few minutes. And sorry again. Hindi ko na ma-trace ang tracker ni Emily." Narinig niyang tugon. Pikon siyang napabuntong-hininga.
"Nasaan si Wesley, Rio?" Naglalakad na siya. Trying to find his wife.
"We lost him. Two agents are with him. Tatakas sila. Dala nila ang antidote." Ani Rio.
"You saw it?"
"Yes."
Napabuntong-hininga na lamang si Neb. Sadya talagang tuso si Wesley Valderama o Dante Salvador. Hindi talaga ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.
"Neb." Tawag sa kanya ni kay Nitos.
"Yeah." Tugon niya nang lumakad siya at habang naka-angat ang kanyang baril.
"This is straight to the point, Dude. Nakausap ko ang experts na ipinadala ng House. They've check the cellar.ouHo SLKFDSJFDKJFD Kailangang buksan ang cellar."
"Ano?" Muli na naman siyang nagulat kaya muli rin siyang napatigil sa paglalakad. Napabuga pa siya ng hangin. "Alam ba nila ang sinasabi nila?"
"Syempre naman. Pandemic ang pwedeng maging epekto ng virus na nasa cellar-"
"Kaya nga mas dapat na hindi mabuksan 'yon." Agap niya kay Nitos sabay sabunot sa kanyang sariling buhok. "Anak ng...nalalaman mo ba kung anong ibig sabihin ng hinihingi nila?"
"Alam ko. Pero 'yon ang tanging solusyon para matigil ang so-called bioterrorism ni Valderama or should I say, Salvador. Bubuksan ang cellar sa isang lab para ma-contain ang virus. I don't know how these nerdy guys will do it, but definitely they know." Ani Nitos.
"Pero kailangan nila ang antidote." Si Rio. "At hawak pa iyon ni Wesley."
"Hindi sila tatawaging expert kung wala silang maiisip na paraan. They have the process to do it." Narinig niyang sagot ni Nitos.
Hindi na nakasagot si Neb dahil pagkaliko niya sa bandang dulo ng palapag ay nakarinig siya ng sunud-sunod na putok. Kaagad siyang tumakbo upang alamin kung sino iyon. May pakiramdam siya na nasa itaas na floor lamang iyon.
Pagkaayat ay nakita niya sina Brian at Maru na nakikipagpalitan ng putok sa kalaban. Nakakubli ang mga ito sa pader. Mabilis niyang nilapitan si Brian at nakipagsabayan ng putok. Nang makita niya ang isang kalaban ng dumungaw sa pinagkukublian nito ay bahagya pa siyang natigilan dahil nakita niya si Wesley.
![](https://img.wattpad.com/cover/129040822-288-k900725.jpg)
BINABASA MO ANG
THE GOOD WIFE (Published under PHR)
RomanceThis story was just an experiment. Gusto ko kasi na sumubok magsulat ng action romance. It was a first time for me then. Ang sabi ko subok lang naman. Pero ang hindi inakala ay ang hirap ng pagsulat para sa genre na pinili ko. Intense research at ka...