CHAPTER SEVEN

7.3K 125 0
                                    

Kaagad na namuo ang luha ni Emily nang isuot ni Neb sa kanya ang singsing na sinundan ng pagsuot naman niya ng para dito. Nagsimula nang mamutawi sa kanyang ulirat na iyon na talaga ang araw ng kasal nila. Ang pag-iisa nila bilang mag-asawa. The day of their undying vow.

Simple ang kasal. Pamilya at malalapit na kaibigan ang tanging imbitado. Naroon ang pamilya Almoguera na nag-aruga sa kanya. Si Naya at ilang malalapit na kasamahan sa trabaho. Naroon din ang mga magulang ni Neb na umuwi pa galing London. Si Rio na matalik na kaibigan ni Neb at ang iba pa nitong kaibigan na noon lamang niya nakilala.

Her wedding gown was a gift. Galing iyon kay Aunt Dianne na sariling nitong wedding gown. At binigyan siya nito ng task na kailangang ipamana niya ang naturang gown kay Mayton sakaling magpakasal na ito. Ang wedding ring naman niya ay nagmula sa ina ni Neb na pamana pa ng lola nito. It was a heirloom of Neb's family. Ngunit binigyan pa rin siya ni Neb ng isa pang singsing na katulad ng suot nito. Iyon daw ang isusuot niya nang mas maladas. Iyon na rin daw ang magsisilbing identity nilang mag-asawa.

Magkahawak ang kanila mga kamay at tiningnan ang isa't-isa. It was their turn to speak their vows. She was to go first.

"Noong araw na makilala kita, binago mo na ang dahilan ko kung bakit ako humihinga. Alam ko, nakita ko ang taong tangi kong mamahalin. 'Yong tipong nakahanap na sa wakas ang puso ko ng magiging bahay nito. I never expected to feel this way o kahit nang bahugin mo ang pagtibok ng puso ko. Naging makulay, masaya at magaan ang buhay ko dahil sa'yo. Natutunan ko maging matapang sa kabila ng kalagayan ng kalusugan ko."

Sa nangingilid na luha ay tumunghay si Emily at tiningnan ang titig na titig sa kanyang si Neb.

"Neb, nawala lahat ng takot ko nang makita kita kanina na hinihintay akong makarating dito sa altar. Ang saya-saya ko. Maraming salamat sa pagdating mo sa buhay ko. At ipinapangako, tanging ikaw at ako ang magiging magkakampi sa lahat ng pagkakataong itapon sa atin ng mundo. Tanggapin mo ang pagmamahal ko. Tanggapin mo ang buong puso at pagkatao ko. At ilang ulit man akong subukin ng panahon, ikaw lang mananatiling mahal ko. At tatandaan mo, mahal na mahal kita."

Hindi na napigilan ni Emily ang pagtulo ng kanyang luha. Her emotions were jumping up and down out of gratitude and love. Alam niyang nanglalamig ang kanyang kamay ngunit mainit ang pagkapit ni Neb sa kanya.

Tila kay tamis ng ngiting nakita niya mula kay Neb. Then he shyly laughed. Nakita pa niya ang pamumula nito. Hanggang sa muli siya nitong titigan.

"Elly, ikaw na yata ang pinakamagandang bride na nakita ko. Not because you are my bride. But because you carry my happiness and brought here to me. Kung masaya na makita akong naghihintay sa'yo, ako, parang nasa dreamland. I feel like pulling you to get you here faster. And be with me as we vow to our forever.

"Elly, suot na natin ang singsing na nagbubuklod sa'tin. Wala nang maaaring maglayo sa'tin mula ngayon. I promise to not let anything or anyone take away our love. I am not a perfect man. But I vow to hug you everyday, kiss you in every chance I have, and love you with all my heart. Ngayon, ibinibigay ko ang bawat hininga ko sa'yo. Na ikaw ang tanging dahilan ko kung bakit ako nabubuhay sa mundo. I love you, Emily. Endlessly."

"You may kiss the bride." Anang tinig ng pari. Hindi niya napigilang mapangiti kahit luhaan.

Pagsabi ng mga salitang iyon ay iniangat na ni Neb ang kanyang belo. Kasunod na niyon ang pag-abot nito sa kanyang pisngi sabay hagip sa kanyang labi. Na sinalubong niyang ng marubdob na halik. She was still crying her heart. That she cannot contain her happiness in her heart.

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon