CHAPTER THIRTEEN

7K 118 4
                                    

Pakiramdam ni Emily ay nanlalamig siya. Parang biglang namanhid ang buo niyang katawan. Nakatingin siya kay Rio ngunit tila walang pumapasok sa isip niya. Ni hindi niya magawang kumurap.

"Elly. Elly?" tawag sa kanya ni Rio. Hinawakan pa nito ang balikat niya at bahagya siyang niyugyog. Noon siya nakakislot. "Anong problema? May nararamdaman ka ba?"

Hindi siya nakatugon.

"I'm sorry kung nagugulat ka sa mga nalalaman mo. I just think that it's time for you to know. Sa totoo lang ay nahihirapan kaming isagawa ang mission namin dahil hindi mo alam ng nangyayari. Lalo na si Neb."

Muli siyang napatingin kay Rio nang marinig ang pangalan ng kanyang asawa. Kasunod ng hindi maintindihang pakiramdam. Nabuo ang mas maraming tanong sa kanya matapos isiwalat sa kanya ang isang katotohanan. Tama pala ang paghihinala niya noong una pa lang. Na tulad ni Insptector Galvez ay hindi na rin siya pinatahimik ng pagbabalik ni Neb sa buhay niya.

"Kilala mo ba si Insptector Galvez?" Bigla niyang naalala na dapat ay kakausapin niyang pulis.

Tumango si Rio. "About him. Hindi s'ya totoo sa pagtulong sa'yo. He is Society agent. On field. Hiningan s'ya ng tulong ni Arkin para sirain si Neb sa'yo. 'Yong video na ipinakita n'ya? It was faked. Walang nangyaring gano'n noong araw na nawala si Neb. Sadyang iniwan ni Neb ang kotse na sa area na 'yon dahil may pakiramdam s'yang sinusundan s'ya nang araw na 'yon."

"Sinong sumusunod sa kanya?"

"Brainchild. Nakatakda s'yang patahimikin noong araw na 'yon. Dalawang babaing sleepers ang ipinadala ng tatay mo para patayin si Neb dahil nalaman nilang Society si Neb. Nakabase na talaga dito sa Pilipinas ang sleepers. Nakatakda sila para bantayan ka. Kapag nalaman nila na may banta sa buhay mo, they will execute and kill their target. Ki-nid-nap nila si Neb. Kaya naturukan nila ng drug na imbento rin ng tatay mo. Isang brain sleeper. May kakayahan s'yang guluhin ang function ang utak ng isang tao dahilan para magmukha s'yang may amnesia. Then it will lead to some sort of... Alzheimer's. Then brain dead."

Napahugot ng hininga si Emily. Kasabay ng pagsabog ng katotohanan sa kanya na totoong hindi nga maalala ni Neb ang nangyari dito. Na totoong nameligro ang buhay nito. At dahil iyon sa kanya.

"H-How-"

"How did he survive?" Si Rio na ang nagtuloy ng tanong niya. "Pinagsanay kami sa pinakamatinding pagsubok. Kahit na sa pinakamasamang sitwasyon. At magaling lang talaga si Neb kaya s'ya nakaligtas. Kaya s'ya nakauwi sa'yo."

"O-Okay lang ba s'ya?"

Tumango si Rio. "We have medicine for that. Ginawa na rin namin ang lahat ng scanning at tests para masigurong wala na ang epekto ng drug sa kanya. He passed all of it. At hindi rin s'ya papayag na hindi makabalik sa dati. Or else he would kill himself."

Muling napaisip si Emily. "Kaya pala ayaw n'yang magpagamot. Pero totoo bang nag-away kayo?"

Bahagyang kumunot ang noo nito. "Ah, that. No. Isang member ng Brainchild ang sumalakay sa bahay n'yo."

Napapikit si Emily kasabay nang tila panghihina. Hindi niya maintindihan ang sarili kung maiiyak ba o sisigaw. Parang sasabog ang utak niya sa kanyang nalalaman. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang mangyari lahat ng iyon nang hindi niya alam. At may kinalaman pa ang mga taong pinagkakaitawalaan niya.

"Elly." Ani Rio at muli siyang hinawakan.

Panay ang iling niya. "H-Hindi ko alam kung anong sasabihin, Rio. N-Naguguluhan ako. P-pa'nong nangyari lahat..."

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon