"Elly!"
"Naya?" Gulat na gulat si Emily nang makita kung sino ang tumawag sa kanya sa lobby ng hotel. Kahit hanggang sa makalapit ito sa kanya taking-taka siya.
"Ang init naman dito." Sabi nito at napa-angat ang kilay niya.
"Anong ginagawa mo dito? At paano hindi ka maiinitan, eh, naka-leather outfit ka pa." Aniya na pinuna ang suot ng kaibigan niya.
"Fashion, my dear." Sabi nito at bahagyan itong natigilan ngunit mabilis namang ngumiti muli. "Si Neb? Let's go?"
"Huh?" Naguluhuan siya sa sinabi nito. "S-Si Neb nasa taas pa. Saan tayo pupunta?"
"Manila."
"Manila?" ulit niya. "Alam mong pauwi na kami?"
"Yes." Sagot nito sabay tawa. "Actually tinawagan ako ng asawa mo at pinapasundo ka n'ya."
"Sundo?" Muli, gulat na gulat na naman si Emily. Wala talaga siyang maintindihan sa mga nangyayari. "Wow. Anong nangyayari?"
Ngumiti nang pagkatamis-tamis si Naya. "Let's go first to the car, please? Ang dami kong kwento sa'yo. Si Neb na ang bahala dito."
"Yes. Ang dami mong dapat sabihin sa'kin." Panay ang salita niya nang hilahin siya ni Naya palabas ng hotel. "Wait, bess. Nagmamadali ka ba? Sandali, Naya. Ano ba?"
Napilitan si Naya na bitawan siya at humarap sa kanya. "I know you're wondering what the hell I am doing here. Ganito na lang. Neb called me and said I have to get you to Manila then stay with me for a few days."
"Hindi na mangyayari 'yon." Sabay silang napalingon ni Naya at nakita si Neb na nakalapit na sa kanila.
Napasinghap siya nang makita ang hitsura ng asawa niya. Dumudugo ang mukha nito at tila namamaga ang kaliwang mata. Pulos dugo din ang damit nito. "Neb! Anong nangyari sa'yo? Oh my God..."
"I'm fine." Balewalang sabi ni Neb. Hinawakan nito ang braso niya at hinila siya palabas ng hotel. Gulung-gulo siyang nagpahila dito habang si Naya ay tahimik na nakasunod sa kanila. Nakita niyang palingon-lingon ito sa paligid.
"Neb-"
"Emily, stop." May galit na agap sa kanya ni Neb. Natigilan siya nang tawagin siya nito sa buo niyang pangalan. "Get in the car."
"Nakita ko si Dax. Papunta na s'ya sa suite." Biglang sabi ni Naya dahilan upang mapalingon siya sa kaibigan.
"Who are you, people?" Seryoso at determinado niyang tanong sa dalawa. Pakiramdam niya Emily noong oras na iyon ay hindi niya kilala ang mga taong kaharap niya. "Sino si Dax at anong kailangan n'yo sa'kin!?"
"Hindi kami ang may kailangan sa'yo, Elly. We're just protecting you." Si Naya ang sumagot.
Nilingon niya si Neb ngunit, "Yes, Nitos. We're moving."
Pagkasabi niyon ay walang babalang hinila siya ni Neb papasok ng isang itim na Ranger. Pinaupo siya sa passenger's seat. Si Neb ay patakbong pumunta sa driver's seat samantalang si Naya ay likuran.
"Wear this." Ani ni Naya sabay abot ng vest sa kanya. Kunot niya iyong tiningnan pagkatapos ay nilingon ang kaibigan. "Bullet proof vest. Fashion, my dear. War Fashion."
"Stop being sarcastic, Naya." Walang ngiti niyang sagot na tila nagpatigil dito. "Kung tutuusin ay kayo ang may dapat ipaliwanag sa'kin."
![](https://img.wattpad.com/cover/129040822-288-k900725.jpg)
BINABASA MO ANG
THE GOOD WIFE (Published under PHR)
RomantizmThis story was just an experiment. Gusto ko kasi na sumubok magsulat ng action romance. It was a first time for me then. Ang sabi ko subok lang naman. Pero ang hindi inakala ay ang hirap ng pagsulat para sa genre na pinili ko. Intense research at ka...