"Elly."
Tawag sa kanya ni Naya nang ihimpil nito ang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Nasa passenger's seat at tahimik siya buong byahe nila. Hindi niya magawang kausapin si Naya dahil pakiramdam niya ay bubuhos ang luha niya sa oras na magsalita siya.
"Naiintindihan kong galit ka. I know what you have just learned was not that easy to swallow. And I'm sorry if...these things happened. Kailangan ka lang naming protektahan." Narinig niyang sabi ni Naya na tila sa basag na tinig. Napapikit siya dahil sa biglang paninikip ng dibdib.
"Nasaan ang gamit ko?" Hindi hinaharap si Naya niyang tanong. "Magdududa ang pamilya ko kung wala ang gamit ko. Kaya kong ipaliwanag ang pag-uwi ko nang mag-isa. Pero hindi ko na kayang dahilanan ang pagkawala ng mga gamit ko."
"Nasa compartment. Walang nagalaw do'n. Inayos na ni Kuya 'yon." Sagot niya Naya.
Pagkarinig niyon ay binuksan na niya ang pinto at akmang bababa nang pigilan siya ni Naya. Hinawakan nito ang braso niya.
"Mission Emily was my first. Hindi pa ako agent ng Society nang magkakilala tayo at maging magkaibigan. Pero cover identity ko na si Naya Marie Reviera. I'm Diana Viero." Bagkus sa narinig ay dahang-dahan ngunit gulat na gulat siyang lumingon kay Naya. Kasabay ng unti-unting pamumuo ng luha.
"Kapatid ko si kuya Neb, Elly." Saad pa nito habang titig na titig siya. "Alam ko. Nakakagulat. To think na wala ka namang nakikitang resemblance namin. That is because we are not blood related. Pero pinalaki kami bilang magkapatid."
Pakiramdam ni Emily ay lumulutang siya. Tila nais niyang hawakan ang lahat ng nasa paligid niya ngunit tila naman lumalayo iyon lahat sa kanya. Na tila itinutulak siya palayo sa bawat segundong gusto niyang malaman ang buong katotohanan. Na sa tuwing gugustuhin niyang iyon na katotohanang hinahanap niya at muling magbubukas ang isang pinto na lalong magpapahirap sa kanya ng tanggapin ang lahat. Pulos ilusyon. Pulos kasinungalingan.
"Kahit ano pang sabihin mo. Kahit pa'no ma pa sabihin, Naya, Diana or...kung sino ka man. Iisa lang ang pinupuntahan ng lahat ng 'to. Nagsinungaling ka. Kayo!" Hindi na napigilan ni Emily ang sarili.
Humigpit ang hawak ni Naya sa kanya. "Noong nalaman kong ikaw ang mission Emily tumanggi ako. I even beg Kuya to reassign me. Pero walang kaming nagawa. Later on, nalaman ko na lang na planted ang pagkakilala natin. They sent me to the same school as yours. At gumawa talaga sila ng paraan para magkakilala tayo. Remember sa gym? When some bitches put a gum on my PE uniform? At ikaw ang nagkataong naroon. Tinulungan mo 'ko kasi inis ka rin sa mga bully na 'yon. It was society, Elly. Sinusubaybayan ka nila bago pa mabuo ang mission ko."
Padabog na inalis ni Emily ang kamay ni Naya sa kanya. "Ngayon pinagsisisihan ko nang tinulungan pa kita. I just brought a liar brat on my life. You can't imagine how miserable I am right now. Naya or Diana? Wala akong pakilam. You people just controlled my life. At ngayon gusto mong pagkatiwalaan ko pa kayo? How dare you?"
"I can take your anger, Elly. Naiintindihan kita. Pero sana 'wag mong kamuhian si Kuya. Please, Elly. Mahal na mahal ka n'ya. At gagawin n'ya ang lahat para iligtas ka. Kahit buhay n'ya ibibigay n'ya para sa'yo. Hindi biro ang ginawa n'ya. At iisa lang ang dahilan n'ya sa lahat ng ito, Elly. He so damn much loves you. He wants to stay alive to protect you and be with you. At handa rin s'yang pumatay ng kahit sino 'wag ka lang masaktan." Tila puno ng pakikiusap na sabi ni Naya sa kanya.
"Hindi ko hiningi sa inyo na gawin ang lahat ng 'to. At pakisabi sa kanya. Hindi ako nagmahal ng manloloko." Nagmamatigas niyang tugon sabay labas ng sasakyan. Ngunit sumunod sa kanya si Naya.
BINABASA MO ANG
THE GOOD WIFE (Published under PHR)
RomanceThis story was just an experiment. Gusto ko kasi na sumubok magsulat ng action romance. It was a first time for me then. Ang sabi ko subok lang naman. Pero ang hindi inakala ay ang hirap ng pagsulat para sa genre na pinili ko. Intense research at ka...