"Elly!" Ilang ulit na sigaw ni Neb habang pinapaputukan ang papalayong chopper. "Elly!"
"Neb!" Ani Dax sabay agaw ng baril sa kanya. Galit niyang hinarap ito at binawi ang baril. Muli siyang nagpaputok nang paulit-ulit.
"Stop it!" Muling saway ni Dax. "Are you out of your fucking mind?!"
"Itatakas nila si Elly! Give me that!" Sigaw niya at itinulak si Dax.
"Kaya nga hindi mo dapat pinaputukan! Pa'no kung napuruhan mo at sumabog ang chopper?" Galit nasa agap ni Dax sa kanya.
Natigilan si Neb. Hihingal-hingal siyang tumalikod kay Dax at sinabunutan ang sarili. He really felt frustrated. Pakiramdam niya ay wala siyang silbi dahil hindi niya nabawi ang kanyang asawa.
"Kausap ko na si Nitos. He's trying to track the chopper." Sukat nang marinig ang tinig ni Rio ay umahon ang galit sa kanya at marahas na hinarap ang kaibigan.
"Where the hell is your support? Akala ko ba tutulungan tayo ng kaibigan mo ha? Where the hell are they?!" Puno ng galit niyang tanong kay Rio.
"A bit late. Nasa baba sila." Mahinahon pa rin ngunit mariing sagot ni Rio.
"Pwes. Sabihin mo sa kanila umuwi na sa amo nila. They're useless." Walang kangiti-ngiti niyang sabi sabay tinalikuran si Rio.
"Mabilis ang mga pangyayari, Neb." Si Dax.
"Isa ka pa." Agap niya at ito naman ang hinarap. "Wala kang sinabi na hawak nila ang asawa ko."
"Dahil hindi ko alam. They're in the middle of operation when I arrived. Nalaman ko lang ang location two hours ago." Paliwanag ni Dax.
"Then you failed."
"What?" Gulat at tuluyan nang napikon si Dax kaya sinugod siya nito at inundayan n suntok. Tumama iyon sa kanyang panga na hindi niya inilagan.
Alam niyang nasaktan siya. Ngunit mas nangingibabaw ang sakit sa kanyang dibdib dahil sa nabigo na naman siyang iligtas si Emily.
"Dax." Si Brian. Tiningnan lamang niya ang mga ito saka muling tumalikod. Napakabigat ng kanyang pakiramdam.
"Akala mo lagi ikaw lang nahihirapan sa lahat ng 'to." Narinig niyang sabi ni Brian kaya muli niyang hinarap ito.
"Brian." Aniya saka lubusang lumapit. Nakipagsukatan siya ng tingin. "When was the last you fall in love? Nagmahal ka na ba? Natakot ka na ba? Takot para sa taong pinakamamahal mo. Na sa bawat segundo gusto mo na lang malagutan ng hininga dahil wala ka magawa para mailigtas s'ya? That you wanted to crash every single thing because you are hurting. Na sinisisi mo ang sarili mo. At nagtatanong ka kung bakit kailangang mangyari ng lahat ng nangyayari. Huh, Brian? Naramdaman mo na ba 'yon? Tell me. Are you willing to live this hell life just to be with the one you love?"
Bawat salitang namuntawi mula kay Neb ay tila punyal na kublit na lumalaslas sa kanyang puso. Masakit isiwalat ng sariling bibig ang katotohanan para kay Neb. Masyado niyang mahal ang kanyang asawa upang hindi manliit sa tuwing mailalayo ito ng masasamang taong nais ilayo sa kanya.
"May kanya-kanya tayong impyernong gustong takasan. If you think saving your wife could mean the world to you, so be it. Pero sana huwag mong kalilimutang hindi mo magagawang mahalin nang totoo si Emily kung wala ang mga taong tumutulong para manatili kayong buhay. Pinrotektahan din namin s'ya. At poprotektahan pa kung kinakailangan. Just don't always put the blame on us. Kung ayaw mong pati kami ay mawala sa'yo."
BINABASA MO ANG
THE GOOD WIFE (Published under PHR)
RomansaThis story was just an experiment. Gusto ko kasi na sumubok magsulat ng action romance. It was a first time for me then. Ang sabi ko subok lang naman. Pero ang hindi inakala ay ang hirap ng pagsulat para sa genre na pinili ko. Intense research at ka...