CHAPTER FIFTEEN

6.5K 103 5
                                    

Nagpupuyos ang damdamin na bumalik ng headquarter ng Society si Neb noong araw na iyon. Kagagaling lamang niya sa field at isang hindi inaasahang impormasyon ang nakarating sa kanya.

"Nobody briefed me about what Mission Emily is." Gigil niyang sabi nang malapitan si Arkin.

Bahagyang kumilos ang mata nito patungo sa kanya ngunit muli ring bumalik sa kausap. Lalo siyang nakaramdam ng inis.

"Send coordinates to support team after you download the file." Utos pa ni Arkin na tila wala siya roon.

"Arkin." May pagbabanta niyang tawag saka ito tuluyang lumingon sa kanya. Saka tila bagot na humarap sa kanya.

"Sa pagkakatanda ko'y kasama ka sa team. So I doubt that you were not told." May sarkasismong tugon ni Arkin.

"On some part I think." Walang kangiti-ngiti niyang sagot. "Hindi ako nasabihan na kailangang mamatay ni Almoguera."

Napalingon bigla si Neb nang marahas na tumingin sa kanyang ang technical staff na kausap ni Arkin. Halatang nagulat din ito. Pareho ng gulat niya nang malaman niya ang tunay na kahulugan ng Mission Emily. Kasunod ay galit at pagkadismaya.

Bagong operasyon ng New Society ang Mission Emily kung saan siya ang head agent. Isang civilian si Emily Almoguera na kailangan nilang bantayan sa paniniwalang hawak nito ang pinakamahalagang detalye na kailangan nila upang masukol ang isang scientist na pinaniniwala namang nasa likod ng malalaking iligal na aktibidad sa larangan ng terorismo at pagkalat ng samu't-saring ipinagbabawal na gamot. Si Dr. Dante Salvador.

May dalawang taon nang pilit hinuhuli ng organisasyon nina Neb si Salvador. Isang operayon na rin ang nabigo na mahuli ang naturang doktor. Kaya ganoon na lang ang pagtugis nila. Wala sa bansa si Salvador. Nakabase ang makabagong laboratoryo nito sa bansang Mexico at doon isinasagawa ang karamihan ng mga iligal na gawain ng grupo nito.

"Alam mong ganyan ang misyon natin, Viero. Every mission. Don't always act as if you are betrayed every time the real score bombed on you." Ramdam na ramdam ni Neb ang pagkadisgusto ni Arkin sa tinig nito. Hindi na siya nagulat sa katotohanang iyon. Sa simula pa lang naman ay hindi na sila nagkasundo ni Arkin Valderama. Kahit na naging trainer pa niya ito sa combat exercises niya.

"Not this one." Aniya.

Tumawa ito matapos ang isang ismid. "I pity you on that part."

Lalong uminit ang ulo ni Neb sa sinabi nito. Sa lahat ng ayaw niya ay ang hindi siya sinasabihan ng buong katotohanan. Lalo na pagdating sa nagiging misyon nila. At malakas ang hinala nila na may kinalaman ang mag-amang Valderama sa paglilihim sa kanila.

"Neb, Arkin." Anang isang malakas na tinig sa speaker. Saka sila sabay na napalingon sa kanilang kaliwa. Mula sa salaming dingding ay nakatanaw sa kanila ang lider ng Society. Si Wesley Valderama.

Walang iba pang sinabi si Wesley at tumalikod na lang. Saka naplitan ng puting pader ang kanina ay salaming dingding. Sila naman ni Arkin ay natameme at magkasunod na lumakad patungo sa opisina ni Wesley.

Galit na itinulak ni Neb ang pinto. Nakita niya si Wesley na nasa gitna ng opisina. Prominente itong tingnan sa suot nitong three-piece business suit.

"I'm taking the responsibility on cutting you out, Neb." Saad kaagad ni Wesley sa kadahilanang iyon ang ibubungad niya.

"Sa anong dahilan?" Tanong niya.

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon