CHAPTER SEVENTEEN

6.7K 105 2
                                    

"Elly!" Sigaw ni Neb sabay balikwas ng bangon. Kasunod niyon ay tuluyan nang nagising ang kanyang ulirat. Hingal na hingal siya nang sapuhin niya ang kanyang ulo.

"You okay?" Narinig niyang tanong ni Rio. Nasa kabilang kama lamang ito at malaman ng nagising ito sa kanyang pagsigaw.

Nasa isang maliit na hotel sila ni Rio. Nagdesisyon ang kanyang kaibigan na samahan siya sa kadahilanang alam daw nitong may pinagdadaanan siya. Nag-aalala rin daw itong gumawa siya ng hakbang at ikapahamak pa niya. Ang mga kasamahan nama nila ay kasalukuyang nakakuta rin sa mga ligtas na lugar at naghihintay lamang na signal ni Rio bago kumilos.

"Okay lang ako." Matipid niyang sagot na sapo-sapo pa rin ang kanyang ulo. Naramdaman niyang muling naupo sa sariling kama si Rio. Saka naman siya tumunghay at tumingin sa kanyan kaibigan. "Nag-aalala na 'ko. I-I can't stay like this. Kailangang ko nang puntahan ang asawa ko."

"But where?" Agap na tanong ni Rio. "Wala pa ring makuhang matinong location si Nitos. Kulang pa rin tayo sa armas. We cannot risk our lives there. Baka lalo mo lang hindi mailigtas si Emily."

Napabuntong-hininga siya dahil sa bigat ng kalooban. Nahihirapan pa rin siya dahil sa pagkawala ni Diana. Mas pinahihirapan naman siya ng katotohanang nasa panganib ang kanyang asawa. At wala siyang magawa upang mailigtas si Emily.

Tuluyan na siyang bumangon at tumayo mula sa kama. Maaga pa kung tutuusin ngunit wala na rin silbi kung mahiga siya dahil hindi naman siya talaga dinadalaw ang maayos na tulog.

"Alam kong mahirap, Neb. But we need to wait. I have contacted some people to help us." Ani Rio. Nagtaka siya kaya napalingon siya.

"Sino?"

"Mga kaibigan."

Lalong nagsalubong ang kilay niya. "Sino nga? Bakit ngayon ko lang 'to nalaman?"
"Don't worry. Magpakakatiwalaan sila. Naging kaibigan ko sila no'on nag-under cover sa isang mission. Remember operation Iris? Noong maging agent ako Covered Unlimited?"

"Don't tell me you talked to Sih Chua again?" Nagduda niyang tanong sa kaibigan.

"Why not?"

"But that also mean revealing yourself to him."

He sighed. "We are safe with him."

Napaismid siya. Si Andrei Sih Chua ay naging misyon ni Rio may limang taon na ang nakakaraan. Sih Chua was a powerful business tycoon. At pinaniniwalaan na isang mafia ang pumuprotekta sa lahat ng kayamanan ng mga Sih Chua at sa mga Kurasawa na matalik na kaibigan ng mga Chua, ang Great House. Naging trabaho ni Rio na ilabas ang buong katotohanan dahil pinaniwalaan noon ni Wesley na malaki ang kinalaman ng House sa iligal na droga na dinadala sa Pilipinas.

Ngunit walang napatuyang kahit ano si Rio kaya kinansela ang Operation Iris na naging dahilan upang mabawasan ang tiwala ni Wesley kay Rio. Pakiramdam daw ni Wesley ay may pinagtatakpan si Rio. Na mariing itinanggi ng huli.

"Kailangan natin ng connection at armas para malabanan ang mga kalaban at mailigtas si Emily. This is the only way I could think of. Sila lang ang tanging naisip kong pwedeng magbigay ng lahat ng coordinates tungkol sa Brainchild. Alam ni Andrei ang lahat ng tungkol kay Salvador." Paliwanag ni Rio.

"Paano ka nakakasigurong wala s'yang kinalaman sa operation ng Brainchild?" May pagdududa pa siya.

"Mabubuting silang tao." Tugon nito.

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon