CHAPTER NINETEEN

6.6K 109 4
                                    

Kasing lamig ng kwartong iyon ang nais maging kalooban ni Emily. Nakatayo siya sa gitna ng kwadradong kwartong salamin. Walang ibang gamit na naroon. May bakal na upuan sa gilid na kadikit ay isang gripo.

Pangalawang araw na niya sa lugar na iyon. Doon siya dinala ni Arkin Valderama. Sa headquarter ng New Society. Sa balwarte ng masasamang tao. Kung nananahan ang pinakamasamang taong nakilala niya.

Nakasuot siya ng puting bestida. At dapat ay nagdiriwang siya. Sila ni Neb. It was their wedding anniversary. Ang araw na nangako sila sa isa't-isa. Nangakong magmamahalan hanggang sa dulo ng walang hanggang. It sounded so romantic if it was settled in different circumstances. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi normal ang naging takbo ng buhay nila ni Neb.

"Happy anniversary." Sabi niya habang hawak ang wedding ring niya. Saka tumulo ang kanyang luha.

Isa lamang ang pinangarap ni Emily sa buong buhay niya. Ang magmahal at magkaroon ng masayang pamilya. Dahil hindi niya naranasan iyon sa kanyang mga magulang. Maaaring pinalaki siya ng isang buong pamilya ngunit dala rin naman ng pamilyang iyon ang lihim ng pagkatao niya. That made her life a big lie. Na parang naroon lamang siya upang maging tauhan. Instrumento. Walang nakalaang kaligayahan.

Pinaniwalaan niya ang kanyang ama. Hinayaan niyang buhayin siya sa isang paniniwalang siya ang magbabago sa mundo. He made her accept her destiny. Na hindi tulad ng iba, natatangi siya. Na siya ang magdadala ang pinakamalahagang posesyon na gugustuhin ng kahit na sinong nilalang. He made her felt superior. Na mahalaga ang buhay niya. Ang kanyang bawat hininga. Ngunit sa huli siya siya lamang din ang uuwing luhaan.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makarinig ng pagbukas ng pintong balak. Nalingon niya ang bahagi ng malawak na lugar na iyon kung saan naroon ang maliit na kwartong kanyang kinalalagyan. Dumating na ang taong kung siya ang papipiliin ay nanaisin pa niyang mawalan na lang sa mundong ibabaw.

"Arkin told me about the cellar." Pagbungad na sabi ng lalaki.

Prominenteng tingnan ang lalaki. Hindi ito nalalayo ng edad kay Uncle Raoul. Makisig tingnan sa suot nitong business suit. Si Wesley Valderama.

"At hindi n'ya nagustuhan ang ginawa mo." Dagdag nito nang hindi siya sumagot.

"Ibibigay n'ya ako sa kanila." Sagot niya.

Tumangu-tango ito. "Point taken."

Nag-iwas siya ng tingin.

"I'm sorry about this glass room. Standard protocol. Alam mo naman sa Society. All rules should be followed. And besides, hindi nagustuhan ni Arkin ang ginawa mo." Anang mababa ngunit tila kay tulis na tinig ng lalaki.

"Delikado ang ginawa mo, Emily. At dinagdagan mo pa ang trabaho ko ngayon. Kailangan ko pa ngayong bawiin ang cellar." Sabi ni

"Hindi nila mabubuksan 'yon kahit nakuha pa nila. They don't have me."

"Yeah. Pero dati silang Society. They can dig for answers and ways."

Hindi siya tumugon.

"How's your heart?" Narinig niyang tanong kalaunan.

Napilitan siyang lingunin ang kausap. "Okay. Okay naman."

Nakita niyang muli ang pamilyar na pagtango bilang pagsang-ayon. "So, your pacemaker is good in doing its job."

"What now?" Tanong niya upang matigil na ang paliguy-ligoy nila.

Malinaw sa kanya ang dahilan kung bakit buhay pa siya. At alam niyang alam ni Wesley ang totoong dahilan kung bakit niya inihagis kay Neb ang cellar. Iyon ay upang manatili siyang buhay. Dahil kung pareho sila ng cellar na napunta sa kamay ng masamang taong kaharap niya, marahil ay hindi na siya makikita ni Neb na humihinga.

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon