Nang sumapit ang gabi ay nagpasyang um-attend ng reggae party sina Emily. Buwan-buwan daw nag-o-organize ng party ang naturang resort. At nataon nga na reggae sa buwan na iyon. Ayaw pa sanang sumama ni Neb dahil pagod daw ito at gusto na lang magpahinga. Pumayag silang hindi na ito sumama ngunit nang malaman nitong tutuloy siya kahit mag-isa ay hindi ito pumayag. Wala na itong nagawa kundi ang samahan siya.
Nakasuot ng floral na shirt dress si Emily. Nasa ilalim ang kanyang pulang bikini. Habang si Neb ay simple lang sa putting T-shirt at asul na board short. At nang makarating sila sa venue ay marami nang tao. Nasa mataas na stage ang isang banda at tumutugtog ng reggae song.
"Whoo! This is fun, sweetheart." Nasisiyahang sabi ni Emily. Sumiksik sila ni Neb sa gitna nang nagkakasiyahang tao. Nauna siya kay Neb habang ito ay nasa likod nasa hawak-hawak ang kamay niya.
Nang sa tingin nila ay sapat na ang lapit niya sa nagtatanghal ay pumuwesto na sila. Sinabayan ni Emily ng pagyugyog ang up beat na tugtog. She relaxed in a way.
"Sweetheart!" Malakas na tawag sa kanya ni Neb kahit na nasa likuran lamang niya ito. Nakakapit ito sa kanyang baywang at itinatap sa kanyang tainga ang bibig nito.
Bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo. Muling nagsalita siya Neb sa may kanyang taing. "Sure ka bang okay lang 'to sa pacemaker mo? Wala ka bang nararamdamang vibration? Masyadong malakas!"
Napangiti siya. Tumingin siya sa asawa niya. "Okay lang."
Alanganin itong tumingin sa kanya. Halatang hindi kumbinsido. Kaya inabot niya ang mukha nito at kinitilan ito ng isang halik. Mabilis lang iyon ngunit sapat na upang makaramdam siya ng kakaibang init.
Nagpatuloy ang masayang tugtugan at lalong nag-eenjoy si Emily. She danced more. Hindi siya fan ng naturang genre ngunit dahil sa galing ng banda at dala na rin ang atmosphere at tila naha-high na rin siya. She felt more aggressive and more driven. Tila napakataas ng adrenaline niya.
Sa nagsisiksikang audience ay dumaan ang isang lalaking may dalang isang tray ng may lamang mga jigger. Nakangat iyon marahil upang makita ng gusting tumikhim. Walang sabi-sabing kumuha si Emily at tinangkang inumin.
"Elly!" Nahuli si Neb sa pagpigil sa kanya dahil nainom na niya ang laman ng jigger. Apologetic siyang tumingin dito ngunit nakangiti. Umiling ito tanda ng pagkastigo sa kanya.
Umangat ang balikat niya. "What can I do? I want to have fun."
"Pwede naman eh. Pero hindi kailangan 'yon. Alam mong bawal sa'yo." Seryoso nitong sagot.
"Sorry." Aniya nang walang tinig ngunit tila naglalambing ang tingin.
Muling umiling si Neb. Tumawa siya at hinawakan ang kamay nito. Tuluyan na siyang humarap sa kanyang asawa. Muli niyang inilagay ang mga kamay nito sa kanyang baywang. At dahil masikip. Magkadikit ang kanilang mga katawan. Sinabayan niya ang pagsayaw ng lahat. Neb was a little stiff. Niyakap niya ito.
"Come on, sweetheart. Dance." Bulong niya sa punong-tainga nito. Naramdaman niya ang marahas nitong paghinga. She knew he was affected. Napangiti siyang lalo. She charmed her husband.
"You're turning me on, sweetheart, in the middle of this crowd." Ganting bulong ni Neb. Nagawa pa nitong i-nibble ang kanyang tainga. Nakaramdaman ng kaaya-ayang kiliti si Emily.
Nagsigawan ang mga tao at napalingon sila ni Neb. Tapos na pala ang tugtog. Nagpalakpakan ang lahat. Muli siyang tumalikod kay Neb. Nanatili naman si Neb na yakap siya.
BINABASA MO ANG
THE GOOD WIFE (Published under PHR)
RomanceThis story was just an experiment. Gusto ko kasi na sumubok magsulat ng action romance. It was a first time for me then. Ang sabi ko subok lang naman. Pero ang hindi inakala ay ang hirap ng pagsulat para sa genre na pinili ko. Intense research at ka...