CHAPTER FIVE

8.5K 133 2
                                    

"Hello?" Nagtatakang sagot ni Emily sa isang tawag. Nasa Cafeteria siya noon at kasalukuyang naka-lunch break. Masyado kasi maraming trabaho kaya noon na lamang niya nagawang bisitahin ang cellphone niya. At nagtaka siya nang may apat na missed call na pala siya. Lalo pa siya nagtaka dahil hindi nakarehistro ang numero. Dapat ay tatawagan niya ang naturang numero nang tawagan siyang muli.

"Hello?" Ulit niya nang walang tumugon sa una. "Who's this?"

Wala namang tumutugon kaya lalo siyang napaisip. Alam niyang naririnig siya dahil naririnig niya ang mahinang paghinga na kung sino mang nasa kabilang linya.

"Hello?" Iritado na niyang ulit. "Kung hindi ka magsasalita, it's better to not call again. Ever. Nakakaabala ka-"

"It's Neb." Anang tinig na nagpabigla sa kanya. Nagulat siya dahil hindi niya akalain na boses lalaki ang narinig niya. Bigla ring nagbago ang tibok ng kanyang puso.

Pilit na pinagana ni Emily ang isip sa kabila ng pagsikdo ng kanyang dibdib. Inaalala niya kung sino si Neb. Pati na rin kung pamilyar sa kanya ang tinig nito.

"S-Sinong Neb?" Nagtanong na lang siya kaysa naman mag-isip pa. "Pa'no mong nalaman ang number ko?"

"Remember sa Makati? Sa club?" Sagot nito.

"Oh." Napamangha bigla niyang saad. "Y-Yeah, yeah. Ikaw 'yon. Neb. Right...ahm...s-salamat nga pala sa pagligtas mo sa'min. B-bigla ka kasing nawala kaya...well...thank you na lang ulit. Pa'no mo pala nalaman ang number ko?"

"Kay Naya." Tugon muli nito.

"Kilala mo si Naya?" Muli siyang nagulat. "Wait. Pa'no?"

"Nagkita kami. By chance."

Kumunot lalo ang noo niya sa lubhang pagtataka. "Teka lang. You met by chance. Meaning kilala mo s'ya? Sandali. Hindi ko maintindihan."

"Sa isang car show kami nagkita kahapon. Akala ko hindi n'ya ako natandaan pero nilapitan n'ya 'ko." Sagot ni Neb.

Muling napaisip si Emily. Wala siyang matandaan na nakita ni Naya ang hitsura ni Neb dahil nahihilo pa ito at tapos na ang lahat nang magkamalay ito. Kaya walang pagkakataong makita ni Naya si Neb.

"Pa'nong nakilala ka ni Naya?" Hindi niya naiwasang maitanong. Iyon din kasi ang tanong niya sa sarili.

"Mahalaga pa ba 'yon?" Sagot-tanong ni Neb.

Napaangat ang kilay niya sabay pagsang-ayon ng isip niya. Naroon din naman si Naya kaya may pagkakataon pa ring makita nito si Neb. Hindi lamang niya napansin.

"Kumusta ka na?" Natigilan si Emily sa tanong na iyon ni Neb. Again, her heart pumped like in sudden excitement. Kaya lang ba ito tumawag ay para kumustahin siya? Nag-aalala ba ito? Bakit?

"O-Okay naman ako." Kusunod niyon ay napapikit siya. Sinita niya ang sarili dahil sa biglang pagkailang niya. Kung anu-ano rin ang biglang tumakbo sa isip niya.

"Pwede ba tayong magkape?"

"What?" Her emotion reacted first before her brain. "I mean...para saan?"

Narinig niya ang pagtawa ni Neb. Hindi iyon malakas na tawa ngunit sapat na upang mayanig ang kalooban niya. Mula sa kung saan, tila kinilig siya. Ngunit bakit?

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon