Hindi magawa ni Emily na alisin ang kanyang mga mata kay Neb. Natatakot siyang isang kurap lamang niya ay mawala na naman ito. Nasa main sala sila at nakaupo ang asawa niya sa mahabang sofa. Katabi nito si Maverick habang nasa isa pang sofa si Aunti Dianne. Nakatayo naman sa gitna ng sala si Uncle Raoul. Nakapamulsa ito at seryosong nakatingin sa nagpapaliwanag na si Neb.
Maayos na ang hitsura ni Neb at nakapagapalit na rin ng damit. Nakatali na ang humaba na nitong buhok at kaagad na nakapag-ahit. Siya pa mismo ang nagpaligo sa kanyang asawa. Lahat iyon ay nagawa niya sa kanyang asawa sa loob lamang ng isang oras. At sa loob ng oras na ginagawa niya iyon ay hindi niya napigilang mapaiyak. She cannot believe that she again was doing what she loves doing for her better half. Muli niyang itong nahawakan at naramdaman. Walang pasidlan ang kanyang kaligayahan.
Kaagad niyang tinawagan ang kuya Mavy niya kasunod si Uncle Raoul. At walang isang oras ay nakarating ang mga ito sa bahay upang siguraduhin kung totoo nga ang ibinalita niya. Parehong nagulat ang mga ito. She was still in real surprise. Happily surprised. Kaya ganoon na lang pag-alo sa kanya ni Neb. Mahigpit ang naging pagyakap nito sa kanya at pilit siyang pinatahan. Paulit-ulit ang pagsasabi nito sa kanya ng 'I'm sorry.'
She was standing behind her sited Aunt. Mahigpit ang hawak sa upuan. She was still shaking. Mataas pa rin ang adrenaline niya kahit na ilang ulit na niyang pinahinahon ang sarili. Mabuti na lang at naagapan ng pacemaker niya ang aktibidad ng puso niya dahil kung hindi ay marahil kanina pa siyang nawalan ng hininga.
Masyadong mabilis at sadyang wala sa hinagap niya ang mga pangyayari. Kahapon lamang ay nanalangin pa siya na sana ay makabalik na ang asawa niya. Ngayon ay nasa harap na nila ito at nagpapaliwanag.
"Couz! Is it true...oh my God." Tinig iyon ni Mayton na mabilis din nilingon ang gawi ni Neb. "Totoo nga."
Nilapitan niya si Mayton. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawang lumapit kay Neb. Kabang-kaba siya nang mga oras na iyon. At tila ang pinsan niya ang kailangan upang may makapitan.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanon ni Mayton sa kanya. Mabilis naman siyang tumango sabay hawak sa kamay nito. "Bakit hindi mo s'ya lapitan?"
"N-Nakakailang." Tila maluluha niyang sagot.
"Elly." Anang pinsan niya. Sabay nilang nilingon ang kanyang asawa.
"Wala talaga akong matandaan. The only thing I remembered is I am leaving from a house. Parang ito 'yong bahay na 'yon. 'Tapos bumaba ako ng kotse...that's it. Bigla, nasa kalye na 'ko." Narinig nilang kwento ni Neb.
"Ano? Wala kang maalala sa nangyari sa'yo?" Si Mayton habang nilayuan siya at lumapit kina Neb.
"Yes." Sagot ni Neb at nakita niyang tinitigan nito ang pinsan niya. "Sino ka?"
"Whoa!" Gulat na bulas ni Mayton. "Don't play games, Neb."
"I'm not playing games." Agap ni Neb sabay sabunot sa sarili. "Maniwala kayo. Wala akong matandaan sa nangyari sa'kin. Bigla na lang isang araw nagising ako nasa kalye na 'ko. No'ng una...ni hindi ko matandaan kung anong pangalan ko. The only name I remember was...Elly."
Pagksabi niyon ay tiningnan siya ni Neb. Sumikdo ang puso niya Emily dahilan upang mapahawak siya sa kanyang dibdib.
"Pero paano-"
"Couz." Agap niya sa pinsan saka lumapit dito. "Sa daan ko s'ya nakita sa gilid ng hospital. Marumi s'ya. Para s'yang pulubi. Mahirap paniwalaan pero totoo."
BINABASA MO ANG
THE GOOD WIFE (Published under PHR)
RomansaThis story was just an experiment. Gusto ko kasi na sumubok magsulat ng action romance. It was a first time for me then. Ang sabi ko subok lang naman. Pero ang hindi inakala ay ang hirap ng pagsulat para sa genre na pinili ko. Intense research at ka...