Alam ni Neb na bumilang ng oras na naroon siya sa gilid ng kama, nakaupo at tinititigan ang kanyang natutulog na asawa. Patagilid itong nakahiga paharap sa kanya. Wala itong saplot sa katawan at ang tanging bumabalot dito ay ang blanket.
"Such an angel." Mahinang sabi niya habang humaplos ang likod ng palad niya sa pisngi nito.
Kailangan niyang gisingin si Emily. Ngunit hindi niya napigilan ang sariling panoorin ang pagtulog nito. He can't help it. Napakaganda ng tanawin sa kwartong iyon. Naroon ang pinakamagandang babae para sa kanya. Ang tanging babaing nagmamay-ari ng labing nais niyang halikan. Ang tanging katawang nais niyang angkinin at ang natatangging pusong nais niyang mahalin.
"Hey, lover boy." Narinig niya ang tinig ni Nitos sa kanyang punong-tainga. "Kailangan n'yo nang umalis."
Napabuntong-hininga si Neb. Alam niyang kailangan na niyang gisingin si Emily. Kailangan niyang sabihin na mapuputol ang kanilang bakasyon at babalik na sila ng Maynila. Tulad ng madalas niyang gawin, ilalayo niya ang kanyang asawa sa panganib. Sa mga taong nais itong kuhanin sa kanya.
"Are you sure we're good to go, Nitos?" halos pabulong niyang tanong sa pag-aalalang magising si Emily.
"Yes, she's fine. Legal drug ang morning glory seed na 'yon. Gatas at tulog lang ang katapat n'yan. Gusto lang ng naglagay sa juice na ma-praning ka. " Kumpyansa namang tugon ni Nitos.
Muli siyang nakaramdam ng galit nang maalala ang tungkol sa ginawang paglalagay ng extracted d-lysergic acid sa juice na nainom ni Emily. Tama ang hinala niya. Lumiliit na ang mundo nila. Kumikilos na ang Society upang makuha ang asawa niya.
"How 'bout my wife's condition? Her heart." Aniya.
"Okay pa." Anang tinig ni Rio. "Walang epekto 'yon sa pacemaker n'ya. Don't worry."
"And the last time we check." Si Nitos muli. "That heart is still beating for you, my man. 'Wag kang mag-alala. May gusto pa rin sa'yo ang asawa mo."
Hindi napigilan ni Neb ang mapagngiti. "Asshole."
Malakas namang tawa ang isinagot ni Nitos. Umiling na lang siya saka Napapabuntong-hiningang yumuko at inilapit ang kanyang mukha sa tulong na si Emily. Hinalikan niya ang labi nito.
"Sweetheart." Malumanay niyang paggisingi dito. "Sweetheart."
Muling bumaba ang kanyang labi patungo sa labi ni Emily. He wanted his way of waking her up the sweetest. Ang gusto niya ay siya ang unang nakikita ng asawa niya sa tuwing magigising ito. Tulad din ng gusto niyang si Emily ang nakikita niya sa tuwing magsisimula ang araw niya.
Nakaramdam ng pagtugon si Neb. His wife was awake. Lalo niyang nilalaliman ang halik. He reached her nape and massaged her there softly. Saka narinig ang pag-ungol nito.
"Good morning." Anang paos na boses ni Emily. Nakapikit pa rin ito ngunit nakangiti. And he knew that smile was for him. "Ang aga mo nagising."
"I like watching you sleep eh." Sagot niya at nakarinig siya ng tila naiinis na ungol.
"Get a room, dude. Ang keso n'yo." Sabi ni Nitos.
"We're in a room, weirdo." Aniya at biglang nagmulat si Emily. Kumunot ang noo nito at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Ano?" Tanong nito na tila sinisiguro rin kung tama ang narinig o kung may marinig nga ito.
"I said wake up." Pagsisinungaling niya.
"May sinabi kang weirdo."
Ngumiti siya. "Wala." Saka umayos na upo. "You're still dreaming, I think. Wake up, wife."
BINABASA MO ANG
THE GOOD WIFE (Published under PHR)
RomanceThis story was just an experiment. Gusto ko kasi na sumubok magsulat ng action romance. It was a first time for me then. Ang sabi ko subok lang naman. Pero ang hindi inakala ay ang hirap ng pagsulat para sa genre na pinili ko. Intense research at ka...