CHAPTER SIX

7.7K 131 4
                                    

Magkasamang nagpunta sina Neb at Emily sa opisina ng Auto Crib Inc. Ang negosyong sinimulan ni Neb kasama si Rio Mecker, matalik na kaibigan ni Neb na isang car racer.

Isang auto detailing shop at dealer ng auto parts and accessories ang Auto Crib. May limang taon na ang naturang negosyo nina Neb. The business specializes on aesthetics instillation and the best techniques and procedures in interior and exterior detailing and glass and engine detailing. Madalas na sa Auto Crib dinadala ang mga latest model na sasakyan na isinasali sa mga car show na ginaganap sa iba't-ibang parte ng bansa upang pagandahin.

Nasa Marikina ang opisina at main shop ng Auto Crib. May tatlo itong satellite shop. Sa Makati, Cubao at sa Fairview. Si Neb ang madalas na nasa Fairview dahil iyon ang malapit sa kanilang bahay ngunit sinisiguro ni Neb na nakakadaan ito sa main branch.

Isang bagay ang ipinagtaka ni Emily. Si Rio. Napansin niyang tila hindi ito nagulat nang makita sila. Tila pa hinihintay sila ng kaibigan ni Neb. His moved seemed arranged. Ngunit nang tila napuna nitong nakatitig siya dito ay nag-iba ang mga salita nito. At tila ganoon din ang asawa niya. But she then washed off her thoughts. Masyado lang siyang maraming iniisip dahil sa mga pangyayari. Ipinalagay na lamang niya na walang masamang ibig sabihin ang napansin niya kay Rio.

"Are you sure you want to stay? Baka magtagal pa 'ko dito. Marami kaming pag-uusapan ni Rio." Sabi ni Neb nang makalapit sa kanya. Nasa conference room sila noon. Si Rio naman ay nakaharap sa LED monitor ngunit alam niyang nakikinig sa pag-uusap nila.

"Pero hinihintay tayo ni Uncle. Di'ba may follow up check-up ka at idi-discuss sa'tin 'yong result ng tests mo?" Tugon niya.

Mariin ang naging bilin ng kanyang tiyuhin na ipagpatuloy ang oberbasyon kay Neb. Hindi na rin muna sila pinayagang bumalik sa sarili nilang bahay kahit na iyon ang naging usapan nila noon ni Uncle Raoul sa oras na mahanap na si Neb. Nais daw masiguro ni Uncle Raoul ang kondisyon ng asawa niya. Kahit naman siya.

Napahawak si Neb sa noo nito. "Oo nga pala. Can we schedule that tomorrow? Narito na lang din naman ako. I better do my job here."

Nabugnot na siya. "Makakapaghintay ang gagawin mo dito pero ang kondisyon mo, hindi."

Napanbuntong-hininga si Neb. "Sweetheart, di'ba ang sabi ko sa'yo, ako na'ng bahala sa sarili ko. May bigla lang kasing memories na bumalik sa'kin nang dumating tayo dito. At ilang buwan din akong wala. Look-"

"Alam ni Rio ang nangyari sa'yo. At maiintindihan din n'ya ngayon kung hindi ka pa kaagad makakabalik sa trabaho mo dahil sa-"

"Elly." Agap ni Neb at tumigil siya. Seryoso ang pagtawag na iyon at kilala niya ang asawa niya. Hindi niya ito napilit kahit kailan kapag nakapagdesisyon na ito. "Importanteng makapag-usap kami ni Rio. Ako na mismo ang tatawag sa Uncle mo-"

Biglang natigilan si Neb nang mapagtanto ang nasabi nito pati na ang uri ng tinging ipinukol niya dito.

"I...I mean kay-"

"That's it. Mukhang okay ka nga."

"Sweetheart..."

Hindi nito naituloy ang sasabihin. Nanatili naman siyang nakatitig sa kanyang asawa. Sa sulok naman ng kanyang mga mata ay nakita niyang lumingon si Rio saka tumayo.

"Ahm, Neb." Ani Rio. Nilingon naman si Neb. Siya naman ay tumalikod. Pasimple siyang humugot ng hininga.

Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mainis kay Neb. Isang bagay pa rin ang hindi nagbago sa kanyang asawa. Ang pakikitungo nito sa Uncle Raoul niya. Ramdam pa rin niya ang pagiging malayo ng loob nito sa tiyuhin niya. Na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya maintindihan.

THE GOOD WIFE  (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon