Chapter 1 - When I Met You
Ding dong ding dong.. Ding dong ding dong..
Halos sabay sabay na nagsitayo ang mga estudyante. Bell iyon na tanda na uwian na. Bago tumayo si Abigail ay inayos niya ang mga libro niya sa economics , sinuklay ng mga daliri ang mahabang buhok at saka tumayo at nag-unat.
“Abby!”
Nilingon ni Abigail ang boses na tumawag sa kanya. Si Jessa ang best friend at classmate niya . Nakaupo ito sa upuan sa kanan niya at tapos ng mag ayos ng bag.
“Bakit Jess?” tanong niya saka sinuot ang bag pack.
“Hindi ako makakasabay ng uwi sayo eh. May date kasi kami ni Louise.” Si Louise ang boyfriend nito at dati din nilang kaklase.
“Naku ok lang. Sanay na ako sa inyong dalawa nu.”
“Sure ka? “
“Opo.”
Mahinang napa ‘yes’ ang kaibigan saka sinabayan na siya palabas ng classroom.
4th year high school na sila sa St. Anthony Academy na nasa isang probinsya sa Ilocos. Simula nung grade 3 sila ay magkaklase na sila ni Jessa. Ang boyfriend naman nito na si Louise ay naging kaklase nila nung 2nd year high school sila . Nalaman na lamang ni Abby na mag nobyo na ang mga ito matapos ang Junior’s Ball nila.
Siya? NBSB. No Boyfriend Since Birth. Hindi siya manhater. Binasted niya ang lahat ng manliligaw niya kaya binansagan siyang manhater. Ang totoo, wala lang siyang panahon. Nangako siya sa mga magulang na magtatapos ng pag aaral bago isipin ung mga love love na yan. At ayaw niyang madisappoint sa kanya ang mga magulang.
May ilan siyang manliligaw. Maganda siya at matalino. At kahit may kaya lamang ang kanilang pamilya ay may dignidad sila. Dating sundalo ang ama na dahil sa stroke kaya tumigil na ito sa serbisyo sa edad na 59. Ang ina niya ay isang accountant sa bangko sa bayan dahil maganda pa din ito kahit na 53 na. May isa siyang nakatatandang kapatid na babae na guro sa Maynila at nagpapadala ng pera sa kanila at siyang nagpapaaral sa kanya.
Mestisahin sa Abby kahit na laking probinsya. Hindi siya mahilig lumabas ng bahay. O kung lalabas man ay kasama si Jessa at dun lang din sa bahay ng kaibigan. Mapula ang maninipis labi nito . Brown ang mga mata na bahagyang singkit. Maliit na ilong na bumagay sa maamo nitong mukha at lumilitaw ang magkabilang biloy nito sa pisngi kapag ngumingiti siya. 5’5 siya at katamtaman ang katawan. At sa klase nila , Hindi siya nawawala sa top 5. Kaya ganun na lang ang dami ng manliligaw niya.
Ngunit wala siyang sinagot ni isa man sa mga iyon. Kaya binansagan siyang ‘Manhater’ ng mga ka-eskwela . Pero wala siyang pakealam. Ang mahalaga , makapagtapos siya at matulungan ang pamilya niya.
“Abby, hihintayin ko pa kasi si Louise sa gate. Alas kwatro pa lang naman at malapit lang ang sakayan ng tricycle pauwi. “sabi ni Jessa na tinigil saglit ang pag pindot sa cellphone at tumingin sa kanya. “Pasensya ka na talaga ha? Hayaan mo, ililibre kita ng ice cream bukas.”
“Promise yan ha?” sabi lang ni Abby na nginitian ang kaibigan.
“Oyeah. Peksman.” Tinaas pa ni Jessa ang kanang kamay at binaba din saka nginitian ang kaibigan.
Naglakad na palabas ng gate ng school si Abby. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng lumalabas nung mga oras na iyon. Bumuntong hininga siya at bahagyang binilisan ang lakad.
Nalagpasan na niya ang eskwelahan. Madadaanan niya ang malinis na ilog sa Bayan ng Pelidos. Malamig ang tubig doon at napapaligiran ng mga damo at maliliit na bato. Madalas pagliguan iyon ng mga estudyante sa SAA dahil malinis at maaliwalas ang lugar na iyon. Kitang kita din ang sunset mula sa kinatatayuan niya.
BINABASA MO ANG
Crazy in Love (COMPLETED!)
RomanceBaliw ka ba? Siya? Ayon? Tayo ? *Ang Istoryang ito ay kathang isip lamang ng nagsulat (Ako yun) Ano mang pagkakapareho sa ibang istorya at sa tunay na buhay ng isang tao, pangalan lugar o ang buong istorya ay hindi sinasadya. PAKIUSAP: Ako ay tao la...