Chapter 6 The sun sets during sun rise
Tumigil ang motor ni Vince malapit lang sa gate ng mga Dela Cruz. Ayaw ni Abby na sa tapat mismo ng gate itigil ni Vince ang motor dahil baka marinig ng daddy niya at malaman na may kasama siyang lalaki at alas sais i medya na ng gabi siya nakauwi.
“Vince..” nakababa na siya ng motor nito. Itinigil ng binata ang makina ng motor at ipinangtukod ang isang paa para hindi tumumba ang motor.
“I’m sorry Abigail. I didn’t mean to be such a jerk.” Sabi ng binata na nakayuko.
“It’s okay Vince. You are just caught by the moment. That’s nothing.”
“it won’t happen again. Please, can you still be my friend?”
“Oo naman. Basta mag-ingat ka pag uwi.” Nakangiting sabi ni Abby.
“Promise. See you on Monday?”
“yeah.”
Ngumiti na si Vince. “Sige na pasok ka na. Hindi ako aalis hanggat di ka nakakapasok ng gate niyo.”
“Sige. Thank you sa merienda at sa paghatid.” Masayang sabi ni Abby
“No problem. “
Tumalikod na si Abby at nagumpisa ng maglakad. Ng nasa harap na siya ng gate ng bahay nila ay nilingon niya ang binata. Kumaway ito sa kanya at ngumiti. Nakita niya ang mukha nito dahil sa ilaw na nanggagaling sa poste.
Kumaway din siya ngumiti saka yukong pumasok na ng gate. Ng mailock niya iyon, kahit mahina’y narinig niya ang pagstart ng motor at ang pagharurot niyon palayo.
Naglakad siya papasok ng bahay. Ang totoo’y gusto niyang takbuhin na ang kwarto para mapag-isa. Pagpasok niya ng bahay ay sinalubong siya ni Gailee na sabik na sabik sa kanya. Binuhat niya ang aso at hinalikan sa nguso muling binaba saka dumiretso na sa hagdan.
“Nakauwi ka na pala abby. Kumain ka na ba?” Ang daddy niya na sumilip mula sa kusina.
“Opo papa. Magpapahinga na po ako sa kwarto.” Sabi niya na nilagyan ng pagod ang boses.
“Sige. Magwash ka muna bago ka matulog ha?”
“Opo.” Nang masabi iyon ay dumiretso siya sa kwarto . nilock niya ang pinto at humiga. Niyakap niya ang hotdog pillow niya at pumikit.
Gusto niyang umiyak pero napakasaya ng araw niya. Dinala siya ni Vince sa bahay nila. Pinakilala sa mga aso. Pero wala ang pamilya nito. Naging magkaibigan sila at hinalikan siya nito. Napahawak nanaman siya sa mga labi niyang hinalikan ni Vince.
Napabuntong hininga siya. Nagbago ang mood ni Vince pagkatapos ng halik na iyon. At pagkatapos nag sorry ito sa kanya ng maihatid siya. Nagsabing hindi na uulit at kung pwedeng maging magkaibigan pa din sila. Ang totoo, gusto niyang maulit ang halik na iyon. At ayaw niyang maging kaibigan ito dahil gusto niya’y mas higit pa doon.
Sa ngayon, umaasa ang bata niyang puso na gusto din siya ni Vince. Hindi bilang kaibigan. Kundi mas higit pa. Na Malaya nitong mauulit ang halik na iyon sa burol. Malaya niyang mararamdaman ang masarap na pakiramdam na iyon.
Monday..
“What??” histerya ni Jessa. Nasa kubo sila sa may bukid na may maliit na punong mangga sa likod ng isa sa building ng school nila.
“Wag kang maingay at baka may makarinig saten Jessa. Eskandalosa ka naman eh.” Awat niya sa kaibigan .
“What the hell Abby. Hinalikan ka ni Vince and now you’ve realized na mahal mo siya? Eh ni hindi mo pa nga siya gaanong kakilala.”
BINABASA MO ANG
Crazy in Love (COMPLETED!)
RomanceBaliw ka ba? Siya? Ayon? Tayo ? *Ang Istoryang ito ay kathang isip lamang ng nagsulat (Ako yun) Ano mang pagkakapareho sa ibang istorya at sa tunay na buhay ng isang tao, pangalan lugar o ang buong istorya ay hindi sinasadya. PAKIUSAP: Ako ay tao la...