Chapter 32
Nagising si Abby na masakit ang katawan. Lalo na ang mukha niya na nakatikim pa ng isang suntok bago siya makatulog. Dahan dahan siyang napabangon sapo ang tyan niya. Sira na ang laylayan ng damit niya.
Wala din ang suot niyang cycling at underwear. Nakita niya sa damuhan at gutay gutay na. Niyakap niya ang sarili. Panu na siya ngayon? Un ba ung rape? Un ba ung nangyayare sa balitang napapanuod lang niya sa TV?
Napaluha siya. Si Vince ba talaga ang nagbigay ng letter? Kung si Vince, hahayaan ba niyang mangyare to sa kanya? Hindi na niya alam ang iisipin.Basta ang alam niya, wala na siyang mukhang maihaharap sa nobyo. Madumi na siyang babae.
Nang mahimasmasan ay dinampot niya ang stilettos niya na naputol na ang heels sa kaliwang pares. Naglakad siya na pagewang gewang at sapo ang tyan.
Nang marating ang main road, mabagal siyang naglakad palayo sa eskwelahan. Pag umuwi siya sa bahay ng ganito ay mag tatanong ang mga magulang. At kapag nag sumbong siya, baka totohanin ng mga rapist na un ang sinabi.
Naramdaman niya ang pamamaga ng pisngi. Nakadalawang suntok din sa kanya si A. hindi na nga lang sigurado lahat ng nangyare dahil nandilim na ang paningin niya.
Hindi na niya napansin ang van sa likuran niya. Parang wala na siya sa sarili.
“Abby!”
Dahan dahang lumingon si Abby kahit hindi pa tumitigil sa paglalakad. Nasa tapat na niya ang nakabukas na pinto ng van ni Jessa. Bumaba si Jessa at niyakap siya.
“Anong nangyare sayo? Bakit ganyan ung itsura mo?” tanong ni Jessa na bahagyang lumayo at tinanggal ang mga damo na kumapit sa buhok niya at damit.
Hindi nagsalita si Abby. Yumakap na lang siya sa kaibigan at umiyak ng umiyak.
“Opo tito. Sumabay na po sakin si Abby.. Opo.. Sige po tito… goodnight po.”
Ibinaba na ni Jessa ang phone at bumaling sa kanya. Bumili sila sa bayan ng mga damit na pangtulog at underwear para sa kanya.
“Abby, tawagan mo si Vince. Ipaalam mo sa kanya to.” Nag aalalang sabi ni Jessa. Ikinuwento niya sa kaibigan ang lahat sa van habang humihikbi.
“Hindi pwede friend. Panu kung ayawan na niya ako? Lalayuan ko na lang siya. Atleast hindi ako masasaktan kung iwan niya ako.”
“Hindi mo ginusto ung nangyare. You were forced. Hindi ka maruming babae kung narape ka.”
“Please, Jessa. Ayokong malaman ni Vince ito. Hindi niya pwedeng malaman. Makikipaghiwalay na ako.”
“Bakit?”
“Dahil hindi ko na siya deserve.”
Nanginginig pa din dahil sa naexperience ang dalaga. Naligo na siya at kinuskos niyang mabuti ang buong katawan. Ano mang bakas ng hawak ni A o ni B ay dapat mawala sa katawan niya. Pakiramdam niya ay ang dugyot dugyot niya.
Gusto niyang magwala sa galit at sa lungkot. After pala ng masasayang araw nila ni Vince ay ganito.
Naluha nanaman si Abby. Lumapit lang si Jessa at niyakap siya. Wala ng nagsalita pa sa kanila. Nagyakap lang sila habang humahagulgol ng iyak si Abby.
“Bakit ka nga pala nawala sa ball?” tanong ni Abby ng medyo mahimasmasan na pero nandun pa din ang problema sa isip.
“Okay na kami ni Louise. I told him everything. Nagtata-talon sa tuwa ang mokong.” Nakangiti ng sabi ni Jessa.
“Talaga? Congrats, friend.”
“Nagpaalam nga lang ako sa kanya na pupunta kami ng States. Pumayag naman siya. Sabi niya magtatapos daw siya para daw makaipon para saming mag ina.”
BINABASA MO ANG
Crazy in Love (COMPLETED!)
RomanceBaliw ka ba? Siya? Ayon? Tayo ? *Ang Istoryang ito ay kathang isip lamang ng nagsulat (Ako yun) Ano mang pagkakapareho sa ibang istorya at sa tunay na buhay ng isang tao, pangalan lugar o ang buong istorya ay hindi sinasadya. PAKIUSAP: Ako ay tao la...