Chapter 24- In your Arms

326 4 0
                                    

Chapter 24 – In your arms

Mag isang naglalakad palabas ng eskwelahan si Abby ng hapon ding iyon. May date nanaman si Jessa at ang boyfriend nitong si Louise. Napabuntong hininga siya. Nasan na kaya ngayon sina Vince? Sa isip niya. Hindi na niya nakita ito kahit na nagrecess na sila.

Nang mapatingin sa gilid ng gate, napansin niya ang pamilyar na bulto na iyon. Nakasandal ito sa nakabukas na gate ng eskwelahan at nakapamulsa. Vince.. Tumingin sa direksyon niya ang binata at napatigil siya sa paglalakad. Humarap iyon sa kanya at kumaway.

“Abby!” sigaw ng binata.

Napatakbo siya. Gusto na niyang tumabi at mapalapit muli dito. Tinakbo niya ang maliit na distansya nilang dalawa. Nang makalapit na siya’y nginitian siya ng binata.

“Bakit ka naman kasi tumakbo? Namimis mo ba ako?” nangaasar na sabi ng binata.

“Ha? Asa ka!” inis niyang sabi. Nagpatiuna na siyang maglakad. Ayaw ipakita sa binata ang pamumula ng mukha. Bakit nga kasi kelangan niyang tumakbo?

"Ihahatid na kita sa inyo.” Sabi ng binata habang nasa likod niya. Hinarap niya muli ang binata at tumigil siya sa paglalakad.

“May gusto akong puntahan.” Sabi lang niya saka naglakad na muli. Sunod lang sa kanya ang binata. Umakyat sila sa burol na dati nilang pinupuntahan.

Umupo siya sa tabi ng punong mangga at si Vince naman ay umupo sa tabi niya. Niyakap niya ang sariling mga binti at ipinahinga ang baba sa mga tuhod.

“Nakakagaan pa din talaga ng pakiramdam ang lugar na to.” Maya-maya’y sabi ng binata ng saglit silang natahimik.

“Oo nga. Kaya gusto kong pumunta dito.” Mahina niyang sabi.

“Mas nakakagaan ng pakiramdam to ngayon, ngayong kasama na kita.”

Napatingin ang dalaga sa binata. Nginitian siya nito. “Madalas akong magpunta dito kahit na dito din kita piniling saktan noon.” Sabi lang ni Vince saka binaling ang tingin sa kawalan. Maya-maya napahiga ito sa damuhan at tinakpan ng dalawang braso ang mukha.

“Bakit ka naman pumupunta dito?”tanong ni  Abby.

“Kasi, dito ako nangangarap na balang-araw makakasama ulit kita.”

Napayuko ang dalaga sa sinabing iyon ni Vince. “Ang totoo’y hindi ko pa din maintindihan kung bakit kelangan mo akong ipagtabuyan palayo.”

“Sa totoo lang din, ganun din ako. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun sayo. Pero isa lang ang alam ko..” saglit itong tumigil sa pagsasalita at muling tumuloy “Mahal talaga kita.”

Napangiti ang dalaga sa tinuran ng binata. Naramdaman niyang umupo ito. Nanlaki ang mga mata niya ng yakapin siya nito mula sa likod. “ I love you Abby. At hindi ko alam na magiging masaya pa ako katulad nung mga araw na kasama kita tulad ngayon. Puro masakit ung mga naexperience ko noon. Pero handa na akong maging masaya kasama ka.” Bulong ng binata sa tenga niya.

Hinawakan niya ang malalamig na kamay nitong nasa binti niya. “Hindi ka magiging masaya kung di ka nakaramdam ng lungkot ni minsan sa buhay mo. Hindi mo mabibigyan ng definition ang salitang masaya, Vince. And I’m happy. I’m happy that I can be one of those reasons na pwedeng makapagpasaya sayo.” Nakangiti niyang sabi.

“Thank you. Thank you Abby for giving this chance to be this close to you. To love you.”

“Masaya akong ibigay sayo ung chance na deserve mo, Vince. Ung chance na maging masaya.”

Lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata. “Hinding hindi  ko sasayangin tong pagkakataon na to.”

Napahalukipkip siya sa dibdib nito. Kontento na siya. Sa mga yakap nito at sa mga salitang nagpapasaya ng puso niya.

Crazy in Love (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon