Chapter 7 Meeting someone like you

395 5 0
                                    

“He did that?” masuyong tanong ni Jessa na nakaakbay sa kaibigan.

“Yeah. I’m sorry Jessa Kung kelangan pa nateng mag stop over dito sa gasolinahan para ikwento ko sayo to.” Umiiyak pa din na sabi ni Abby.

“Don’t worry friend. Titigil talaga kami ni Louise dito para makabonding. Si Mang Ben lang kasi ang botong boto sa relasyon namin eh.”

“Oo nga, Abby. Kung ganoon, hindi pa din pala nakaka move on si Vince..” si Louise na nilingon sila dahil lumipat ito sa passenger’s seat.

“Anong naka move on, babe?” tanong ni Jessa kay Louise. Tumigil din sa pag iyak si Abby at tumingin kay Louise.

“Naging classmate ko ng 3rd year yan si Vince kaya kami magkakilala. Iniwan ng mama niya ang papa niya para sa ibang lalaki. Vet kasi ang papa ni Vince at hindi malapit sa mga hayop ang mother niya kaya iniwan niya ang mag-ama. And, 2 months bago sila iwan ng mommy niya ay iniwan siya ng 2 years girlfriend niya para magpuntang states. Hinintay niya iyon. Pero nakatanggap siya ng mail mula dito na hindi na ito muling babalik pa dahil nakahanap na siya ng magandang buhay sa ibang bansa. Imagine? In a short period of time, dalawang importanteng babae na ang nawala sa kanya.”

“Pero iba ako louise. Sure ako na hindi ko siya ipagpapalit sa taong ayaw sa aso at sa foreigner.” Abby said in between sobs.

“I know. Pero hindi iyon alam ni Vince, Abby. Ang alam lang niya na he’s not good enough to deserve someone. He doesn’t deserve to be loved.”

“For 4 years, you kept the feelings friend. It’s too late to give up now. You should try to prove yourself to him..” bulong ni Jessa. “Tatawagan ko si Tito Ric. Namumugto yang mga mata mo. Magpapapunta na lang ako ng katulong sa bahay niyo para kumuha ng mga gamit mo. Balita ko kasi may mga seminar yung mga teachers ng 4th year bukas. “

“Thank you Jess. You are the best best friend ever.” Niyakap niya ang kaibigan.

“Alam kong susuportahan mo din ako pag ako ang nasa kalagayan mo at kapag sinaktan ako ni Louise.” Hinaplos haplos ni Jessa ang likod ng kaibigan.

“You know, I have no chance and enough reasons to do that to you. I love you so much, sweetheart.”

“Sus.. Drama mo. Tawagin mo na si Mang Ben at umuwi na tayo.” Halata sa tono ni Jessa ang pagkakilig pero nilagyan ng tono na parang naiinis.

Iiling iling na lang na sumunod si Louise. Atleast ung kaibigan niya, masaya ang love life.

SABADO..

Napagpasyahan niyang bisitahin si Vince sa bahay nito. May sense of direction siya kaya kahit isang beses pa lang siyang nakakapunta doon ay kabisado na niya iyon.

Akmang mag dodoor bell na siya ng bumukas ang maliit na gate na kasya lang ang isang tao at iniluwa doon ang isang lalaki. Kahawig ito ni Vince. Nakasalamin at medyo pinantanda. Tantya niya ay nasa mid 40s na ito. Naka lab gown itong puti at sa loob noon ay mukhang simpleng putting tshirt at slacks.

“Yes?” tanong nito sa kanya.

“Nanjan ho ba si Vince? Classmate niya po ako. Ako nga po pala si Abigail.”

“Ahh, pasensya na. Wala kasi siya eh. Pero uuwi din iyon mamaya. Gusto mo bang pumasok para hintayin siya?”

“Naku, baka ho nakakaistorbo ako. Sige na ho. Pakisabi na lang po na dumaan ako.”

Akmang tatalikod siya ng hawakan siya nito sa braso.

“Please, I want you to come in.” nakangiting sabi ng lalaki sa kanya at hinila na siya sa loob ng gate.

Pinaupo siya nito sa isa sa mga upuan sa garden table set. At pumasok naman ang lalaki sa bahay.

Tama ba ang ginagawa niya ngayon? Baka mairita si Vince sa kakulitan niya at isipin nito na pinagpipilitan niya ang sarili niya dito. Naiiyak nanaman siya. Simula ng makilala niya si Vince at marealize sa sarili na mahal niya ito ay naging iyakin na siya.

“Are you crying?”

Napaangat ng tingin ang dalaga. Nandun na pala ang lalaki na may dalang orange juice at nakaupo na sa kaharap niyang upuan. Nilapag nito ang dalang orange juice at inilapit sa kanya ang isa.

“No, sir. Wag niyo po sanang masamain ung itatanong ko, Kaano-ano ba kayo ni Vince?” tinignan niya ito at saka napaisip.

Kahawig ito ni Vince at mukha itong doctor sa suot na lab gown. Sabi ni Vince , vet ang papa niya. Hindi kaya ito ang papa niya?

“Hindi niya siguro ako madalas maikwento. But I’m Vicente, his father.” Nginitian siya nito. Napakapleasant ng ngiti sa kanya ng ama ni Vince.

Hindi nakasalita si Abby at napalunok lang. Tama nga siya. Bakit ba hindi niya iyon naisip kanina?

 “So, Abigail, right?” tanong sa kanya ng matanda at isang tango lang ginawa niya saka nagtuloy sa pagsasalita. “What brings you here? Oh, wait. Panu mo nalaman na taga dito si Vince?”

“Dinala po ako dito ni Vince last week para ipakilala sakin ung mga aso niya.”

“I see. That’s the first simula nung iniwan siya ni Danabel.”

Napakuyom siya ng kamao. Hindi nakikita ng lalaki iyon dahil nasa ibabaw ng binti niya ang kamay niya at natatakpan iyon ng pabilog na putting lamesa.

“Anong sadya mo dito iha?” tanong sa kanya saka uminom ng orange juice.

“May mga dapat lang po akong ipakipag-usap kay Vince, sir.”

“I see. Well, I guess you’re his friend?”

Crazy in Love (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon