Chapter 3 - The reason
"Sinabi ko sayo wag kang lalabas diba?" mahinang sabi ni Vince
Nakaindian seat na din si Abby sa tabi ng binata at nakayuko. "Pasensya na. Mabilis naman ang pagtakbo ko. Akala ko hindi nila ako mahuhuli. Nakalimutan kong runner si Jessa."
Nang tangkain niyang iligtas si Vince, tumakbo siya ng mabilis. Halos napugto na ang hininga niya habang sinisigaw ang panglan nito. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng binata. Pero naabutan siya ni Jessa at ng iba pa. Tinali ang kamay niya at iniupo sa tabi ng binata.
"Salamat.." mahinang sabi ng binata na nakatingin lang sa harap.
Napatingin si Abby sa binata. Nangingislap ang mga mata nito. Ngumiti lang si Abby. Gusto niyang makilala ang lalaking ito. Ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Ang lalaking gusto niyang iligtas.
"Ang saya ng laro nu?" sabi ni Jessa.
Nahuli ang lahat ng criminals at kailangan nilang ilibre ang mga pulis ng ice cream. Pauwi na sila ni Jessa. Nakasakay sila sa isa sa mga sasakyan ng pamilya ng kaibigan.
Hindi umimik si Abby. Nakatingin lamang ito sa labas. Sa walang katapusang taniman ng palay. Hindi pa naman madilim. Pero sa probinsya ang hapon ay gabi na din.
"May problema ka ba , abby?" tanong ni Jessa ng di sumagot si Abby.
Para namang bumalik ang katinuan ng dalaga ng hawakan ni Jessa ang kamay niya. "Wala. Napagod lang ako kanina."
"Sa bagay, ikaw ba namang takbuhin mo at subukang iligtas si Vince eh." Mahinang tawa ang sinunod ng kaibigan at saka umayos ng upo.
"Hoy! Hindi ganun un . Wag ka nga jan!" Mahinang sabi ni Abby ng mahimigan ang pang aasar na tono ni Jessa.
"Friend, ilang taon na ba tayong magkaibigan ? At sa history na yun, wala ka pang ginanyan. Ung araw na nakita mo si Gailee, nakita namin kayo ni Louise. Sabay kayong dumating sa terminal ng tricycle. At hinintay niyang makaalis ang tricycle mo bago siya sumakay. At ikaw naman, nakatingin lang sa kanya na parang ayaw mong umalis." Pag kukwento ni Jessa na lalong kinamula ng pisngi ni Abby.
"Ikaw naman, binibigyan mo ng malisya. Sinabayan ako nung tao dahil dun din naman ang sakayan niya. Naku , kung di dahil kay Vince, di ko makikita si Gailee." Depensa niya sa kaibigan.
"Friend, kala ko ba best friends tayo? Ano ka ba? Umamin ka na nga. May gusto ka kay Vince nu? Kita mo nga at namumula ka."
Bumuntong hininga lang si Abby . Yun ba ang tawag sa nararamdaman niya? Gusto niyang makita si Vince. Subukang maging kaibigan at maging kapalagayan ng loob. Kapag di niya nakikita ito sa kabilang section ay sira na ang araw niya. Yun ba ang pagka 'gusto' sa isang tao? Tinignan niya si Jessa na parang na gets naman ng dalaga ang iniisip nito.
"Gusto mo siyang palaging makita, kulang ang araw mo pag hindi mo siya nakikita ? Yan na yun girl! Aba? Kelan pa nag start yan!" excited na tanong ni Jessa.
Nagsimula iyon nung unang taon nila sa high school. Unang araw din iyon..
"Ma'am pwede po bang mag punta sa clinic?" nilapitan ni Abby ang nagbabasang guro sa lamesa nito . May ginagawa silang essay tungkol sa sarili nila at bigla siyang nakadama ng sakit sa puson.
"Tapos mo na ba ung pinapagawa ko?" malumanay na tanong ng guro.
"Opo. Eto po." Inabot niya dito ang papel. "Masakit ho kasi ang puson ko." Sabi niya na namimilipit na sa sakit.
"Naku, baka mens na yan. Sige na Miss." Kinuha ng guro ang papel at hinayaan na siyang lumabas ng room.
Nasa 2nd floor ang room nila. At ang clinic ay nasa kabilang building na dalawang daang metro ang layo sa building nila. Nahihilo na siya sa sakit at nangangatog na ang binti niya. Pakiramdam niya lalagnatin na din siya. Nang akmang babagsak na siya at malapit na siya sa huling hakbang ng hagdan ay may humawak sa braso niya .
BINABASA MO ANG
Crazy in Love (COMPLETED!)
RomanceBaliw ka ba? Siya? Ayon? Tayo ? *Ang Istoryang ito ay kathang isip lamang ng nagsulat (Ako yun) Ano mang pagkakapareho sa ibang istorya at sa tunay na buhay ng isang tao, pangalan lugar o ang buong istorya ay hindi sinasadya. PAKIUSAP: Ako ay tao la...