Chapter 20 To be Loved is to be happy

351 4 0
                                    

Chapter 20 – to be loved is to be happy.

Bumalik sila sa bonfire at magkatabing naupo. Kinuha ni Vince ang gitara at ini-strum iyon.

“Marunong kang mag gitara?”nakangiting tanong ni Abby kay Vince.

Ngumiti lang ito at pinatugtog ang I won’t give up .

“When I look into your eyes.. It’s like watching the night sky..” kanta ng binata. Maganda pala ang singing voice nito.

Nakangiti lang si Abby na kumuha ng isang stick ng barbecue at kinain iyon.

Nang matapos ang kanta ay kumuha na din si Vince ng barbecue saka tinitigan si Abby.

“Oh, bakit ka nakatingin sakin?” natatawang tanong ni Abby.

“Hindi lang ako makapaniwala na, girlfriend na kita.” Itinabi ni Vince ang gitara at lumapit sa kanya. Hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga saka dinala sa mga labi nito para halikan.

“Promise me, hindi mo ko iiwan.” Seryosong sabi ni Vince habang nakatitig sa mga mata niya at ang mga palad ng dalaga ay nakalapat sa pisngi nito.

“Oo, Vince. Hindi kita iiwan, pangako.” Nakangiti niyang sabi. Mainit ang pisngi ni Vince at parang komportable siya habang dinadama iyon sa palad niya.

Napapikit si Vince at dinama din ang mga palad niya.

“Pero gusto ko sanang isekreto muna naten to sa lahat.” Bulong ni Abby na kinadilat naman ng mata ni Vince. Umupo ito ng maayos pero hindi pa din binibitawan ang kamay niya.

“Bakit? May problema ba?”

“Wala naman. Ayoko lang din kasing malaman to ng pamilya ko. At si Maxx. Masasaktan siya kapag nalaman niya to.”

“Hindi ba mas masasaktan siya kung matagal na tayo tas saka niya pa malalaman? At sa iba pa.”

Nag-aalangang siyang yumuko. “Hindi ko kayang saktan si Maxx. Napakabait niya. Saka nasa tabi ko lang siya nung nag momove on ako nung binasted mo ko.” Parang nabulunan sa huling sinabi si Abby.

Natawa ng malakas si Vince. Napahiga ito hawak ang tyan.

“Hoy! Bakit ka natatawa?” alam niyang namumula siya dahil sa pagkapahiya. Hinampas niya ang binti nito. Para namang nahimasmasan ito. Unti unting tumigil ang tawa at maya maya bumalik sa pagkakaupo.

“Oh my, You’re more beautiful when you’re shy. See, you’re blushing!” kinurot ni Vince ang magkabilang pisngi ni Abby.

“Stop!” iritableng sabi ni abby na hinampas na ang braso nito. “Kapag hindi mo tanggalin yan,babawiin kong sinagot kita.” Sigaw niya.

Agad namang binitawan ni Vince ang pisngi ni Abby at nginitian ang dalaga. “Okay. Papayag ako. Pero after ng graduation, pwede ng ipagsigawan?”

“Bakit mo naman ipagsisigawan?”

“Dahil, maswerte ako at ikaw ang nagging girlfriend ko. Kaya gusto kitang ipagmayabang.” Nag unat ng braso si Vince saka humiga sa sapin na inuupuan. Pinang unan nito ang mga braso. “You know, hindi ko inaakala na matatapos pa ung mga malulungkot na araw ko. Totoong you’re my sunshine. Dahil ikaw ang nagbigay ng ilaw sa madilim kong mundo.”

“Ang cheesy mo ha.” Kinurot ni Abby sa tagiliran si Vince pero mahina lang iyon. Halos walang naramdaman si Vince. “Kung di ka naging malungkot ni minsan sa buhay mo, hindi ka makakahanap ng tunay na kaligayahan. Hindi mo mabibigyan ng totoong kahulugan ung salitang masaya kung hindi ka naging down minsan sa buhay mo.” Saglit na tumigil si Abby at tumingin sa binata “I’m just glad that we can find our happiness together, with each other.”

“Mas cheesy ka pala.” Umupo ulit si Vince at dinama ang pisngi ng dalaga. “But, thank you for saying that. Gumaan ang pakiramdam ko.”

Nginitian lang niya ang binata.

Kinabukasan.

“Pasensya na kayo sakin kagabe. Nalasing talaga ako.” Nagkakamot ng ulong sabi ni Jessa. Kakalabas lang nito ng kwarto nila ni Abby.

Nasa dining table na silang lahat at kumakain ng almusal. Hindi sila nag iimikan ni Vince pero dahil magkatapat sila’y sa ilalim ng lamesa ay magkadikit ang paa nila.

“Ayos lang bes. Okay na ba ung pakiramdam mo?” tanong niya sa kaibigan at binabalewala ang paggalaw ng paa ni Vince. Mukhang kinikiliti siya ng binata.

“Okay na. Medyo masakit lang ang ulo ko.” Sagot nito saka humigop ng mainit na kape.

Napasipa siya dahil lumalakas ang pagkiliti ni Vince sa kanya. Yumugyog bahagya ang lamesa.

“Oh, bakit?” tanong sa kanya ni Dana.

“Wala. Eh kasi, nangangati ung legs ko.” Bahagya pa niyang kinamot kunwari ang legs pero nilalayo na niya ang paa sa paa ni Vince.

“Sinong nahuli kagabe?” tanong ni Dana.

Napayuko si Abby sa kinakaing pansit na nasa plato at sumubo doon.

“Ako. Sumunod na si Abigail sa inyo ni Maxx kagabe.” Si Vince ang sumagot saka walang anumang tinuloy na ang pagkain ng almusal.

“Oo. Inaantok na din kasi ako nun.” Sagot naman ni Abby matapos malunok ang pansit na nasa bibig.

“Well, anyways, tinawagan ko na si Mang Ben para sunduin tayo. Dumaan siya sa kabilang bayan para bisitahin ang mga kapatid niya. Gusto niyo bang mamasyal muna ulit sa bayan? Mukhang mamayang hapon pa makakarating yun.” Sabi ni Jessa na nangalumbaba dahil ubos na ang kape na iniinom.

“Gusto ko yan. Pupunta din kasi ako sa auntie ko labas ng bayan. Medyo malapit lang naman.” Sabi ni Dana na bumaling sa katabing si Vince, “Samahan mo naman ako.” Naglalambing na sabi nito.

“I can’t may gusto akong puntahan na hindi ko napuntahan kahapon eh. Pasensya na.” malamig na sabi ni Vince.

“kainis ka naman.” Bumuntong hininga si Dana. “Sige na nga. Next time, bumawi ka!” nagtuloy na sa pagkain si Dana.

“Ikaw, Abby? May pupuntahan kami nila Jessa at Louise, gusto mo bang sumama?” si Maxx na katabi niya ang nagtanong sa kanya.

Binalingan siya ni Abby “Hindi na Maxx. Parang gusto ko lang magpahinga ngayon para ihanda ung sarili ko mamaya sa matagal na byahe.”

“Gusto mo bang samahan na kita dito sa bahay?”

“No. Ayoko namang sirain ang pamamasyal niyo. Anyways, anjan naman si Manang Celly para turuan akong gumawa ng sumang latik.” Ang tinutukoy ni Abby ay ang tagapangalaga ng rest house ng mga Ventura. Nakausap niya ito nung nakaraan at nag volunteer ito na tuturuan siyang gumawa ng suman.

At ung unang araw pa lang nila doon ay naturuan na siya ng matanda. Ang totoo’y nag usap sila na Vince na kung may pagkakataon pa’y mamamasyal sila ng magkasama. Alam siguro ng binata na aalis si Dana at makakapagsolo sila.

“Okay, sige. Kung ayan ang gusto mo. Bibilhan na lang kita ng pasalubong.” Masiglang sabi ni Maxx.

“Sige. Di ko tatanggihan yang libre.” Nagtawanan sila sa tinuran niya.

Nang umaga nga ding iyon, umalis si Dana papunta sa Auntie niya. Sumunod din ang tatlo na excited dahil pupunta sila sa zoo sa bayan.

Naiwan sila ni Vince sa bahay. Abala siya sa pamimili ng damit na susuotin. Gusto niya’y maganda siya sa unang date nila ni Vince. Pinili niya ang isang dilaw summer dress na floral at hanggang binti. Sleeveless at loose kaya presko. Kinuha niya ang shades at sinuot na ang dilaw na flip flops at ang Mini shoulder bag niya na kulay puti.

Trinintas niya ang mahabang buhok saka siya nagsuot ng rubberized na head band. Ginulo gulo niya ng kaunti ang buhok kasi naniniwala siyang messy is pretty pagdating sa buhok niya. Naglagay siya ng pulbo at manipis na lipstick.

 

Isang huling sulyap ang ginawa niya sa harap ng salamin at ngumiti sa nakitang itsura niya. Ngayon, gusto niyang mas lalong mahalin siya ni Vince. At ngayon, naghihintay na din ito sa labas para makasama siya sa buong araw na iyon.

Crazy in Love (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon