CHAPTER 23 – Yeah, Someday.
Bumaba sila Maxx, Dana, Louise at Vince sa bayan. Sabay sabay na daw silang uuwi. Habang ang dalawa naman, si Abby at Jessa ay hindi nag iimikan. Hanggang sa marating nila ang bahay ni Abby.
“Jess.” Untag ni abby sa kaibigan.
“Wala na tayong dapat pag-usapan, Abby. Nakita ko ung nangyare kanina sa Pagudpud. Between Maxx and Vince.” Malamig na sabi ni Jessa.
“Bakit nagagalit ka sakin Jess?”
Humarap sa kanya ang kaibigan. “Dahil best friend mo ako. At kung hindi ko pa nakita malamang isesekreto mo pati sakin. Kaibigan mo ko. Wala ka bang tiwala sakin?”
“Sasabihin ko naman sayo eh. Ang ayoko lang na makaalam ay ang parents ko, si Dana at si Maxx. Alam kong boto ka rin kay Maxx. Kaya natatakot ako sa sasabihin mo sakin.”
“Wala ka ngang tiwala sakin, Abby.” Bulong ni Jessa saka dumiretso ng upo at muling nagsalita. “Hindi naman kita papakealaman kung san ka masaya. Gusto ko, kapag nagkamali ka, sarili mo lang ang sisisihin mo. Ikaw ang bahala sa kung sinong gusto mong mahalin, abby.”
Natahimik lang si Abby at napayuko.
Bumuntong hininga si Jessa, “I love you, Abby. Best Friend mo ko at gusto kong maging masaya ka. Kung si Vince ang makapagpapasaya sayo, hindi naman kita papakealaman.”
“I’m sorry Jess. Sasabihin ko naman sayo pero gusto ko, ung tayong dalawa lang.” hinawakan ni Abby si Jessa sa braso. “Sorry na.”
Napatingin si Jessa kay Abby. Maya-maya tumawa ito ng malakas. Hinawakan nito ang sarili niyang tyan at halos magwala na sa kakatawa.
“Bakit ka tumatawa, aber?” tanong ni Abby sa kanya.
“Kasi, nakakatawa ung mukha mo.” Tuloy pa din ito sa pagtawa.
Hinampas ni Abby ang braso ni Jessa. Nasapo naman iyon ng dalaga.
“Aray ha? Masakit yun ha!”
“Siraulo ka talaga. Bababa na ako. Magkita na lang tayo sa pasukan.”
“Sige na. Babye na!” nginitian ni Jessa si Abby saka tinulak palabas ng van. Bago nito isara ang pinto ay kumaway pa sa kanya ang kaibigan. Nginitian niya ito at kumaway na din.
Hinintay niya munang mawala sa paningin niya ang sasakyan nila Jessa saka siya pumasok sa bahay. Naabutan niya ang mga mama na hinahaplos ang tyan ni Gailee.
“Anong nangyare kay Gail ma?” tanong niya sa ina at lumapit na din sa aso.
“Nakakain ata ng kung ano. Nakawala kasi siya kanina sa kalsada. Hinanap ko at nakita ko dun sa bakanteng lote sa harapan. Tapos pinakain ko wala ng gana. Ngayon eto, hindi na makatayo.” Paliwanag naman ng papa niya.
“Dalhin na kaya naten siya sa vet?” tanong ng ina sa kanya. Napaisip agad siya. Alam na niya kung sinong tatawagan niya.
“Okay naman ang vital signs niya.” Ni Vicente ang papa ni Vince. Alas otso na ng gabi ng tawagan niya ito. Mabilis naman itong nagpunta sa kanila. Sinundo niya ito sa labas ng subdivision.
“Magiging ok po kaya siya?” tanong ni Abby sa matanda.
“Wala siyang sakit, pero buntis siya.” Sabi ng matanda.
“Ano po?” gulat na tanong ni Abby.
“Buntis siya. Halos 1 week pa lang. Sapat lang naman yun. Ilang buwan na ba itong si Gailee?”
“Mag seseven months na po.”
“Well, looks like, dadami ang Gailee niyo sa bahay na to.”
BINABASA MO ANG
Crazy in Love (COMPLETED!)
RomanceBaliw ka ba? Siya? Ayon? Tayo ? *Ang Istoryang ito ay kathang isip lamang ng nagsulat (Ako yun) Ano mang pagkakapareho sa ibang istorya at sa tunay na buhay ng isang tao, pangalan lugar o ang buong istorya ay hindi sinasadya. PAKIUSAP: Ako ay tao la...