Chapter 31 - I'm a dirty woman

306 4 0
                                    

Chapter 31

 

Mabilis na lumipas ang panahon. Tatlong buwan na sila. Hanggang sa apat na buwan na ang relasyon nila. Madalas silang magkasama at Masaya at bumibisita din si Vince sa kanila para lang makipagkwentuhan sa papa niya.

February..

Buwan ng mga puso. At buwan din ng senior’s Ball. Sinigurado na ng management ng eskwelahan nila na matutuloy sa Valentine’s day ang Ball nila dahil last year na nila ito.

Naghahanda na para sa ball ang lahat. Pupunta pa din si Jessa pero hindi na ung planong damit niya na fitted sa kanya ang susuotin. Hindi nga lang alam ni Abby kung ano un.

Si abby naman ay isang tube dress na kulay pink. Above the knee at palobo ang laylayan. May ruffles, beads at ribbon na hindi naman masyadong na over decorate ang gown.  Parang ung gown sa black swan. Kulay pink lang ung sa kanya. Kinulot lang ang dulo ng mahaba niyang buhok at nilagyan ng hair pin ang left side ng buhok niya. Iniwan lang ang bangs niya.

Nilagyan lang siya ng mama niya na light na eye shadow at pink na lipstick. Hindi na kelangan pa ng blush on dahil mapula ang pisngi nito pero nilagyan pa din ng mama niya in case daw mamutla siya.

Susunduin daw siya ni Vince ng alas-sais. Dala daw nito ang isa nilang sasakyan na Mitsubishi Lancer na kulay Red.

Sinulyapan ni Abby ang sarili sa salamin. Simple but elegant. Lalo siyang naging maputi sa suot dahil dark pink iyon. Silver ang 4 heeled stilettos niya at parang nag sha-shine shine glitter glitter iyon sa tuwing natatapatan ng ilaw.

Naghihintay ang mga magulang sa baba. Ito ang una niyang Ball slash prom. Nang makababa ay sinalubong siya ng mga ito sa hagdan.

Napahugot ng hininga ang mama niya. Sinalubong siya ng yakap ng mga ito.

“You’re so beautiful anak.”bulong sa kanya ng ina.

“Eh kanino pa ba magmamana yan kundi sa…” napatigil ang papa niya ng tignan siya ng masama ng asawa. “sayo. Hindi pa ako tapos. Sayo!” inakbayan ng daddy niya ang mama at kiniss sa buhok.

Maya-maya may nagdoorbell.

“Si Vince na ata ito.” Sabi ng daddy niya na lumapit sa pinto. Sumunod sila ng mama niya na magkahawak kamay.

Pagbukas ng pgate ay si Vince nga. Naka black itong suit at sa loob ay kulay white na long sleeves. Nakaneck tie pa ito na kulay brown. Napakagwapo nito at ang sarap sa mata ng itsura niya.

“Magandang gabi po. Okay na po ba si Abby?”magalang na sabi ni Vince.

Lumitaw mula sa likod ni Ricardo si Abby. And then they were both in slow motion. Parang bumagal ang paligid para sa kanila. Ngumiti lang ang binata at inilahad ang kamay sa dalaga.

“Tara na prinsesa?” nakangiting sabi ni Vince.

Crazy in Love (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon