Chapter 11 Confused
Ever since ng makapagusap sila ni Maxx sa cellphone ay patuloy ito sa pagtetext sa kanya . Buong ingat niyang nirereplyan ang mga iyon para hindi nito mamisunderstood.
Pero bawat araw na dumadaan ay nag eenjoy siya sa company ni Maxx. Masayahin at kwela ang binata. Pati nga si Jessa ay nawiwili na dito. Madalas siyang hinahatid nito sa terminal.
Noong tinanong nito kung pwede siyang ligawan ay hindi niya talaga alam ang isasagot. Sinabi niya iyon .
Ang sagot naman nito “Okay lang, Ipapaalam ko sayo ang sagot araw araw.”
At iyon nga ang ginagawa ni Maxx. Palagi nitong kinukuha ang atensyon niya at sa di inaasahan, naaagaw nito ang atensyon niya. Wala na ang sakit na naramdaman niya kay Vince. Hindi na siya nalulungkot pa. Masaya na siya.
“Buti na cut na sa TLE ung klase. Alas-dos pa lang, friend. Gusto mo mag SM muna tayo?”
“Wala ba kayong date ni Louise?”
“Wala. May date din sila ng mga tropa niya eh. Lika na..”
Binuhat na ni Jessa ang attaché case niya at ang maliit na shoulder bag. Si Abby naman ay sinabit sa magkabilang balikat ang bag pack.
“Alam mo, astig ung relationship niyo ni Louise.” Sabi niya na nakatingin sa kaibigan na nakatingin naman sa daan.
“Bakit naman?”
“Eh, nagagawa niyo yung mga gusto nio at responsibilidad niyo. At nag eenjoy kayo sa relasyon niyo..”
“Hindi kaya!” napatingin si Jessa sa kaibigan at nagtuloy sa pagsasalita. “Kelangan naming isekreto iyon sa mga magulang ko dahil baka paghiwalayin kami. Alam mo naman sila mommy at daddy. Pag nalaman nilang may boyfriend ako sa ganitong edad, yare ako.
“Bakit ka naman kasi nag boboyfriend? Alam mo ng mahigpit na bilin ni Tito na magtapos ka muna bago ka mag boyfriend.”
“Di ko naman ineexpect na maiinlove ako nu. At saka isa pa, hindi ako katulad mo na napakamasunurin sa magulang.”
“Hindi naman mahirap maging masunurin sa mga magulang ee.”
“At hindi din naman madali eh. Anyways, may plano ka na ba para sa sembreak?”
“Hindi ko nga alam eh. Hindi makakauwi si ate eh . Marami pa daw siyang gagawin sa Maynila. Baka sa bahay lang kami.”
“Ganun ba? Pinapapunta kasi ako sa rest house namin sa Pagudpod. Tatlong oras lang naman ang byahe.”
Nasa Ilocos din ang Pelidos. Dulo ng Ilocos kaya medyo malayo sa Pagudpod.
“Oh, isama mo si Louise para lovey-dovey kayo dun.”
“Ano ka ba? Eh di baka kung anong gawin ni mommy sakin pag nalaman niyang dalawa lang kami ni Louise na nandun sa resthouse?
Nang marating nila ang parking lot ng eskwelahan ay napatigil si Jessa sa paglalakad na ikinataka naman ni Abby. Napatingin siya sa kaibigan na may tinitignan at parang nagulat ito.
“Bakit?” tanong niya at akmang titingin siya sa tinitignan nito ng hilahin siya sa likod ng isang pulang van.
“Wag kang maingay, Abby.” Bulong ni Jessa na sumilip sa gilid ng sasakyan.
“Ano ba yan, Jessa? Bakit ayaw mong ipatingin sakin?” tanong niya na bumubulong din at nakayuko.
“Dahil ayokong masaktan ka.”
Natahimik si Abby. Lalo niyang ginustong makita kung ano ang tinatago nito sa kanya. Iwinaksi niya ang kamay ng kaibigan na nakahawak sa pulso niya at tumakbo para lumabas sa pinagtataguan.
“Abby!” Sigaw ni Jessa na akmang pipigilan ang paglabas ng dalaga. Ngunit huli na. Parang napatda sa pagkakatayo si Abby ng makita si Vince.
Nakatayo lamang ito. Ngunit nakayakap sa kanya ang isang magandang babae. Maputi at halos kasingtangkad niya. Nakapantalon ito, puting sleeveless at pink na blazers. Naka Rubber shoes siyang puti at sa likod ng dalaga’y may malaking maletang kulay itim at isang malaking sling na bag.
Natigil sa ginagawa ang dalawa ng sumigaw si Jessa. Napatingin sa gawi nila ang mga ito.
“Who’re you?” mataray na tanong ng dalagang nakikipaghalikan kay Vince kanina. Nakatingin ito sa gawi niya.
“Abigail..” mahinang bulong ni Vince.
“You know her?” baling naman nito kay Vince na nakatitig pa din kay Abby.
“Hindi.. Hindi sila magkakilala..” natatarantang sabat ni Jessa na humawak na sa braso ni Abby na nakayuko. Nang hindi nagreact si Abby ay nagtuloy sa pagsasalita si Jessa. “Aalis na kami. Pasensya na kung naistorbo namin kayo..”nginitian ni Jessa si Vince at nagaalalang hinila na si Abby palayo sa lugar na iyon.
“Sinabi ko na sayo, hindi ka dapat tumingin diba?” nakaupo sa pinakamataas na bleacher ang dalawa sa loob ng covered basketball court ng school. Bumili ng dalawang bote ng tubig si Jessa at inabot ang isa sa kaibigan.
Tinanggap naman iyon ni Abby na agad ding binuksan at uminom. Ng halos mangalahati ang laman niyon ay nanglumbaba siya at tumitig sa basketball court na walang tao.
“Hindi ko naman kasi akalaing iyon ang makikita ko Jess. Sabi mo kasi masasaktan ako, kaya na curious ako..”
“Tama nga ang kasabihan, Curiosity kills a cat.”
Bumuntong hininga lang si Abby. Sino kaya yung babaeng iyon? Halos tatlong linggo na ang lumipas ng huli silang mag usap ni Vince sa burol. At nung mga huling araw ay nanliligaw sa kanya si Maxx na halos wala pang isang buwan ng makilala niya.
Gusto niyang alamin kung sino ang babaeng iyon. Mukhang kababalik lang nito sa kung saan dahil may dala itong maleta at ang ayos nito na may pagkabrown at may high lights na yellow ang buhok. Kulot kulot din ito pero nakapusod ng bun ang buhok niyon. Maganda din ang kutis. Mestisahin at maganda ang katawan. Ang totoo’y napakaseksi nito. Manipis ang pangitaas na labi ngunit katamtaman lamang ang laki ng baba ng labi niya. Iyon ang napansin niya dahil doon siya nakatitig. Sa mga labi nitong nakadikit sa mga labi ni Vince.
Dana.. napaayos ng upo si Abby ng maisip ang pangalan ng babaeng iyon.
“Ano yun Friend?” takang tanong ni Jessa.
“Iniisip ko lang sino ung girl.”
“Friend, halos mag iisang buwan na. Masaya ka naman sa panliligaw ni Maxx ha?”
“Ano ka ba? Kakakilala ko pa lang kay Maxx.”
“So? Eh gumagawa nga siya ng paraan para magkakilala kayo ng husto diba?”
“Pero hindi ko pa din maiwasang isipin kung sino ung babae.”
“Bakit ba masyado kang curious?”
Hindi nagsalita si Abby. Oo nga. Nabasted na siya ng binata at dapat nakapag move on na siya. Puppy love lamang iyon. Hindi din naman sila magkakilala ng sobra ni Vince.
“Hindi ko alam..” sagot na lang niya sa kaibigan.
Tumango tango ang dalaga. “I know why, friend.”
Napatingin si Abby kay Jessa. “Why?”
“You still love him..”
BINABASA MO ANG
Crazy in Love (COMPLETED!)
RomanceBaliw ka ba? Siya? Ayon? Tayo ? *Ang Istoryang ito ay kathang isip lamang ng nagsulat (Ako yun) Ano mang pagkakapareho sa ibang istorya at sa tunay na buhay ng isang tao, pangalan lugar o ang buong istorya ay hindi sinasadya. PAKIUSAP: Ako ay tao la...