Chapter 29
Christmas.
Masayang ibinigay ni Abby ang sampung piso sa isang batang nangangaroling. Mamayang alas dose, pasko na. Excited na siyang ibigay ang mga regalo sa mga magulang at buksan naman ang regalo ng mga ito sa kanya.
Tumingala siya at nginitian ang langit. Ang daming bituin. Masaya siya para kay Jessa dahil tinanggap siya ng pamilya niya ng buong buo. Sana nga lang sabihin ito ni Jessa kay Louise para may kasama ang kaibigan niya sa bagong chapter ng buhay niya.
“Psst!”
Bumaba ang tingin niya. Nasa harapan niya si Vince at nakapamulsa.
“Anong ginagawa mo dito?” bulong niya.
“Christmas eve ngayon, ayaw mo ba akong makasama?”
“Baka Makita ka nila mama!” Isinara ni Abby ang gate at lumabas.
“May gusto lang sana akong ibigay sayo e.” Hinugot ni Vince ang isang parihabang box na kulay pula at may ribbon na kulay puti.
“Ano to?” dahan dahang kinuha ni Abby sa kamay ng binata ang box.
“Buksan mo para malaman mo..”
Binuksan ni Abby ang box. Isang white gold necklace at may maliit na bilog at star sa loob niyon ang pendant. Napatingin siya kay Vince.
“It’s so Beautiful.”
“Mas maganda ka.” Kinuha ni Vince sa kamay ni Abby ang kwintas saka pumunta sa likod ng dalaga.
“Gusto kong ako ang magsuot nito sayo so it’ll be memorable.”
Hinawi ng binata ang buhok niya at Isinuot ang kwintas kay Abby. Napahawak si Abby sa pendant nito. Naramdaman niyang hinalikan ni Vince ang batok niya saka pumunta ulit sa harap niya.
“Tama nga ung saleslady. Bagay sayo.”
Takang tinignan ni Abby si Vince. “Ha?”
“Nadaanan naten ung store nyan. At nung bumili ako ng gamot mo, dinaanan ko. Tinanong niya kung para sa kasama ko which is ikaw. Sabi ko, oo. And then binigay niya sakin yang kwintas.”
“Nagpauto ka naman.”
“No. Gusto ko din ung pendant niya. Ako ung circle at ikaw ang star. Palagi kitang poprotektahan kasi mahal kita.”
Pinamulahan siya ng mukha. And then he held her hand at hinalikan ang ibabaw niyon. And then kissed her cheeks. Lalong pinamulahan ng mukha ang dalaga.
“Abigail!”
Napalingon sila pareho sa malaking boses na iyon.
BINABASA MO ANG
Crazy in Love (COMPLETED!)
RomanceBaliw ka ba? Siya? Ayon? Tayo ? *Ang Istoryang ito ay kathang isip lamang ng nagsulat (Ako yun) Ano mang pagkakapareho sa ibang istorya at sa tunay na buhay ng isang tao, pangalan lugar o ang buong istorya ay hindi sinasadya. PAKIUSAP: Ako ay tao la...