CHAPTER 10- Careless Man
“Sinong Vince?” nakatawang tanong ni Maxx sa kanya . Nasa bulsa ang kanang kamay nito at ang isa’y nakahawak sa bewang.
“Wala.. Anong ginagawa mo dito?” tanong niya dito. Nahawakan niya ang sariling dibdib dahil lumakas ang tibok niyon ng maisip si Vince.
“Naglalakad pauwi. Papunta ako sa terminal ng tricycle eh”
Napayuko ang dalaga “ Dun din ang daan ko.” Mahinang sabi niya.
“Kung ganun, pwede ba akong sumabay sayo?”
“Sige..” Nagpatiuna ng maglakad si Abby na nakayuko pa din.
Sumunod sa kanya si Maxx. Nakalagay na sa magkabilang bulsa nito ang dalawang kamay.
“Si Vincent Ariosa ba yung Vince na kilala mo, Abby?” maya-maya’y tanong sa kanya ng binata.
Hindi niya nilingon ang binata. Sa halip tumango lamang ito.
“Kaano- ano mo si Vince?” tanong nito.
“Kakilala..” bulong niya. Pero mukhang narinig naman ito ng binata dahil hindi na ito muli pang nagtanong.
Hanggang sa narating nila ang terminal ay nakasunod lamang ito dito.
Nilingon ni Abby si Maxx na nagulat naman sa ginawa nitong pag ikot. “Dito ang sakayan ko” Turo nito sa kulay pink na tricycle.
“Sige, ingat ka.” Sabi lang ni Maxx.
“Ikaw? Di ka pa sasakay?”
“Later. Maaga pa naman eh. May dadaanan pa kasi ako at di pa siya nagtetext.” Sabi ng binata.
“Ahh, Sige. Ingat ka na lang. Salamat sa pagsabay ha?”
Hindi na hinintay pa na magsalita si Maxx . Tumalikod siya at nag-umpisa ng maglakad palapit sa tricycle.
“Anong pinaplano mo?”
Napalingon si Maxx ng marinig ang boses na iyon. Naglalakad siya sa kalye pauwi sa bahay nila. Medyo madilim ang lugar dahil malayo ang distansya ng poste ng ilaw sa isa’t isa.
“Vince.. What are surprise?” Maxx spreaded his arms as if he’s going to hug him.
“Quit fooling around Maxx . Alam nating pareho na hindi totoo yang gagawin mo.”
Ngumiti si Maxx at binaba na ang dalawang braso.
“Well, Kahit kelan talaga magaling ka pa ding manghula.”sarkastikong saad ni Maxx.
“Bakit mo sinabayang maglakad si Abigail? Anong kailangan mo sa kanya?”
“Nakikipagkaibigan ako sa kanya, Vince. Sinabayan ko lang siya sa terminal ng tricycle since dun din ako pupunta.”
Bigla lumapit si Vince kay maxx at hinaltak ang kwelyo ng uniform nito.
“Sinabi kong wag mo siyang lalapitan maxx!” mahinang sabi ni Vince pero may diin doon na parang ano mang oras ay sasabog siya.
“Bakit Vince? Natatakot kang maagaw ko siya sayo? Bakit? Natakot ka ba noon nung sinabi kong gusto ko si Dana at niligawan mo siya?” sabi ni Maxx na titig na titig sa binata.
Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak ng binata sa kwelyo ni Maxx at yumuko.
“Hindi mo mahal si Abigail, Maxx. Don’t hurt her.”
“Panu ka nakakasigurong hindi ko mahal si Abby, Vince? She’s charming and beautiful. Hindi mahirap mahalin ang tulad niya.”
“Don’t dare touch my woman, Maxx! Don’t dare!” tinitigan ni Vince sa mata si Maxx na parang nanghahamon.
“Those were my lines back then, Vince. Déjà vu, isn’t it?”
Hindi nakaimik si Vince kaya nag tuloy sa pag sasalita si Maxx.
“You had your chances, Vince. I told you before, ipaghihiganti ko ang pang aagaw mo sakin kay Dana. And while you are playing with that pleasant little girl, sinusubaybayan kita. I don’t know what you’re up to, but I saw that you loved her. Hindi ko lang alam kung bakit hindi kayo nagtuloy. Anyway, I think I’m attracted to her, so maybe I’ll just pursue her.” Tumalikod na si Maxx sa kanya at naglakad. Ngunit tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya.
“Oh dear Vince. It seems like hindi ito ang oras mo. Don’t call her your girl anymore. Kasi hindi siya kailanman naging sayo, at hindi magpakailanman.” Matapos sabihin iyon ay nagsimula na ulit itong maglakad.
Nakuyom na lang niya ang kamao at yumuko .
Kakatapos lang maligo ni Abby. Init na init siya ng makauwi. Kumain at nagpahinga lang siya . Nang matapos maghugas ay naligo na siya.
Nagpapatuyo siya ng buhok ng mag ring ang cellphone niya.
“Hello?” sabi niya matapos pindutin ang button para sa pagsagot sa tawag.
“Hi!”
Isang lalaki ang tumawag sa kanya. Tinignan niya ang screen saka binalik ang aparato sa pagkakadikit sa tenga. Hindi naka record sa contacts niya ang number.
“Who’s This?” tanong niya dito at umupo sa gilid ng kama.
“It’s Maxx..”
Nagulat siya. Hindi niya binigay ang number niya dito. O kahit na nga kay Vince eh.
“Panu mo nalaman ang number ko?”
“May number ka kay Louise, kaya kinuha ko.Actually, siya yung dinaanan ko kanina.”
“Bakit mo naman kinuha?”
“Gusto kitang makausap. Para makilala pa ng husto..”
Parang kinabahan siya ng marinig iyon.Bakit naman siya gustong makilala nito ng husto?
“Bakit mo naman ako gustong makilala ng husto?”
Saglit na tumahimik ang kabilang linya.
“You want to know the truth?”
Gusto niya nga bang malaman ang totoo? Napapikit siya at napahiga. Nilagay ang kaliwang braso sa noo.
“What truth?”
“Gusto kitang ligawan. Pwede ba?”
Nanlaki ang mga mata ni Abby saka mabilis na napaupo, “WHAT??”
BINABASA MO ANG
Crazy in Love (COMPLETED!)
RomanceBaliw ka ba? Siya? Ayon? Tayo ? *Ang Istoryang ito ay kathang isip lamang ng nagsulat (Ako yun) Ano mang pagkakapareho sa ibang istorya at sa tunay na buhay ng isang tao, pangalan lugar o ang buong istorya ay hindi sinasadya. PAKIUSAP: Ako ay tao la...