Chapter 16- The deal

332 6 0
                                    

CHAPTER 16 – The Deal

Naalimpungatan si Abby ng hapong iyon. Tantiya niya’y Alas kwatro na ng hapon. Nakaidlip pala siya. Nakaramdam siya ng pagkirot sa kanang talampakan. Marahan siyang napaupo saka kinapa iyon. Nang makita niya ang bandage na nakabalot sa sugat niya’y naalala niya ang pagkarga sa kanya ni Vince at ang amoy usok na buhok nito.

Napangiti siya. Concern pa din sa kanya ang binata kahit binalaan nito na wag ng mahalin pa. Kahit na gusto niyang sundin si Jessa na isuko na si Vince ay pakiramdam niya, hindi niya iyon kayang gawin.

Nang maalala ang kaibigan ay maingat na bumaba siya na kama at paika ikang lumakad papunta sa pinto. Hindi naman na masakit ang paa niya. Pero natatakot siyang baka sumakit iyon pag tinapak niya sa sahig. Siguro bukas ay okay na din ang paa niya.

Nang mabuksan ang pinto ay napatingin siya sa labas. Nandun pa din ang mga kaibigan. Nag aasaran ang mga ito at nagtatawanan. Malapit ng magsunset. Halata sa langit ang pagtatago ng araw dahil nagbabago na ang kulay nito. Nang akma siyang lalabas sa may veranda para lumanghap ng hanging dagat ay napansin niyang nakaupo si Dana sa isa sa mga upuan sa veranda. Agad niya itong nilapitan at naupo sa katabing upuan nito.

“Hi!” masigla niyang bati kay Dana. Napatingin naman sa kanya ang dalaga, pero kahit nakangiti ito ay bakas sa mata nito na umiyak ito.

“Hello..” mahinang sabi lang ni Dana saka binaling ulit ang tingin sa malawak na dagat.

“Kamusta? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?” tanong ni Dana sa kanya ng hindi na siya muling nagsalita pa.

“Oo. Wala na ding sakit tong sugat ko.” Nakangiti pa ding sabi ni Abby na tumingin na din sa malawak na dagat.

“Nasabi nga sakin ni Vince ang nangyare sayo. Mabuti at hindi bumaon ng husto. Pinakakita kasi sakin kanina nila Jessa ung bubog, eh halos ¼ nun, pumasok sa paa mo.”

“Naku, hindi ko tinignan ung bubog, Baka himatayin ako sa takot.”

Natawa silang pareho.

“Kamusta na kayo ni Maxx?” seryosong tanong ni Dana.

Napatingin si Abby sa dalaga na nakatingin din sa kanya. Si abby na din ang nagiwas ng tingin.

“Magkaibigan lang kami.” Sagot ni Abby.

“ganun ba? Pero hindi iyon ang nakikita ko..”

“Nanliligaw siya. Pero hindi ko pa siya sinasagot.”

“Bakit hindi mo siya sagutin ? Napakabait na tao ni Maxx.”

Natigilan si Abby. Totoo ang ssinasabi ni Dana. Napakabait nga ni Maxx at lagi itong nakaalalay sa kanya kahit na hindi siya tumutugon sa mga panliligaw nito.

“May mahal ka na sigurong iba..” pagpapatuloy ni Dana ng hindi sumagot si Abby.

“Mali ka. Wala lang kasi akong panahon sa mga ganun. Nangako ako sa mga magulang ko na magtatapos ako ng pagaaral. Siguro’y pwede ko ng sagutin si Maxx kapag tapos na ako sa kolehiyo.” Hindi naman siya nagsisinungaling. Talagang nangako siya sa mga magulang na magtatapos ng pag-aaral. Pero may isa pang dahilan kung bakit hindi niya sinasagot si Maxx.

“Napakabait mo naman pala. Kaya ka siguro nagustuhan ni Maxx. Anyways, alam mo ba na dati kong boyfriend si Vince..”

Hindi nanaman nakasagot si Abby. Saglit na nag-isip. Dapat ay hindi malaman ni Dana na mahal niya si Vince. Bakamagalit ito sa kanya. Mabait ang dalaga at masayahin. Siguro’y hindi lang sila nagkaintindihan ni Vince noon. At ngayon, magkakabalikan na sila . Lalo na ngayon na magkasama sila sa iisang kwarto sa buong bakasyong ito.

“Hindi. Hindi ko alam. Kasi nagkikita lang kami sa school at mabibilang lang sa kamay kung ilang beses kaming nag-usap.”

“Ganun ba?” saglit na tumigil si Dana saka nagsalita ulit. “Nasaktan ko siya noong nagpunta ako sa Amerika. Gusto kong bumawi at bumalik kami sa dati..”

“Hmm, Eh di gumawa ka ng paraan..”

“Abby, Napakamailap ngayon ni Vince. Hindi siya naniniwala sakin. Pero kung tignan niya ako’y parang mahal pa niya ako. Siguro’y natatakot lang siya na baka maulit yung dati. Pero pinapangako ko, hindi na ako aalis kung tatanggapin niya akong muli..”

Napayakap sa binti si Abby at pinahinga ang baba sa mga tuhod. “Hindi ko alam ang sasabihin ko, Dana. Hindi pa kasi ako nagkakarelasyon kaya hindi ko alam kung panu i-handle yang mga ganyang problema..”

“Pwede mo ba akong tulungan? Gusto kong maging close ulit kami ni Vince na tulad ng dati.” Napaayos ng upo si Dana at humarap sa kanya. Lumingon lang si Abby sa dalaga.

“Ano namang magagawa ko para sa inyo?”

“Anong ginagawa mo dito ? Magpahinga ka nga dun!” bulyaw sa kanya ni Jessa ng makita siyang nasa may buhanginan at nakaupo sa harap ng dagat. Sunset na. At napakaganda ng langit. Malamig din ang simoy ng hangin at parang kinakalma na ang puso’t isip niya.

“Bakasyon to Jess. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa mga ganitong lugar?”tanong niya dito. Tumabi sa kanya si Jessa at tumingin din sa walang katapusang dagat.

“Alam mo, kung di ka lang binuhat ni Vince kanina at alam kung maganda ang mood mo dahil doon, papabalikin kita sa loob para ipahinga yang sugat mo.” Siniko pa siya ng kaibigan sa tagiliran.

Nginitian niya ito saka tumingin ulit sa dagat. Napabuntong hininga siya.

“May problema ba ?”tanong sa kanya ni Jessa. Bakas ang pagaalala sa mukha nito.

“Nagpapatulong si Dana na mapalapit kay Vince.”malungkot na tugon niya.

“Tumulong ka naman?”

“Oo. Sabi niya, mukhang mahal pa siya ni Vince. Kaya nga siguro ako binasted nun kasi mahal pa niya si Dana diba?”

“Hindi ko alam kung anong balak niyong dalawa. Pero sa gagawin mo, masasaktan ka lang..”

“Alam ko, pero para naman iyon kay Vince.”

“Ikaw ang bahala jan, Abby. Alam mo, napaka martir mo na. Dapat ka ng koronahang Miss Martir.”

Natawa siya sa tinuran ng kaibigan.

“Pero alam mo, parang hindi mo naman na kelangang gawin pa yung tulong na hinihingi ni Dana.” Pagkuwa’y sabi ni Jessa.

“Bakit?”

“Kanina kasi, habang nagsuswimming, Okay naman sila. Nagtatawanan kami. Para pa nga akong nanunuod ng telenovela eh. Naghahabulan sila sa may buhanginan. Naiimagine mo ba? Ung tipong nag s-slow mo pa?” Natawa si Jessa at parang naimagine naman nito ang kinukwento sa kaibigan.

“Sira ka talaga.” Natatawa ding sagot ni Abby. “Hindi ko na din alam yung gagawin ko. Siguro nga, dapat ko ng kalimutan si Vince at ibaling ang tingin ko sa iba..”

“bakit ka pa lalayo? Nanjan na si Maxx oh..”

“Masyado mo namang nilalakad si Maxx sakin. Nagpapatulong ba yun sayo?”

“Nope. Mas feel ko lang na mas bagay kayo at mabait yung tao.”

“Ewan ko sayo. Wala akong panahon sa mga ganyan..”

“Kaya pala nag confess ka kay Vince?"

“Nang-aasar ka nanaman ee.” Bahagyang kinurot ni Abby si Jessa sa tagiliran.

“Aray ha!” kinilit ni Jessa sa tagiliran si Abby. Maya-Maya pa’y nagtatawanan na ang dalawa dahil sa kilitian ng mga ito.

Crazy in Love (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon