Chapter 27 - Taking Every part of you (SPG)

356 5 0
                                    

CHAPTER 27

Bumuntong hininga si Abby habang hinuhugasan ang mga plato na ginamit nila sa pagkain. They were so intimate kanina. Parang nahapo siya sa naramdamang sensasyon sa katawan. Napakabata pa niya at halos wala pa siyang karanasan sa mga ganitong bagay. Pero pakiramdam niya’y alam na ni Vince ang lahat sa kanya. Sa bawat hawak pa lamang sa kanya ng binata ay parang gusto ng bumigay ng tuhod niya.

Matapos hugasan ang mga plato ay nagmamadaling umakyat si Abby sa kwarto ni Vince. Nakaupo lang si Vince at nagbabasa ng isang comic book pero nang pumasok siya’y inilapag nito iyon sa computer table.

“Tapos ka na ba? Pwede ka ng magpahinga..” masuyong sabi ni Vince na nakangiti sa kanya.

“Hindi pa ako napapagod. May gagawin ka pa ba?” sabi lang ni Abigail saka lumapit sa kama ng binata.

“Wala naman. Magpahinga ka na sa guest room. Magpapalit lang ako ng damit.” Tatayo na sana si Vince mula sa kama ng magsalita muli si Abby

“Tutulungan na kita.” Natigilan si Abby sa sarili. Panu naman niya tutulungan ang binata sa pagpapalit?

“Sigurado ka?” nananantiyang tanong ni Vince at titig na titig sa kanya.

“Oo.” Nakayukong sabi ni Abby.

“Okay. Merun akong isa pang pair ng pajamas sa Cabinet. Nandun na din ung briefs..” bulong lang ang huling sinabi ni Vince na umiwas ng tingin sa kanya.

Madali siyang pumunta sa built-in wooden cabinet at binuksan lang ang kanang bahagi. Nakita niya kaagad ang sinabi nitong isang pair pa ng Pajamas. Sa pinaka baba ay isang Cabinet na de-hila. Binuksan niya iyon at tumambad sa mata niya ang mga briefs socks at mga bimpo ng binata.

Nanginginig siyang kumuha ng isa saka bumaling na sa binata na nakangiti sa kanya.

“Ako na ang magpapalit ng damit mo.” Sabi ni Abby na mabilis na dumatin sa tabi ng binata.

Bago pa makareact si Vince ay tinatanggal na ni Abby ang butones ng pajamas ni Vince. Napansin niya ang bimpo na nasa plangganang may tubig. Matapos niyang mahubad ang pang itaas ng binata kay kinuha niya ang basang bimpo, piniga, at pinunas sa mga braso at leeg ng binata.

“What are you doing?”  natatawang sabi ni Vince.

“Winawash ka. iniwan yan nung katulong niyo kanina. Pang wash mo daw. Kaya yan.” Pinilit ni Abby na ngumiti kahit na nanginginig siya.

“Nanginginig ka. Are you cold?” hinawakan ni Vince ang kamay ni Abby na may hawak na bimpo. Para namang napaso na iniwas ni Abby ang kamay niya.

“I’m Fine. Ikaw ang hindi kaya, wag ka ng magulo.”

“You’re nervous dahil nakita mo nanaman ang katawan ko.”

Nanlaki ang mata ni Abby saka napatayo. “Siraulo ka. Ikaw na nga lang tong inaalagaan ikaw pa may ganang mangasar!” Naglakad na si Abby palapit sa pinto.

Crazy in Love (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon