Chapter 2 Saving you..

584 9 0
                                    

Chapter 2 - Saving you..

“Ang cute naman ng aso mo..” malambing na sabi ng ina na kinuha agad sa kanya ang aso pag pasok pa lang niya sa pinto.

Pumasok siya sa kusina at naabutan ang ama na nagluluto ng ulam. Nakakakilos naman ito ngunit minsan nauutal sa pagsasalita dahil sa epekto ng stroke.

“Oh anak nandito ka na pala. Magpalit ka na ng damit mo at kumain ka na.” Tinitigan siyang mabuti ng ama . “Bakit ang putik ng damit mo , iha?” sabi ng ama na lumapit sa kanya.

Maya maya lumitaw ang ina mula sa sala dala ang aso. “Dala niya Ricardo.” Ang tinutukoy ay ang aso na tumahol at nagwagwag ng buntot. Laylay ang dila niyon at parang tuwang tuwa sa napuntahang lugar.

 “San mo naman ito nakita iha?” Hinimas ng ama ang noo ng aso na nagustuhan naman niyon.

 “Sa tabing ilog ho.” Sabi niya. Pinagisipan na niyang wag ng sabihing si Vince ang nakakita sa aso. Ayaw na niyang mag isip pa ng kung ano ang ama.

 “At anong ipapangalan mo sa kanya?” tanong ng ama na nawili na din sa aso.

 “Gailee po.” Sagot niya at saka ngumiti. Nasa tricycle siya ng maisip ang pangalan para sa aso. Sa kanya galing ang Gail. At ung ‘ee’ Ay kinuha niya sa pangalan ng binata.

Nginitian siya ng ama at saka binalingan ang aso “Hi Gailee. Welcome to the Family.” Sabi ng ama . nakangiti din ang mama niya . Isang malakas na tahol lang ang isinagot ni Gailee at nasundan iyon ng tawanan nilang mag-anak.

 “Kamusta na si Gailee ?” Sabi ni Jessa. Tatlong linggo na ang lumipas matapos silang magkita ni Vince sa ilog at makuha niya si Gailee.

“Ayon, makulit na . At home na sa bahay. Mas gusto siyang pakainin ni mama kesa sakin.” Sabi ni Abby matapos dumila sa hawak na ice cream.

Natawa ang kaibigan. “Matakaw ka daw kasi pero hindi ka naman daw tumataba.”

“Maganda yun nu. Para seksi lang palagi.” Natawa na ding sagot ni Abby.

Dalawang oras silang bakante. May mga meeting ang mga guro tungkol sa gaganaping Senior’s ball tatlong buwan mula ngayon.

Papunta na sila sa tambayan nilang magkaibigan. Sa may bukid na may kubo at maliit na punong mangga sa tabi niyon. Maaliwalas doon at komportable dahil tahimik. Sila lang ang pinapapasok ng may ari na si Manong Lucio dahil ang asawa nito ay katiwala nila Jessa sa bahay nila.

Ng malapit na sila sa kubo ay nakasalubong nila ang nagtutumpukang grupo ng mga lalaki. Mga kaklase ni Louise. At mukhang nandun din si Louise.

Parang bumilis ang puso ni Abby ng makita ang isa pang kasama ng mga ito. Si Vince. Mukhang maglalaro sila dahil nagtatawanan ang mga ito.

“Diba si Louise iyon?” sabi ni Jessa na tumigil sa pagkain ng ice cream. “Louise!” tawag ng dalaga sa nobyo na sinabayan pa ng kaway at mabilis na lakad.

Nilingon ni Louise and tumawag sa kanya at napangiti . Sinalubong niya ang nobya. Mabilis ding sumunod si Abby.

“Anong ginagawa niyo?” tanong ni Jessa.

“Maglalaro kami. Gusto niyong sumali?” sabi ni Louise na nginitian din si Abby. Ngumiti din sa Abby sa binata.

“Pwede ba ? Anong laro niyo? Si Jessa na nababakasan na ng pagka interes.

“Cops and Criminals. May mga pulis, huhulihin ung mga criminals. Pag nahuli lahat ng criminals, may parusa.” Pagpapaliwanag ni Louise.

“Sige, Sali kami ni Abby!” sigaw ni Jessa.

“Jessa..” saway ni Abby na nahihiya dahil parang may nakatingin sa kanyang ayaw niyang tignan.

“Come on, Abby. Di ka KJ..” sabi ng kaibigan na tumakbo na sa grupo na iyon ng mga kalalakihan.

Mayaman si Jessa. Pero one of the boys ito. May ari sila ng isang rancho at malaking lupain sa Bayan ng Pelidos tinrain ito ng ama na mangabayo. Minsang bumisita siya sa mansion ng pamilya ni Jessa ay tinuruan siyang mangabayo nito. Agad naman siyang natuto.

Walang nagawa si Abby kundi ang lumapit na din at makipag “maiba taya” sa sampung mga lalaking iyon.

Isa siya sa mga criminals. Pati si Vince at apat pang mga lalaki. Si Louise at Jessa ay mga pulis. Nagbilang na ang mga pulis na isa hanggang sampu para makatago ang mga criminals. Naisip ni Abby na magtago sa likod ng puno ng mangga at napapaligiran ng mga damo.

Nagulat siya ng may humawak sa braso niya. Nilingon niya iyon at nakitang si Vince pala at doon din nagtatago.

“lilipat na lang ako..” bulong niya. Akmang aalis siya nang pigilan siya ni Vince. Hinawakan siya sa braso nito.

“wag na. Baka may makakita pa sayo. Pahihirapan ka ng mga yon sa parusa nila.” Sabi ni Vince na bumubulong din.

Nanahimik na lang si Abby. Naupo at niyakap ang mga binti. Si Vince naman ay nag Indian sit at tumingala.

“Kamusta na iyong aso?” tanong ni Vince sa kanya.

 “okay naman. Makulit nga siya ee. Palagi siyang pinapagalitan ni papa dahil nagpupupu sa loob ng bahay. Pero ngayon, marunong na siyang magpupu sa labas.” Nakangiting kwento ni Abby na hindi tinatanggal ang paningin sa lupa

 “Talaga? Mabuti naman. Natutuwa ako na mabuti siya. Ano nga palang pangalan niya? ” Tanong ng binata.

Natigilan si Abby. Malalaman niyang pinagcombine niya ang pangalan nilang dalawa ng binata. Pero, naisip niyang hindi naman na siguro ito maaapektuhan since ang binata naman ang nakakita sa aso.

“Gail—“ Naputol ang sasabihin ni Abby ng yakapin siya ng binata at takpan ang bibig.

 “Shh. Anjan sila..” bulong ng binata sa kanya

 Bumilis ang tibok ng puso ni Abby. Napakalapit nila sa isa’t isa. Nararamdaman niya ang hininga nito sa tenga niya. Pati na din ang malakas na tibok ng puso ng binata ay ramdam niya sa likod niya.

 “Wala sila dito..”

 “Dito sila nagpunta ee. Nakita ko..

 “Hanapin mo sa mga damuhan..”

Narinig nilang sabi ng dalawang lalaki.

“Mukhang mahahanap nila tayo.” Sabi ng binata na niluwagan na ang pagkakatakip sa bibig niya.

Pinilit niyang tanggalin ang kamay ng binata. “Anong gagawin naten?” tanong niya at humarap dito. Nakatingala ang binata. At kapag bumaba ang tingin nito’y baka may mangyaring hindi niya magustuhan dahil sa lapit ng mukha nito. O hindi nga ba niya gusto?

Bahagyang lumayo si Abby ng pakiramdam niya’y nag iisip si Vince ng strategy para makaligtas sila.

“Lalabas ako. Kapag may isang hindi nakitang criminal sa loob ng nakatakdang oras, panalo tayo. Kaya dito ka lang, maliwanag?” sabi ng binata na nakaconcentrate sa bulungan. Palapit ng palapit ang mga iyon.

“Pero Vince..” nag aatubiling sabi ni Abby na nakakalimot ata na laro lamang iyon..

“Dito ka lang.. Ayan na sila..” At bago pa man siya makabigay ng reaksyon ay tumayo ang binata mula sa pinagkakatayuan .

“Si Vince! Huli ka!” narinig ni Abby na sabi ng isang lalaki na nilapitan agad si Vince at hinila papunta sa base.

Nalubog sa pag iisip si Abby. Niligtas siya ni Vince. Nag sakripisyo si Vince para di siya mahuli. Natutuwa ang puso niya. Kailangang bumawi siya sa ginawa ng lalaki. Ililigtas niya ito para maiwasan niya ang parusa. Tama nga.

Humugot na malalim na buntong hininga si Abby. Kinuyom niya ang mga palad at saka mabilis na tumayo.

 “Si Abby!” narinig niyang sigaw ni Jessa. Pero hindi niya tinignan iyon. Nakatitig siya kay Vince na nasa loob ng isang malaking bilog na ginuhit ng isang chalk. Naka Indian sit at nakita niyang nagulat ito sa paglabas niya.

 “VINCEE!” Sigaw niya habang tumatakbo palapit sa binata. Ililigtas niya ang binata kahit ano pa man ang mangyare…

Crazy in Love (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon