MACKY
Wala munang mga pumasok na teachers sa amin busy tungkol doon sa nangyari kanina.
"Okay everyone , we'll start the meeting", panimula ni Iyanna.
For the first time, ito ang unang meeting namin na halos walang umiimik.
It was all pure silence.
"Kat, pwede ba i-kuwento mo sa amin ang nangyari? Kung paano mo nalaman na nandun si Naz? At kung anong ginagawa mo sa science lab.?", sunod-sunod na tanong ni Iyanna.
" huwag mo naman siyang takutin Iyan", saad ni Natalia bago yakapin si Katrina.
"Hindi naman ako nananakot ha? Ba't ka ba natatakot?", hmm...I smell a fight here.
" Pwede ba! Papunta na ako sa taas noon kaso bigla akong tinawag ng Adviser natin, inutusan niya akong kumuha ng isang microscope doon daw sa cabinet na yan tapos dalhin ko na lang daw sa office niya kaso...kaso...", pagpapaliwanag ni Katrina na Hindi niya na rin natapos dahil umiyak nanaman siya. Halatang takot na takot siya.
"Inutusan ka ni ma'am Santos? Eh wala na si ma'am diba?", nagtatakang tanong ni Aedrian.
" Ano to? Nasa horror film lang tayo? Ano? Tayo ang bida? Hahaha ", pagpapatawa ni Sanje.
" Walang nakakatawa dun tsk!", pagtataray ni Zoephia.
"Yes, tayo nga bida pero ang mas mahalagang malaman ay kung sino ang killer?", saad ni Iyanna habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
Hindi namin alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Nakakatakot.
Masikreto.
" Hindi kaya ikaw ang killer? Iyanna?", biglang nagsalita si Arianabel.
"Yah! Huwag nga kayong mambibintang na lang Jan", pagtatanggol ni Zevix.
" Bakit ba?! Siya lang naman yung hindi umiyak kanina. Siguro nga siya ang may pakana nito, pwes Hindi to nakakatawa Iyanna. Kaya tigil-tigilan mo na kami!", saad naman ni Samantha.
Akala ko ba bestfriends sila?
"Hindi ko akalaing sainyo pa manggagaling ang mga yan, masyado kayong nagpa-control sa pesteng killer na yan. Gusto niyang makipaglaro pwes, ipapakita ko sakanya kung paano to laruin", saad ni Iyanna bago lumabas ng classroom.
Sinundan naman agad siya ni Alexander, Zevix, at Ciara.
Sino ba kasi ang killer na yan?!
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerSa isang klase normal na ang mga maiingay at mga magulo mong kaklase. Pero, normal ba na sa isang klase may patayan? Ano kayang mangyayari sa kanila? Malaman kaya nila kung sino ang killer? At kung bakit niya ito ginagawa?
