ALEXANDER
Si Nazzie ba talaga yung nakita ko? Patay na siya diba?
Naku naman Alexander, guni-guni mo lang yan.
Makauwi na nga lang.
***
Hanggang ngayon wala pa ring pumapasok na teachers sa amin.
Aish! Di pa rin talaga matanggal sa isipan ko yung nangyari kahapon.
Nazzie
Nazzie
Nazzie
"Huy! Lex, okay ka lang? Kanina ka pa mukhang ewan Jan eh"
"Ahhh!!!", sigaw ko.
Si Iyanna lang pala, akala ko kung sino na.
"Okay ka lang ba?", tanong niya habang pinapakalma ako.
" O-oo o-okay lang a-ako", nauutal Kong saad.
"Aba! Sinong niloko mo?", sabi niya sabay batok sa akin.
" Eh! Kasi naman, Wag mo ko pagtatawanan...na-nakita ko si Nazzie kahapon"
"Eh? Patay na siya diba?", nagtatakang tanong niya.
" Hayaan mo na ako baka guni-guni ko lang yun si-sige na muna Iyanna CR muna ako", pagpapaalam ko.
Habang nasa CR ako bigla na lang akong may narinig na ingay galing sa CR ng mga babae.
Ano naman kaya yun?
"Please! Please, huwag!"
"Hayaan mo na kami just freaking move on!"
"Walang kayo! Crush mo lang siya diba pero sorry ka ako yung gusto niya!"
"Jan ka lang naman magaling eh! Duwag ka ! Baliw! Layuan mo a-"
Bigla na lang nawala yung sigawan.
Kinilabutan ako kaya bumalik na rin ako sa classroom.
"Antagal naman mag-cr ni Arianabel, may UTI ba yun? TSS sabi niya pupunta na kaming canteen eh", pagmamaktol ni Katrina.
"Sandali! Nag-CR siya?", huwag naman sana.
" Bingi ka ba? Kakasabi ko pa lang diba?", taray tsk!
Hindi ko na siya pinatulan at tumakbo na papunta sa CR ng mga babae kanina sumunod na rin yung iba sa akin.
"Freaking fudge the heck!"
"A-alexander ano ba nangyari sa...ARIANABEL!", sigaw ni Katrina.
Patay na siya.
Mulat ang mga mata niya. Nakatali ang mga kamay at paa. Yung bibig niya rin may butas at may nakasabit na kandado. Sa noo niya may nakadikit na note.
'Masyadong maingay...pinatahimik ko na. Bait ko diba? Ang landi pa! Buti lang yan sa kanya hahahaha! Love all of you...'
Peste! Kasalanan ko to eh! Dapat pumasok na ako doon kanina pa e di sana buhay pa ang kaklase ko.
Napaupo na lang ako doon sa may CR.
Kasalanan ko to.
Kasalanan mo to Alexander.
Kahit kelan wala ka nang nagawang tama!
Kasalanan mo to!
Dapat ikaw na lang namatay eh!
" Bro, Tara na", saad ni Zevix.
Nagtipon-tipon kaming lahat sa classroom.
"Guyz, tingnan niyo yung class list"
![](https://img.wattpad.com/cover/129213949-288-k59365.jpg)
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerSa isang klase normal na ang mga maiingay at mga magulo mong kaklase. Pero, normal ba na sa isang klase may patayan? Ano kayang mangyayari sa kanila? Malaman kaya nila kung sino ang killer? At kung bakit niya ito ginagawa?