Chapter 15

9 0 0
                                    

IYANNA

Imbes na ako ang matakot, mukhang ang killer ang natakot.


Or should I say utusan lang ng killer.



Habang paikot - ikot ang utusan, abala naman ako sa pagtanggal ng tali sa kamay ko.


Hindi niya yata nahalata na Hindi na nakatali ang mga kamay ko dahil una, parang balisa na siya at pangalawa, medyo madilim dito dahil isang ilaw lang ang nakabukas.


Napatalikod siya at tumingin sa may bintana. Mukhang ito na ang perfect timing.

Naglakad ako papunta sa kanya, kumuha ako ng isang test tube at binasag ito. Napalingon agad siya sa likod at nanlaki ang mata.

Sasaksakin niya na sana ako pero sinipa ko ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang kutsilyo tsaka hinarang ang braso ko sa leeg niya at nakaturo sa may leeg niya ang basag na test tube.


"Iyanna! Patayin mo na siya ano pa bang hinihintay mo?!", sigaw ni Macky.

" Asan siya?", tanong ko.

"Hindi ko alam kung sinong tinutukoy mo", sinampal ko siya dahilan para dumugo ang mga labi niya.

" Huwag kang magmaangmaangan! Sino ang killer?!", sigaw ko.


"Hindi ba't siya ang killer Iyanna?", nagtatakang tanong ni Ciara.


Napangisi bigla ang utusan na to.

" Tama nga siya, matalino ka at maraming alam! Pinahanga mo 'ko pero Hindi pa rin sapat na dahilan yun para sumuko ako sayo!", tinuhod ko ang Tiyan niya.




Brutal ko no? Ha! Mabait pa 'ko niyan.


"Gusto mo ba talagang mapatay? Sa harap ng... Best friend kuno mo? Hahaha!", pang-aasar ko nanaman.

" Sabi nang -", naputol ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang mga ilaw.

"O-okay pang ba kayo?!", tanong ni Alexander.


Magkakasama sina Natalia, Zevix, Alexander, at Nicola. Hinihingal at puro pawis.

" Iyan ba ang killer?!", susugurin na sana ni Nicola ang babaeng to pero pinigilan siya ni Alexander.

Sina Natalia at Zevix naman pinapakawalan yung tatlo.


***

Dinala namin sa classroom ang utusan na yun.

Iginapos namin siya sa isang upuan.

"Pasalamat ka di ka napatay ni Iyanna", saad ni Aedrian habang hinihimas ang left wrist niya dahil sa higpit ng pagkakatali kanina.

"Pero ikaw ha! Tinakot mo Kong bruha ka akalain mong nagrequest ka na kaming tatlo ang patayin at inulit-ulit mo pa ha?! Sabunutan kaya kita?!", pagtataray ni Aedrian.


Natawa na lang kami pero nabaling ang tingin ko sa utusan na to.


" Alam ko naman kasing pag si Ciara ang pinauna ko, gagawin niya talaga, ganun din sayo Aedrian. Pero para fair, kayong tatlo na lang. Alam ko naman na di niya yun magagawa dahil matalik na kaibigan niya si Macky ever since ", saad ko.


" Shut the hell up!", sigaw ng utusan na to.


"Shut the hell up mo to! Sapakin kaya kita?!", nanggagalaiti na sa galit si Nicola.


" Hmph! Tama na nga yan!", sigaw ni Natalya.








"Oo nga naman, tigilan na natin to kaya ikaw sabihin mo na kung sino ang killer....Katrina"






SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon