IYANNA
Hanggang ngayon wala pa ring pumapasok na teacher sa amin. Pati yung mga teachers namin na never umabsent kahit nga siguro may bagyo andito pa eh...ngayon, wala.
Natakot na rin siguro sila.
Pagpasok ko lahat sila nagsitinginan.
Yung iba naman nagbubulungan.Napansin kong nakapaskil na sa harap ng blackboard yung class list na binigay sa amin ni ma'am Santos.
"So, sino ngayon ang target ng killer?", saad ni Arianabel sabay tingin sa akin.
Dukutin ko yang mata niya eh. TSS.
" Guyz...he-help"
Napatingin agad kami sa may pintuan.
"Oh my! Ambrouse! Anong nangyari sayo?! Sino may gawa nito...tell us!", sigaw ni Samantha.
Anong nangyari sa kanya? Duguan siya at puro hiwa ang mukha.
Tapos may nakaukit sa noo niyang 'Dos'.
Naunahan niya nanaman kami.
"Si...si..." , Hindi niya na natapos yung sasabihin niya nang biglang bumula yung bibig niya.
"Good morning guyz!" , napunta naman ang atensyon namin Kay Ciara. As usual late nanaman siya.
Bakit ba lagi na lang tong late eh ang lapit lang naman nang bahay niyan?
"Oh my goodness! Anong nangyari Kay Ambrouse?! Sino may gawa nito?", saad niya.
"Killer", tipid Kong sagot.
"Nakakadalawa na siya, tama nga siya iniisa-isa niya tayo", nabaling ang tingin namin Kay Alexander.
" What do you mean Lex?", tanong ko.
"Kahapon may nakita kaming note sa bulletin board, galing sa killer", pagpapaliwanag ni Alexander.
" Note? So ibig sabihin siya ang nagsulat...baka naman mahalata natin yung handwriting niya", saad ko.
Napailing naman bigla si Alexander.
"Halatang planado to ng killer, Printed yung note na nilagay niya doon ", napayuko na lang ako.
Ano ba kasing ginawa namin para gawin niya sa amin to?
*recess*
Nag-cr muna ako bago bumili ng pagkain.
Habang naghuhugas ako ng kamay...
" sino yan?! ", napansin Kong parang may dumaan sa likod ko.
Tumingin - tingin ako sa paligid pero wala naman. Weird.
Naglakad na rin ako papuntang classroom. Kinilabutan ako doon. Nawalan na rin ako ng gana kumain.
" Aray!", bigla na lang may nakabangga sa akin.
"Ciara?!", saad ko.
" Ay ikaw pala beshie! Sorry ha nagmamadali kasi ako...magsi-cir lang ako", sabi niya.
"Anong nangyari sayo? Ang haggard mo masyado...first time.", ano bang nangyari dito? Ang gulo ng buhok, punit sa gilid ang uniform, at balisa. Akala mo may humahabol sa kanya.
Hindi naman siya ganyan eh.
May sikreto ba siyang tinatago?
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa klase ko.
" Iyan, okay ka lang ba? Wala naman bang nangyaring masama sayo? Sa susunod wag ka nang aalis mag-isa ha?", bigla akong hinila ni Alexander papasok.
"A-anong nangyayari?! Huy!", tanong ko sa kanya.
" Wa-wala na si Princess at Rye" , saad niya.
"A-ano?! Anong ginawa sa kanila? Kelan pa? Saan? Paano niyo nalaman? Asan na sila?!", sunod-sunod na tanong ko.
Masyado akong nabigla. May pagka-sarcastic yun si Princess pero Close ko yun eh! Si Rye naman di ko masyado close pero seatmate ko din yun sa ilang subjects eh.
Di ko na alam kung anong gagawin ko.
" Shhh", niyakap ako ni Alexander. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko.
Dinala niya ako sa may labas.
"Okay lang yan, Iyanna. Kelangan mo din umiyak at ilabas ang nararamdaman mo Hindi yung palagi mo na lang tinatago. Don't worry andito lang ako", saad ni Alexander habang pinaglalaruan ang buhok ko at yakap-yakap niya pa rin.
Kung sino ka mang killer ka...lagot ka sa akin.
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerSa isang klase normal na ang mga maiingay at mga magulo mong kaklase. Pero, normal ba na sa isang klase may patayan? Ano kayang mangyayari sa kanila? Malaman kaya nila kung sino ang killer? At kung bakit niya ito ginagawa?