Chapter 10

14 1 0
                                        

MICA

Bakit ba lagi na lang sina Iyanna at Alexander ang magkasama?


Bakit hindi niya ako pinapansin?


Bakit lagi na lang akong Hindi napapansin?



"Mica! Kumain ka na ba?", tanong ni Macky.

" Ah oo, kanina lang", pagsisinungaling ko sa kanya.

Pumunta na lang ako sa may garden doon sa liblib na.


Kinuha ko ang pocket knife ko, oo simula nang magkaroon ng patayan dito lagi ko na yan dala.



"Mi-Mica! Anong ginagawa mo?", muntik ko ng mabitawan ang kutsilyo ko nang biglang dumating ang babaeng kinaiinisan ko.

Sino pa ba? Edi si Iyanna.

" Diba bawal yan dito?", saad niya habang nakatingin sa kutsilyong hawak ko.

"TSS, pake ba nila kung magdala ako nito? Ang sarap kasing gawin nito oh", sabi ko sabay hiwa sa kamay ko.


Hindi ko alam kung bakit pero naaadik talaga ako sa dugo.

Ang ganda lang kasi ng kulay.


Pula.



" HUY! ANO BA?! TIGILAN MO NGA YAN!",napasigaw pa siya.


Tsk! Di mo ako madadala Jan Iyanna.

IYANNA

Ano bang meron dito Kay Mica? Nagniningning yung mga mata niya nang makita niya yung dugo sa mga kamay niya.

Nakita ko rin yung braso niya na puro hiwa.


"UMALIS KA NA PWEDE BA?! KUNG DI KA AALIS ISASAKSAK KO TO SA LEEG KO!", pagbabanta niya.


Ayaw ko man siya iwan doon pero Hindi kasi yan marunong magbiro.
Kapag sinabi niya, gagawin niya talaga.



Iniwan ko na lang siya.

Parang nababaliw....tawa ng tawa.








Babae ang killer.







Posible kayang siya yun?

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon