Chapter 18

12 0 0
                                    

IYANNA

Yung doktor?! Mukhang may kakaiba sa kanya, parang ka-edad lang naman namin, matangkad lang siya at nakasuot ng salamin para mag-disguise.

Tumakbo agad ako at hinabol ang doktor na yun hanggang sa makaabot ako sa may elevator, only to see a note.

"Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam ng mawalan! Sorry for your loss Iyanna, Condolence ! Hahahaha!"

"Iyanna, beshie! What happened?!", tanong ni Ciara habang hinahabol ang paghinga niya.

Hindi ko siya sinagot at kinuha lang ang note na nakalagay sa may pindutan ng elevator.

" Buhay pa dapat si Zevix, pero anong ginawa nila?! Anong klaseng facility ba meron ang hospital na to?! Paanong nakapasok ang Isa sa mga utusan ng killer dito?! Buhay pa dapat si Zevix eh...buhay pa dapat siya....", naluluhang saad ko.


No, Iyanna Hindi mo pwedeng ipakita sa killer na naaapektuhan ka dahil mas natutuwa lang siya.

***
AEDRIAN

Kahit magang - maga pa ang mga mata namin kakaiyak, pumasok na agad kami sa school.

"Iyanna, okay ka na ba?", tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa blackboard at parang wala sa sarili.

" Huy, beshie!", saad naman ni Ciara. Bigla na lang sumusulpot to.

Hindi niya kami pinansin at nagsuot lang ng earphones sabay alis sa classroom. Susundan sana siya ni Ciara pero bigla siyang pinigilan ni Alexander.

"Hayaan niyo muna siya, don't worry ganun man itsura nun ngayon pero gumagana pa naman utak nun Hindi yun gagawa ng masama", grabe din tong manglait si Alexander ano?

" If alam ko lang, palabas niya lang yan...sinadya niyang patayin si Zevix para matigil na ang pagsusupetsya sa kanya tsk! What an old trick...nagpauto naman agad kayo?", bigla kaming napalingon sa kaklase naming si Marga.

"Hoy ikaw! Ayusin mo nga yang bunganga mo kung ayaw mong sipain kita Jan eh!", naku po sisipain ko talaga to eh with matching sabunot pa.

" Aedrian ano ba?! Wake up, ano bang pinakain sainyo ni Iyanna? Or baka naman Hindi na gumagana mga utak niyo at madali kayong nagpadala sa mga paiyak - iyak niya na yan?", singit naman ni Rachel. Isa din to eh!



"You know what, tama naman sila eh masyado na yata kayong nadala sa pagiinarte ni Iyanna", dito ako mas nagulat. Those words came from the person whom I never expect to say those, Mica.


" Hindi niyo ba nahahalata? Para kayong mga tutang sunod ng sunod sa babaeng yan. Mga uto - uto. Parang Hindi kayo nag- aaral eh", dugtong niya pa.



"Hoy ikaw! You know what, sa pananalita mong yan sino kaya sa atin ang mas mukhang walang pinag-aralan? And ito pa ha, uto - uto ? Coming from you? At ano pa yun tuta? Eh sino kaya itong habol ng habol Kay Alexander at umaasang magugustuhan siya na nito kahit na 0% na nga diba o gusto mo negative pa?! Yun bang pag sinabi ni Alexander na 'Mica tumalon ka sa building kapalit nun magugustuhan na kita' eh susundin mo naman agad? Oh ano aangal ka pa?! Suntukan na lang oh!", nagulat kami sa biglang pag-aalburuto ni Ciara. Ngayon lang namin siyang nakitang ganyan.



" Ha! Ako? Maghahabol Kay Alexander, sorry mukhang Hindi ka yata updated. Babe, Sabay na tayo mag-lunch mamaya ha?", saad niya sabay halik sa pisngi ni Alexander.






"What the heck is happening Alexander?! Don't tell me ikaw na tong naging tuta sa bruhang iyon?!", sigaw ko.






" Can you just stop?!", saad niya bago umalis doon, probably sinundan niya si Mica.




Nagkatinginan na lang kami ni Ciara at Hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon