Chapter 13

14 0 0
                                    

SOMEONE'S POV

Masyado na siyang maraming nalalaman. Mukhang kelangan na siyang turuan ng leksiyon.

"So, anong balak mo kay Iyanna?", tanong ng isa kong kasamahan.

" Takutin niyo lang, huwag niyo muna patayin", uminom muna ako ng tea.

"Trabaho ko yun", pagpapatuloy ko.

"Noted", saad niya sabay alis na dito.

Hintay - hintay ka muna Iyanna, Hindi mo pa oras. Iisa-isahin ko muna ang mga kaibigan mo, na dating tinuring ko ring kaibigan.

Don't worry malapit ka na rin.

" Hahahahaha!", sabay inom ng tea at umupo sa swivel chair.


IYANNA

Sa ganitong panahon mas kelangan ko mag-ingat. Lalo pa't alam kong isa sa mga kaibigan ko ang killer.

Pumunta muna ako sa library. Never akong tumambay Jan dahil Hindi ako nakakafocus pero feel ko lang eh!

Wala yatang tao? Pero bukas ang aircon.

Kumuha na lang ako ng libro at nagbasa.

Nasa kalagitnaan na ako ng librong binabasa ko nang bigla akong nakarinig ng kaluskos.

Parang tunog ng kutsilyo na inii-scratch.

"Sino yan?!", napasigaw na ako.

Walang sumagot, tatayo na sana ako para umalis na sa library nang biglang  pumutok ang mga bumbilya.

Hindi pala pumutok, may nagtapon ng pako.

Alam ko na kung sino to.

Killer.

Nagpatuloy ang paghahasa niya sa kutsilyo at lumakas ito ng lumakas. Alam kong papalapit na siya sa akin.

Napapikit na lang ako dahil baka saksakin niya na ako pero iba, pinalo niya ako sa ulo.

Biglang nanlabo ang paningin ko kasabay ng pagtumba ko.

***

Ahh! Aray ko! Ramdam na ramdam ko parin ang sakit sa ulo ko.

Sandali nasan ako?

Nilibot ko ang paningin ko at napagtantong nasa Science Lab pala ako.

Her favorite place.

" Science lab nanaman? Wala na bang bago?", pang-aasar ko sa killer.

Ramdam na ramdam ko ang presenya nila.

"Paborito mo yata talaga ang Science laboratory? Ano bang nagustuhan mo rito? Hindi ako magtatagal rito napakaboring, pwera na lang kung lagi kang may pinupuntahan dito na ayaw naman sayo? Hahahaha!", pagpapatuloy ko pa.

Biglang bumukas ang isang ilaw sa may likod at tumambad sa akin ang tatlo kong kaibigan.

" Ciara?! Macky?! Aedrian?!", sigaw ko.

Tulad ko nakagapos rin ang mga kamay nila sa likod pati ang mga paa. May mga sugat rin sila.

"Tapos ka na yata, so ako naman?", biglang may nagsalita. Isa sa mga killer, nakamaskara.

" Nagmaskara ka pa eh kilala na kitang impakta ka!", saad ko habang may nakakalokong ngiti.


"What do you want from us ha?! Bakit mo ba to ginagawa?!", sigaw ni Aedrian.

Nilapitan niya si Aedrian at sinampal.

" Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya tumahimik ka!", sigaw ng killer.


"Simple lang naman ang gusto ko Iyanna", panimula niya habang pinapaikot ang kutsilyo.

" Parang sa exams lang, mamili ka. Sinong uunahin ko? Itong best friend mong si Ciara?", saad niya habang inilapit sa may mukha ni Ciara ang kutsilyo.

"Itong kaibigan mong mahilig sa misteryo", ibinaling niya ang atensyon Kay Macky.

" O itong madaldal na Ewan na to?!", tinuro niya naman ang kutsilyo sa leeg ni Aedrian.


" I'm giving you 5 minutes to decide. Isa lang ha, choose wisely", saad niya bago umalis doon.

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon