Chapter 12

12 0 0
                                    

IYANNA

Nagulat ako ng biglang bumungad sa akin ang iba ko pang mga kaklase.

Ang akala ko si Macky lang ang kakausap sa akin.

"We're here to help", saad ni Nicola.

"Mahilig kaming magsolve ng mga codes and other things basta may kinalaman sa mystery and I guess kailangan na yun ngayon", pagpapatuloy niya.

"May mga nalaman na ba kayo about sa killer?", tanong ko.

" Babae ang killer, may gusto siya kay Will at kina ...", alam ko na yan eh pero sino pa ba ibang gusto niya? Ang harot.

"Pati sa amin", Sabay na saad nina Alexander at Zevix.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako dito eh.

"May napansin pa ako, sa palagay ko eh mahilig sa Science or may koneksyon sa Science teachers o member ng Science Club ang killer kasi may access siya sa Science Lab.", saad ni Aedrian.

"Kaya pala sa Science lab natagpuan ang bangkay ni Nazzie at doon din pinatay si Arianabel sa CR malapit sa laboratory, Si Ambrouse naman ayon sa forensic examination may nakatusok na karayom sa leeg niya...at may lason ito kaya naman biglang bumula ang bibig niya.", saad ko.

Nilabas ko ang notebook ko kung saan sinulat ko doon ang mga impormasyon tungkol sa kasong to.

"Princess received 13 stabs, samantalang si Rye 16 na saksak. Yung Kay Samantha naman pako sa leeg na may lason rin", pagpapatuloy ko.



" Pero bakit yung Sanje, Will, Zoephia, at Kristina?", tanong ni Natalia.



"Hindi nag-iisa ang killer, imposibleng pagsabaysabayin niya ang apat sa magkakaibang lugar", sagot ko.


"Hmm, may access sa Science lab", bulong ko.



"Iilan lamang sa mga kaklase natin ang mahilig sa Science at laging nasa Science Lab. sina Shawn, Katrina, Mica, at Nazzie", saad ni Macky.




Mukhang kilala ko na ang killer...






Sapat na ang mga nalalaman kong impormasyon laban sa kanya, ang kelangan ko na lang Ay ang mahuli siya sa akto. Sa ngayon, akin na muna ito dahil mahirap ng magtiwala sa ibang tao.







Lalo na sa isa sa mga killers.




SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon