IYANNA
Yung class list...
Lahat ng mga kaklase kong namatay na...kasama si Arianabel may red mark na yung mga pangalan nila.
Nakaupo lang silang lahat sa kanya-kanya nilang mga upuan.
Tahimik lang.
Yung iba umiiyak.
Tumayo ako at pumunta sa may teacher's table.
"Nakakailan na siya", panimula ko.
" Una si Nazzie, tapos si Rye at Princess, si Ambrouse, Samantha tapos ngayon si Arianabel?!", napasigaw na ako sa sobrang galit.
"Kasalanan ko", biglang tumayo si Alexander.
" Huh? I-ikaw ang ki-killer?", nauutal na tanong ni Natalia.
"Hindi,pero dapat ako na lang ang namatay kung pinuntahan ko na sana agad yung sigawan sa CR kanina Hindi na sana nangyari to, Hindi na sana namatay si Arianabel!", sigaw niya kasabay nang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.
" Sandali lang bro ha? Na-narinig mo? Alam mo na si Arianabel yun? Alam mo na girlfriend ko yung andun? NANG DAHIL SAYO WALA NA SIYA! WALA NA YUNG BABAENG MAHAL KO", sigaw ni Will kay Alexander.
Susugurin na sana ni Will si Alexander pero pinigilan siya ng iba kong mga lalaking kaklase.
" Bro, tama na yan!"
"Tama na"
Pag-aawat nila.
"TIGILAN NIYO NA YAN! ANO BANG NANGYAYARI SA INYO?!", Hindi na ako nakapagpigil pa.
" No, Iyanna kasalanan ko talaga to! Ako , ako ang dahilan!"
Tumakbo si Alexander papunta sa labas. Sinundan ko siya dahil Baka kung ano pa gawin nun samantalang yung iba kong kaklase pinapakalma si Will.
Pumunta siya sa rooftop.
"Sa tingin mo ba pagpapakamatay ang solusyon?!"
"Iyanna iwan mo na ako! Umalis ka na!" , sigaw niya sa akin.
Akmang tatalon na siya pero hinila ko agad si Alexander.
"Ano bang nangyayari sayo?! Hindi ka naman ganyan eh!", pati ako naluluha na.
"Ano ba?! Tama na", niyakap ko na lang siya.
Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha niya.
" Lex! Kaibigan mo ako, you can tell me everything", pagpapakalma ko sa kanya.
"Hindi ko na kaya Iyan, napakawalang-kwenta ko! Wala na akong nagawang tama", saad niya.
" Hindi yan totoo ano ka ba?!"
"Sa bahay lagi na lang wala sina mom at dad kung andun man sila lagi na lang nag-aaway, kagabi? Nalaman kong maghihiwalay na raw sila. Tapos kanina yung Kay Arianabel? May narinig akong sigawan sa CR kanina ng mga babae, Hindi ko naman Alam na si Arianabel yun eh, sabi niya lang sa kausap niya mag-move on na dahil crush niya lang naman daw yun at si Arianabel ang gusto nung lalaki"
The heck?!
"Si- Si Will yung lalaking tinutukoy na yun! Yung killer may gusto siya Kay Will pero Hindi siya ang pinili nito kundi si Arianabel! Naghihiganti siya....babae ang killer!", saad ko.
Babae ang killer...isang babaeng gustong maghiganti.
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerSa isang klase normal na ang mga maiingay at mga magulo mong kaklase. Pero, normal ba na sa isang klase may patayan? Ano kayang mangyayari sa kanila? Malaman kaya nila kung sino ang killer? At kung bakit niya ito ginagawa?
