Chapter 19

12 0 0
                                        

CIARA

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pagkatapos nung eksena namin with that Bruha and the tuta wala ng nagsalita sa aming dalawa ni Aedrian.


After lunch break, biglang nawala ang ingay sa loob ng classroom. Kaya naman napalingon agad ako dahil baka may anghel na dumaan sa harap namin.

"Be-Beshie?", si Iyanna ba tong nasa harap namin.

Yung naka- pony tail niyang buhok Ay nakalugay na, maga pa rin ang mga mata niya, at may nakakalokong mga ngiti.

" What's that? A zombie from the Walking Dead or an addict from the rehab?", maarteng saad ni Mica na may halong pang-iinsulto.

Napatingin ako Kay Alexander to see if may gagawin siyang pagtatanggol Kay Iyanna pero Mali pala ako.

Biglang nag- 'ehem' si Iyanna, pinusod niya ang kanyang mga buhok at inayos ito gamit ang kanyang daliri. Inayos niya rin ang necktie and I.D. at bumalik sa Iyanna-ng kilala namin dati.

"Guyz mukhang masyado na yata tayong stress sa mga pangyayari, why not loosen up? Wanna play a game?", tanong niya.

" Ano namang laro yan? Trip to Jerusalem? Hahahaha", saad ni Aedrian.

"Nope, it's not that lame game at mas lalo ng Hindi ito patayan dahil napaka-common na nun Hindi ba? Aish! Boring na, let's just talk about the future", saad niya habang nililibot ang mga tingin sa buong classroom. Naglakad - lakad din siya at nilock ang pinto.


Okay, natatakot na ako.

" Ciara, starting with you, ano gusto mo maging in the near future?", tanong niya.

"Uhm, siyempre gusto ko maging teacher alam mo na yun beshie", saad ko at naka-smile pa.

" Eh ikaw Mica? Ano gusto mo?", tanong niya at parang nagti-twitch ang mga mata niya.


"I just want to be with Alexander for the rest of my life",saad niya sabay pulupot ng mga kamay niya sa leeg ni Alexander.



" Eh ikaw Shawn?", tanong niya.

"Why do you need to ask me that? Parang bata", saad niya at halatang - halata ang pagkairita.


" You just need to answer, maybe a word or two will do andami mo ng sinabi", sagot naman ni Iyanna.



"Doctor oh ano masaya ka na?!", halos pasigaw na ang pakasabi niya nun kaya napatingin na kaming lahat sa kanya.



" Ahhh kaya pala kahit Hindi ka pa nakakapagtapos ng studies mo at Hindi pa nakakapagexam para makakuha ng lisensya eh nag-opera ka na? Kakaibang 'doktor' ka din ano? Gusto mo mamatay ang pasyente mo?", saad ni Iyanna. Anong sinasabi niya?

"A-anong si-sinasabi mo?!", nauutal na saad ni Shawn.


"Anong ginawa mo sa hospital kung saan namin dinala si Zevix? Akala mo ba Hindi ko mahahalata ? Nagdisguise ka pa, pinalitan mo ang glasses mo at nagsuot ng pang-doktor. Nung kinausap mo ako, binabaan mo ang Boses mo, anong ginawa mo Kay Zevix?!", now I know her point. Her plan.



"Wa-wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Zevix! Binisita ko lang naman ang lolo ko sa ospital. At Hindi ako naglagay ng note sa may elevator!", pagtanggi niya.


" Sandali! Paano mo nalaman yung tungkol sa note na nakuha namin sa may elevator? ", tanong ko.


"Pa-patawarin niyo ako! Blinackmail niya ako! Sorry", naluluhang saad ni Shawn.



" Make sure that reason is enough para patayin mo si Zevix", saad ni Iyanna.



"Buhay ko...buhay ko ang kapalit! Kapag Hindi ko siya pinatay, ako ang papatayin niya!", sigaw ni Shawn.




" Bakit Hindi ka nagsabi sa amin? Pwede ka naman naming tulungan, we're a family here", naluluhang saad ko.



"Sandali...kung Blinackmail ka niya ibig sabihin nakita mo siya! Sabihin mo sa amin kung sino ang killer", pinuntahan ni Macky si Shawn at hinawakan ang dalawang balikat nito.




" Nag-iwan lang siya ng Note sa bag ko, nothing more", saad niya at napayuko.





Inayos niya ang salamin niya.


"I need to face my fear, hahanapin ko siya at...I will kill that murderer!", sigaw niya sabay labas sa classroom.





Hahabulin sana namin siya pero pinihit niya pa lang ang doorknob isang kutsilyo na ang tumama sa noo niya.









SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon