Chapter 20

8 0 0
                                    

IYANNA

"Nakita mo ng ginawa mo Iyanna?! Kasalanan mo lahat ng 'to! Kakambal mo siguro ang malas ano?", bigla akong hinarap ni Mica. Ano bang problema nito sa akin?


Tiningnan ko lang siya at Hindi pinansin ang mga pinagsasabi niya.


" Titingnan mo lang ba ako Jan ha?! Just freaking answer my question, kasabwat ka ba ng killer o baka naman ikaw ang killer?!", sigaw niya pa.


"Sad to say my answer is no. Kung ako ang killer inuna na kita", saad ko bago lumabas at pumunta sa rooftop.


Tiningnan ko lang ang kabuuan ng campus na to. Ang university na nababalot ng lagim.


" Don't tell me magpapakamatay ka na rin?", bigla akong napatingin sa likod. Si Alexander.



"Do you think I'm that Preposterous?", saad ko while giving him a cold stare.



" Then, anong ginagawa mo rito?", tanong niya.


"Kapag pumunta ba sa rooftop ang isang tao magpapakamatay agad? I'm not that absurd. Eh ikaw anong ginagawa mo rito?", ako naman ang nagtanong sa kanya.


" Sinundan ka", sagot niya.



Napangisi muna ako bago nagsalita.


"Well, I don't need someone. Don't tell me ginagampanan mo talaga ang pagiging tuta? Naligaw ka yata, Hindi ako ang amo mo", saad ko. Hindi ko inaasahan na kakampihan niya si Mica.


" I have my reasons Iyanna, huwag ka munang mag arbitrate hanggat Hindi mo pa naririnig ang paliwanag ko.", saad niya naman habang nakatitig sa mga mata ko.

"Just keep all your explanations to yourself and hayaan mo na ako, bumalik ka na sa amo mo", saad ko bago umalis sa rooftop at iniwan doon si Alexander.




Bumalik na ako sa classroom at doon naman ako sinalubong nina Ciara, Macky, at Aedrian.



" Beshie, what happened?", pambungad ni Ciara.

"Anong gusto mo sabunutan ko na yun?", tanong naman ni Aedrian.



" Okay ka lang ba Iyanna? ", tanong naman ni Macky.




"Nothing happened Ciara. So stop acting concerned. And for you Aedrian, edi sabunutan mo sila, sipain mo, patayin mo. I don't give a single care. Lastly, Macky. Stop pretending that you're a friend." Saad ko bago umupo na sa upuan ko habang sila naman nakatayo lang doon.



CIARA


"Ano bang nangyari Kay Iyan? Ma-mabait naman yun eh", naluluhang saad ko habang si Aedrian naman tinatapik ang likod ko.


" Ako rin naman nagulat sa inasta ni Iyanna kanina, ang layo sa Iyannang kilala natin", sabi naman ni Macky.



"Pwes! Kung ayaw niya na sa atin then fine! The feeling is mutual.", saad ko bago bumalik na sa loob at Hindi na pinansin pa si Iyanna na dinaanan ko lang.


Kung sa tingin niya eh magmamakaawa pa ako sa kanya well, sorry siya!




Friendship over.

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon