IYANNA
Bakit kelangan ko pa mamili?
"Beshie! Isa na lang sa kanila ang iligtas mo, magpaparaya na lang ako", saad ni Ciara habang umiiyak.
" No Ciara! Kelangan mo mabuhay, a-ako! Ako na lang ang piliin mo Iyanna!", sigaw naman ni Macky.
"Oops! Not me! Konti na nga lang exposure ko dito sa story ako pa uunahin mo, sila na lang hehehe!", nakuha pa talagang magbiro ni Aedrian.
" Nakapagdecide ka na ba? Ohmy! I'm excited for your answer Iyanna", bumalik na pala siya.
"Hindi pa nga tapos ang limang minuto eh, one and a half minutes pa lang yata yun TSS! Simple math duh!", ang sarap talaga asarin ng killer na to.
" Tsk! Eh mamimili ka lang din naman sa huli papatagalin ko pa hello?!", pagtataray niya. Kahit noon, mataray na talaga siya.
"So sino uunahin ko?", tanong niya ulit.
Napangiti ulit ako.
" Eh di pagsabaysabayin mo na yung tatlo", mariin kong saad.
"Wha-What?! Iyanna!", sigaw ni Aedrian.
" Not following the rules huh?", saad ng killer.
"Oh ano pa hinihintay mong bruhilda ka? Bakit di mo pa ginagawa trabaho mo? Tatanong - tanungin mo ako di mo naman magawa tss, sinayang mo lang laway ko", pagtataray ko.
Ayaw na ayaw ng killer na to ang nalalamangan siya ng iba at pinagsasalitaan ng masama. Madali siyang maasar, pikon!
"Hindi ka talaga mamimili sa kanila ha?!", napasigaw na siya.
" Bingi ka ba? Kanina pa ako sumagot sabi ko patayin mo na yang tatlong yan diba?", pag-uulit ko.
Akala niya siguro iiyak - iyak ako rito at magmamakaawang pakawalan ang mga kaibigan ko.
Bakit naman ako magmamakaawang pakawalan ang isa sa mga close ng killer? Ano ako...baliw?
Grab the chance na nga diba?
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerSa isang klase normal na ang mga maiingay at mga magulo mong kaklase. Pero, normal ba na sa isang klase may patayan? Ano kayang mangyayari sa kanila? Malaman kaya nila kung sino ang killer? At kung bakit niya ito ginagawa?