Chapter 7

14 1 0
                                    

Author's Note : Papalit - palit po dito ng POV , pati yung killer may POV na rin dito for the first time. Sino kaya yung killer? Hahaha! Byeeee.

_______________

SAMANTHA

OMG! Birthday ko na. My goodness I need to be beautiful wait, always naman ha?

More beautiful na lang tuloy.

Kelangan ko magpaganda para mapansin naman ako ni Macky.

Yes, si Macky lang naman ang gusto ko ever since.

Nag-ayos na ako ng sarili ko at naglagay ng konting makeup.

Dumiretso na rin agad ako ng school.

Wow! Ang tahimik naman nila. Wala yatang ingay?

Pakarating ko sa classroom aba! Wala pa sila? Pati si Iyanna na laging maaga wala rin? Friday pa lang naman ha.

Baka naman may surprise sila para sa akin? Oh my enebe!

Nilibot ko ang buong room at...

"Sabi na nga ba eh! Lumabas na kayo pwede ba nag-iwan pa kayo ng gift dito", sigaw ko.

Nakita kong nay gift sila sa akin na nakalagay sa isang box.

Binuksan ko naman agad ito at wow.

Wow lang talaga! Letter lang naman pala ang laman nito. TSS! At least nag-effort sila mag-print.

Binasa ko naman agad ito.

" Happy Birthday Samantha, my super duper loving friend....BEFORE! Bago mo ako traydurin. The day you were born, is the day you will -"

KILLER's POV

Kawawa....uto-uto.

Di niya na natapos ang binabasa niya nang tapunan ko siya ng pako sa leeg.

Pako na may lason.

Hahahahahaha!

Ang sarap talagang makakita ng dugo.

Pinulot ko yung letter ko para sa kanya.

"Ako na magtatapos ha? The day you were born is the day you will DIE , Surprise! Wish granted ka na my dear", pagpapatuloy ko bago umalis na sa impyernong classroom na to.

ALEXANDER

Nagsisiiyakan nanaman yung mga kaklase ko dahil wala na si Samantha. May note nanaman siyang binigay pero as usual printed nanaman.

Bakit niya ba kami pinaglalaruan ng ganito? Ano bang ginawa namin?

Andito ako ngayon sa may hagdan. Doon sa tinambayan namin nina Zevix and Iyanna.

Pagabi na rin kaya medyo madilim na. Wala nang mga tao.

Ayoko pang umuwi, lagi namang wala sina Mom and Dad sa bahay eh. Wala naman silang pake sa akin.


Aalis na sana ako dito pero.







" Nazzie?"




SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon