MACKY
Nagulat kami nang bigla kaming nakarinig ng napakalakas na sigaw sa Science laboratory.
Tumakbo agad kami papunta dun.
Si Katrina pala yung sumigaw.
"Anong nangyari sayo?", tanong sa kanya ni Natalia. Best friend niya.
Hindi siya nagsalita pero may tinuro lang.
Cabinet?
" Oh? Anong meron sa cabinet na yan? Equipments? Ha ha ha ", pang-asar ni Ambrouse kaya agad siyang sinuntok sa braso ni Nicola.
Lumapit naman agad doon si Alexander.
" Sandali lang", biglang nagsalita si Iyanna kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
Nilapitan niya din yung cabinet.
"Guyz, may nakaukit sa cabinet. 'No. 1' ano namang ibig sabihin nito?", nilapitan na rin namin at meron nga!
"Asan yung Class list? Yung binigay ni ma'am ?!", sigaw ni Will.
Inabot ko naman yun agad sa kanya.
" No. 1 - Nazzie De la Cruz", ang class president namin.
"Asan si Naz?", tanong ko.
" Nazzie!!", sigaw ni Mica habang ang iba napahagulgol na.
Natakot ako bigla.
Nasa loob ng cabinet si Nazzie, naka-stapler ang bibig pati mata at halatang pilit lang siyang pinagkasya sa loob.
"Ano bang nangyayari?"
"Ayoko na dito!"
"Nakakatakot na"
Sabi ng mga kaklase ko. Napuno ng ingay at sigawan ang Science lab.
"Tahimik! Mamaya we'll have a meeting about this.", mariin na saad ni Iyanna. Siya kasi ang vice-president namin.
Na- curious ako bigla, magang-maga na ang mata namin kakaiyak pero siya?
Ni Hindi man lang yata umiyak.
Ano nga ba ang sikreto mo Iyanna?
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerSa isang klase normal na ang mga maiingay at mga magulo mong kaklase. Pero, normal ba na sa isang klase may patayan? Ano kayang mangyayari sa kanila? Malaman kaya nila kung sino ang killer? At kung bakit niya ito ginagawa?