ZEVIX
Hindi ko akalaing mangyayari sa amin to.
Nandito kami ngayon sa may hagdan.
"Hindi ko akalaing sa kanila pa manggagaling yun", saad ni Iyanna.
Halatang nagpipigil siya ng iyak.
Tsk! Bakit ba kasi ang tapang ng babaeng to? Ayaw ipakita ang totoo niyang nararamdaman.
" Bes, don't worry andito naman ako...kami oh? We're here for you", sabi ni Ciara habang niyayakap si Iyan.
"Paanong nabuhay ulit si Ma'am ? Ano yun multo? Aish! Sumasakit lang ulo ko eh", sabi ko.
Puputok na yata brain cells ko rito.
" Sige beshie, punta muna ako sa classroom ha, titingnan ko lang kung anong ginagawa nila doon, you know Class Monitor duties?" , pagpapaalam ni Ciara.
"Humanda sakin yang killer na yan", nagulat na lang ako nang biglang nagsalita si Alexander. Buhay pa pala siya hahaha. Kala ko na-estatwa na Jan eh.
" bakit kilala mo?", pang-aasar ko.
Binatukan niya naman agad ako.
"Huy ano ba, grabehan ang bromance niyo", Iyanna.
" Ah ganun pala ha? Bromance? So may gana kanang mang-asar Ms. Smith?", pagbabanta ko.
"Huy joke lang naman eh! Peace na tayo diba ? Hahaha", kung di ka lang malakas sakin eh.
" Geh na bye!", pagpapaalam niya.
"You know, Jokes are actually half meant hahaha!", aba! May pahabol pa.
Napailing na lang kaming dalawa ni Alexander.
Bumalik na lang din kami ni Alexander sa classroom.
"Uwian na pala, kaya pala wala ng tao dito Iyan na yun, Hindi man lang tayo sinabihan", saad ni Alexander.
Ang gulo naman ng mga upuan, anyare dito?
Sandali...
" Alexander! Tingnan mo oh!", tawag ko Kay Alexander na kinukuha ang bag niya.
Sa bulletin board may nakaipit na note.
"Nagsisimula palang ang laro, hays! Ang dami niyo pa...pagsabay-sabayin ko na kaya? Hahaha! Biro lang...mabait pa naman ako bibigyan ko kayo ng isa-isang moment hahahaha! "
Nakakainis na siya!
"Kung sino man siya ang duwag niya, sa tingin niya ba makapaghihiganti siya sa way na yan? Tsk! Nagkakamali siya ni wala nga siyang mukhang maiharap eh...ayaw magpakilala ", saad ko. Nagpipigil lang ako ng galit dito.
"Sandali, anong oras naman kaya nilagay yan ng killer? Eh andito sila lahat eh? Does it mean...isa sa atin ang killer?", saad ni Alexander.
Oo nga noh? Makes sense.
Pero ang tanong....
Sino?
BINABASA MO ANG
Secrets
Mistério / SuspenseSa isang klase normal na ang mga maiingay at mga magulo mong kaklase. Pero, normal ba na sa isang klase may patayan? Ano kayang mangyayari sa kanila? Malaman kaya nila kung sino ang killer? At kung bakit niya ito ginagawa?
