Author's note: Request po ni Beshie (Shiara) or Ciara sa story na dis ... POV niya raw hehehe! Geh na nga...byeeee!
°°°°°°°°°°
CIARA
Ano ba tong nangyayari sa section namin?
Sa mga libro ko lang yan nababasa eh bakit ngayon totoo na!
Magre-relax na nga muna ako sa library, favorite place ko yun eh.
Hmmm, ano kayang babasahin ko ngayon?
Habang naglilibot ako dito at pumunta sa iba't ibang sections napunta ako sa History ng School.
Kinuha ko yung libro na yun.
Wow! Ilang years na pala rito si ma'am Santos.
"Jenevie Santos , 43 years old, single, 12 years na pala si ma'am dito?", pagbabasa ko.
" Akalain mo nga naman, 43 na si ma'am wala pa ring asawa...namatay tuloy na dalaga", nagulat ako bigla nang may magsalita sa likod ko.
"Ay! Shawn ikaw pala, tinakot mo naman ako akala ko kung sino", ngumiti na lang siya at umupo sa may tabi ko.
"Alam mo na ba yung mga nangyayari dito sa section natin? Nakakatakot ano? Hindi ko na nga Alam kung sino mga dapat Kong pagkatiwalaan eh atsaka kung saan ba ang mga safe na lugar hay naku naman", saad ko.
" Bakit ka naman matatakot? Andito naman ako oh, don't worry I'll protect you...kahit Hindi mo pa ako sinasagot", sabi niya naman with matching patampo effect pa.
"Yah! Umayos ka nga, kelangan ko pa grumaduate tss", sabi ko habang sinuntok ko siya sa braso.
" Eh pano ba naman kasi , 2 years na akong nanliligaw sayo eh, sagutin mo na kasi ako...sige na please.", pagmamakaawa niya pa.
"Bahala ka nga Jan", umalis na lang ako sa loob ng library pero siyempre binalik ko muna yung book , good student ako eh.
Nag-pout lang siya sa akin.
Sorry ka Mr. Oliver , Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan.
Nagmadali na akong umalis dahil kelangan ko pa maghanda para sa birthday ni beshie Samantha.
Kelangan ko mag-prepare ng pinaka-best na gift for her.
Surprises are the best nga diba?
BINABASA MO ANG
Secrets
Mystery / ThrillerSa isang klase normal na ang mga maiingay at mga magulo mong kaklase. Pero, normal ba na sa isang klase may patayan? Ano kayang mangyayari sa kanila? Malaman kaya nila kung sino ang killer? At kung bakit niya ito ginagawa?