CH#2: Meet-up

471 21 0
                                    

Bagong araw! Bagong pag-asa na makikita ko si Kookie. Nag-strech pa ako bago ako mag-ayos, naligo, and then nagbreakfast 2 days from now fan-meet na ng BTS.

"Alis na po ako!" Paalam ko. Palabas na ako ng magsalita si Lola.

"Eh teka apo kaya mo na bang mag-isa?" Tanong niya.

"Lola kaya ko naman na po! Malakas ang apo nyo eh. Bye na po."

Tuluyan na akong umalis ng bahay nakasuot ako ngayon ng Pantalon na fitted at white T-shirt na nakatock-in then yung coat ko na hanggang tuhod ang haba at yung scarf na kulay red na nakapulupot sa leeg ko kahit na kala mo balot na ako ramdam ko ang lamig pa rin.

Napaisip ako bigla simula pa lang na dumating kami dito sa korea wala pa akong picture! Kaya kinuha ko yung cellphone ko sa maliit kong bag na nakasabit sa shoulder ko then.

1 2 3 snap!

Ipopost ko to sa instagram ko binuksan ko yung account ko and pinost ko na may caption 'first pic in korea!'.

Nagi-iscroll pa ako then picture caught my attention, picture yun ng BTS pictorial para sa bago nilang kanta na ginagawa tiningnan ko yung time napa-pout ako 12 hours ago sayang.

Tinago ko na lang ulit yung phone ko sa bag tinitingnan ko yung mga dumadaan tinitingnan ko sila sa mata pero lagi na lang ako bigo di ko parin makita ang taong hinahanap hanap ko.

"Ouch." Inda ko, geez! Ang sakit non grabe naman 'tong taong 'to ang sakit non ah!

"Mianhae!" Saad nya hindi ko na lang siya pinansin ng magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ko, something pop on my mind ANG BOSES NA YUN!

Nilingon ko yung lalaki naglalakad sya palayo agad ko siyang hinabol, good thing nakarubber shoes ako.

Hinarap ko siya sakin and by that nakita ko sya. Yung mga mata nya mukang nagulat pa sya, hindi pa nagsisink-in sa utak ko yung mga nangyayari totoo ba 'to?!!!! IS HE REALY INFRONT OF ME??

Akmang sisigaw ako ng takpan nya ang bibig ko.

"Sshh.. Don't shout gusto mo ba akong kuyugin dito?" Teka! Marunong siyang magtagalog?

Umiling iling ako kaya binitawan nya yung pagkakahawak sa bibig ko ang bango ng kamay nya!

"J-jungkook?" I whispered.

"M-Marunong k-kang magtagalog?" Mahina kong tanong.

"Ne, mahabang kwento." Tipid niyang sagot.

"Eh? Kookie? Paano mo nalamang Filipino ako?" Curious lang bakit naman niya ako kakausapin in Tagalog kung di nya alam na Filipino ako eh paano kung koreana pala ako tapos kakausapin niya ako in other language edi nagmuka syang weird diba?

"I just think." Lah? Hula? Ganon? Kailan ka pa naging si Aling Auring?

"Teka! P-pwede b-bang m-makita y-yung m-muka m-mo?"

Nauutal na ako. Sige nga, nasa harapan mo yung pinapangarap mo na makita YUNG BIAS MO! Sino bang
hindi mauutal?

Napabuntong hininga siya at hinila nya ako sa wrist ko pakiramdam ko may kuryente na dumaloy sa buo kong katawan wala na akong ibang masasabi sa araw na 'to kundi ang swerte ko, ang swerte swerte kong fan. Imagine Jungkook in front of you talking to you as if that you two know each other. DREAM COME TRUE!

Napunta kami sa park na walang masyadong tao umupo kami sa isa sa mga bench doon, magkaharap kami ngayon akmang huhubarin nya na yung mask nya but pinigilan ko sya.

"Teka lang! Wait! Kukuha lang ako ng oxygen." I inhale exhale grabe this is it pansit!

"Ready?" He asked I nodded then unti-unti niyang inalis yung mask nya nakatitig lang ako sa muka nya paksyet! Mas gwapo sya sa personal! Taena!! Pwede na ako mamatay!

My Bias Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon