Ch#32: Trust me

203 9 0
                                    

Scarlett's POV

Andito kami sa field ng school, walan tao dahil may mga class. Hindi na ako nakapasok ng mga class ko ganun din si Kat. Hindi ko pa rin maisip kung sinong may lakas n loob na gumawa ng ganung article. Paano niya nakuha ang ganoong mga imporsmasyon?!

"Friendship ito oh tubig" inabutan niya ako ng bottled water, inabot ko yun at ininom.

"Are you okay?" Tanong niya. Tumango ako. "Aish! Sino naman kaya ang maglalakas loob na gumawa ng ganun article patungkol sayo?!" Iniisip ko na yan kanina pa pero sadyang walang pumapasok na posibleng tao na pwedeng gumawa nun.

"Oh my golly?! Hindi kaya yung president ng ARMY's?" Natigilan ako. Galit siya sakin. Posible nga na siya pero mahirap magbintang dahil wala naman kamin ebidensiya.

"Ewan ko Kat *Sniff* hindi ko alam kung pano nila nalaman yung mga ganung bagay *sniff*"

"Aish! Tahan na" inaalo na naman niya ako. Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak.

"Kat sorry ha? Hindi ka na tuloy nakapasok" pilit na ngiti ang ginawa ko.

"Ano ka ba?! What bestfriends are for?! Wala lang yun sakin no!" Hindi ko na napigilan niyakap ko siya.

Thankful ako dahil sa mga ganitong panahon na feeling ko pinagkakaisahan na ako ng buong mundo may isa akong kaibigan na handa akong damayan.

"I love you Kat" Hindi ko na napigilang umiyak.

"Oh my geee!! Wag kang ganyan naiiyak din ako! I love you too Reign!"

"Well well well nagdadrama ang dalawang malalandi ng campus" kumalas ako ng pagkakayakap kay Kat at hinarap ang mukang hipon sa harap ko.

"Stacey. Anong ginagawa mo dito?" Deretso kong tanong. Napatingin ako sa mga alipores niya sa likod niya. Tatlo sila.

"Hmmm. Dadamayan din sana kita? Muka kang nagluluksa eh" natatawa niyang saad agad gumapang ang inis sa sistema ko. Konti na lang Stacey mapapatulan ko na yang pag-iisip bata mo.

"Hindi ko kailangan ang kaplastikan mo dito kaya umalis ka na" wala kong ganang sabi.

"Ganyan ba ang pakikisama mo sa mga gustong dumamay sayo?" Sarkastikong sabi niya.

"Tss. Sa mga tulad mo? Oo" nagulat siya sa sinabi ko. Ayoko ng magpaapi sa mga tulad mo. Stacey. Napupuno din ako.

"Really? Lumalaban ka na ngayon? Sabagay lumabas naman na ang totoo mong pagkatao kaya ka nagkakaganyan" huminga ako ng malalim at tumayo. Hinarap ko siya at tiningnan sa mata.

"Wala kang alam sa pagkatao ko dahil ang tanging alam mo lang ay ang pangalan ko" pinagdiinan ko sa kaniya yun. Hinila ko si Kat paalis sa field na yun. Pumunta kami sa may auditorium.

"Geez! Ang astig mo kanina Reign!" Sabi ni Kat habang pumapalakpak pa. Napangisi na lang ako.

"Kung ang timba nga napupuno tao pa kaya?" Ngumisi ulit ako.

"Tama yan Reign lumaban ka wag ka ng mag-paapi sa kanila. Tumango na lang ako.

"Kat favor naman" nilingon niya ako.

"Yep. Ano yun?"

"Iidlip lang ako saglit. Feeling ko pagod na pagod ako ngayon." Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon.

"Sureness. Sige humiga ka na lang diyan sa may bench" sabi niya saka nilabas ang libro niya. Mukan magbabasa.

Pumunta ako sa may bech humiga ako dun at ginawang unan yung bag ko.

Sana panaginip na lang lahat ng ito.

💤💤💤💤💤💤💤💤💤💤

Minulat ko ng paunti unti ang mga mata ko ng maramdam ko ang paghaplos sa mga pisngi ko. Umupo ako para makaharap siya.

"Kookie..." Saad ko. Hindi ko alam pero bigla na lang nangilid ang mga luha ko. Nasasaktan ako.

"Ssssshhhh.." pinunasan niya ang mga luha ko sabay niyakap niya ako. Lalo akong naiyak. Ngayon sa mga bisig ng mahal ko nakaramdam ako ng siguridad. I'm finally safe.

Nilayo niya ako ng bahagya sa kaniya. Saka niya ako tinitigan.

"Stop crying please? Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka" pinilit kong pigilan ang luha ko sa pagtulo.

"Kookie..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakaraming nabubuo sa isip ko na gusto kong ilabas pero hindi ko magawa.

"Sshh.. everything gonna be alright. Stop crying" tumango ako. Naalala ko si Kat. Nilibot ng tingin ko ang Auditorium pero walang bakas ni Kat dun. Bumaling ako kay Kookie.

"Si Kat?" Tanong ko.

"Pinauna ko na. Late na rin kasi" napatingin ako sa wrist watch ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang oras 8:30 pm? Ang tagal ko namang natulog.

"Let's go? Gabi na siguradong hinahanap ka na sa inyo" tumango ako. Kinuha niya ang bag ko nauna siyang lumabas ng auditorium. Papunta kaming parking lot ng mapansin ko ang gasa na nasa kamay ni Kookie.

Hinila ko ang laylayan ng t-shirt niya. Nilingon niya ako.

"Anong nangyari diyan?" Hinawakan ko yung wrist niya. Bumaling ako sa kaniya hindi siya makatingin sakin.

"Kookie. What happened?" Hindi ko maiwasang mag-alala.

"W-wala yan. Natukod ko lang" gusto kong matawa sa excuse niya. Natukod niya pero nagkaroon ng sugat?

"Kahit kailan hindi ka marunong magsinungaling" nakita ko ang gulat sa mata niya. Napangiti ako kung ano man ang dahilan niya sigurado akong may kinalaman na naman yun sakin.

"Hindi na kita kukulitin kung anong nangyari diyan. Wag mo lang uulitin okay?" Tumangi siya tsaka ako hinalikan sa noo. Nagtuloy kamj sa kotse niya.

Tahimik kami hanggang sa makarating sa bahay. Pababa na ako ng kotse niya ng pigilan niya ako.

"Scarlett I'm sorry" napakunot ang noo ko.

"Para saan?" Tanong ko.

"Y-yung tungkol dun sa article." Nag-iwas siya ng tingin. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. Nagsalubong ang mga mata namin.

"Wala kang kasalanan.  Sadyang may mga tao lang talaga na gusto akong siraan" hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak  sa pisngi niya.

"Ayokong nakikita kang nasasaktan. Scarlett. Ayoko." Napangiti ako sa kaniya.

"Kakayanin ko okay? Kakayanin ko dahil andiyan ka sa tabi ko"

"I promise. Aayusin ko to. Sisiguraduhin kong mananagot ang nasa likod ng mga paninira" tumango lang ako.

"Ikaw ang bahala basta wag kang gagawa ng ikapapahamak mo at ng career mo" tumango siya. He kiss me on my forehead.

"I love you Scarlett. Aayusin ko to trust me. Ako ng bahala" ngumiti ako.

"I love you too Kookie. I trust you." Niyakap niya ako. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya. Kaya namin ito. Kakayanin namin ng magkasama.

—————————————
A/N: KOOLETT SHIPPERS!! WHAT TO DO?!!! HEHE.

FOLLOW, VOTE, AND COMMENT!

MY BELOVED READERS! KAPIT LANG! MARAMING SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGIINTAY NG UPDATES! HIHI! PINAPATABA NIYO PUSO KO! . Char! Lovelots. WANATICS!

My Bias Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon